Chapter 68:Kent

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong pyen fyays?"   Kunot-noong tanong nito at pinaupo na si Kent sa motor, hinawakan ko naman ito bago siya naman ang sumampa. Nang naitukod na niya ang kanyang mga paa at nakahawak sa manibela, ako naman ang sumampa.

Para kaming isang pamilya. Kapag kaya mag-asawa na kami, suplado pa rin kaya itong lalaking 'to?

"Love!"   Biglang napabalik ako sa realidad.

"Hmmm?"

"Ano 'yong pyen fyays?"   Seryoso na naman niyang tanong.

"You don't know the pyen fyays tito? Iyong masarap! Sabi ni Tito Ryan, pyen fyays daw tawag do'n."  Lalo akong natawa sa sinabi ni Kent.

"Stop laughing. Ano nga 'yon?"   Natigil naman ako sa pagtawa at napatakip sa bibig ko. Naiinip na si boss.

"French fries 'yon love. Hahahaha!"  

"Ano? Paanong?"

"Eh kasi naman 'yang kaibigan mo, nababaliw na naman. Kung ano-ano tinuturo sa bata. Tingnan mo, french fries na french fries. Ginawang pyen fyays. Hahahaha!"    Napailing ito at natawa ng konti bago pinaandar ang motor.

"It's pyen fyays tita."   Natawa na naman ako sa sinabi niya kaya ginulo ko buhok niya.

"Alam mo ikaw, minsan huwag kang maniniwala kay Tito Ryan ha? Kasi po, minsan hindi tama iyong tinuturo ni Tito Ryan. Nangloloko lang po siya."   Paliwanag ko sa kanya at tumatango pa ito.

"Po? Hindi po totoo lahat sinasabi ni Tito Ryan? So, it's not true na may girlfriend siya?"   doon na sabay kaming tumawa ni Vin-vin.

Pati bata ayaw maniwala na may girlfriend siya. Sino bang maniniwala kung gano'ng klaseng lalaki? Puro kalokohan at kakengkoyan ang alam. Hahaha!

"Kent, may hahaha! May girlfriend si Tito Ryan. Maganda pa at mabait."   Sagot ko sa bata.

"How? I thought wala."   Nagpipigil lang ako ng tawa sa sinabi niya.

Maasar nga si Ryan mamaya. Hahaha!

"Meron 'yon. Bakit parang himdi ka naniniwala na may girlfriend si Tito Ryan?"

"Kasi tita, he doesn't like a serious guy. Para siyang bata."

"Hahahaha! Ayan love, narinig mo ha?Sabihan mo kaibigan mo."   Tumatawa kong sabi dito and he chuckled.

"Kahit pagsabihan 'yon love. 'Di na yun magbabago. Alam mo naman, alien 'yon." 

Lalo akong natawa sa sinagot niya, binansagan na talagang alien si Ryan. Hindi normal ang ginagawa eh. Parang bata na ewan. Daming alam na kaengotan. Hahaha!!

---

"You want burger too?"  Tanong ko kay Kent. Pumila na kaming tatlo at hawak ko siya sa kamay.

"Opo."

"And?"

"And pyen fyays, spaghetti, sundae and and--"

"Okay-okay. Enough. Ako na bahala dito."   Putol ng suplado kong boyfriend at binalingan ako.  "Love, hanap na kayo ng table. Ako na ang oorder."  

"Got it boss."   Iniwan na namin siya ni Kent at iginala ko ang paningin ko. Nakakita kaagad ako ng available table at dali-daling pumunta doon. Mahirap na, baka maunahan.

20 minutes yata kaming naghihintay ni Kent bago namin namataan ang gwapong lalaking may dalang tray na nakabusangot. Hahaha! Siguradong naiinis na 'yan, ayaw pa naman niya ang mabagal at pinaghihintay siya. Nakasunod naman sa kanya ang dalawang babae na may dala ding tray and I think, akin 'yon at sa kanya. Mas madami kasi ang laman na dala niya, for sure kay Kent 'yon.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon