Strings 3: Revenge Is the Sweetest

Start from the beginning
                                        

Napapitlag ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at sinagot ko agad nang makitang si Ate Beauty ang tumatawag. "Te?"

[Scaaaaar!] Nalayo ko agad ang cellphone sa sigaw niya.

Napahawak ako sa dibdib at biglang kinabahan, "Bakit? Anong nangyari?"

[Scarlet!] Kinakabahan na ako, ano ba yan!

"Ate?" Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

[Scarlet Hooope!] Biglang tunog nagbibiro si Ate Beauty kaya napairap ako.

Akala ko seryoso naman 'to. "Ano nga?"

[Scar! Hindi ka pa nagsasalita!?] Napakunot ang noo ko at tinapat na ang bunganga sa speaker.

"Nagsasalita ako!" Sigaw ko pa.

[Scar? Hindi kita naririnig.] Napabuntong hininga nalang ako at tinitigan ang cellphone ko.

"Naririnig naman kita." Siguro dahil nandito ako sa pinakababa ng building kaya mahina ang reception. Umalis ako ng kwarto, umakyat ng hagdan, at nakarating na sa lobby nang tumigil nang nasasagot niya na ang tanong ko. "Ano pong balita?"

[Si Nana mo, hindi man lang sinabi na ubos na yung gamot niya!] Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Ha? Bakit nanaman?" Napahawak ako sa noo at napatigil sa paglalakad.

[Mga ilang linggo na pala, heto nga oh. Nakaupo dito sa sala pinagsasabihan ko.] Si Nana pa, ang pinakamatanda, ang pinagsasabihan namin.

"Ate pwede pabigay?" I sighed. It's something I can't help but do every time this happens.

[Osige ito.] Naghintay pa ako ng ilang segundo bago ko narinig ang pag tutol ni Nana sa kabilang linya.

"Nana!" The people in the lobby stared when I shouted kaya napatalikod ako at umiwas sa maraming tao.

[Ano hija?] Napaka inosente pa ang boses niya. Parang walang ginawa.

"Nana naman, bakit hindi mo sinasabi na ubos na mga gamot mo."

[Magaling na ako. Hindi na kailangan ng mga gamot na 'yan.] I held my nose bridge as if it would help lengthen my patience.

I wouldn't have enough fingers to count everytime this conversation happens to us. "Nana, hindi ka doktor. Kaya nga po maintenance diba. Maintain Nana, dapat tuloy tuloy."

[Hija, ayaw ko namang maging pabigat sa inyo. Nako anak, alam ko namang mahal ang mga gamot na iniinom ko.] Pain constricted in my chest at napabuntong hininga ako.

"Nana basta 'wag niyo po ipagsawalang bahala ang mga gamot niyo please. May trabaho na po ako diba?"

Alam kong na g-guilty nanaman siya dahil kailangan kong tumigil sa pag aaral para magtrabaho simula nang nawala ang sponsorship ko, but it's not her fault and it was my decision to make.

[Ako na bahala dito Scarlet, 'wag mo na kaming isipin.] Ilang minuto ko rin silang kausap at madaming ibinilin kay Ate Beauty na nakikinig rin, minsan kasi nakakalimutan din niya. Madalas ang inaatupag non ay ang mga lalaki sa kdrama.

Pagkatapos naming magusap, babalik na sana ako sa baba nang may makitang message notification na hindi ko pa nabubuksan.


Bulaklak: Nandito kami sa harap :> Dito sa may milk tea shop na parang Chinese letters ang name

Bulaklak: Bilisan mo ha


Pagkabasa ng text ni Rossana ay dali dali akong dumiretso palabas.

Nang dumaan ako sa reception desk, nahagip ng mga mata ko ang babaeng rumarampa sa lobby na may suot na shades at LV bag. Tumutunog sa tiles ang heels na suot niya bawat tapak.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now