"Tangina niyo!" Ang tangi kong sigaw kasi hindi ko na alam sinong hihilahin ko palayo.
Kaming dalawa naman ni Rian ang nasa likod ni Rossana. A position I regret, dahil mas mabilis pa sa bulalakaw, lumanding ang siko niya sa panga ko kaya nawalan ako ng balanse at naramdaman ko agad ang namumuong sakit.
Putangina naman Rossana!
Bago ako matumba ay may humawak sa balikat ko at nakitang si Kuya Gwapo ang nakapwesto roon. Nakangisi parin siya bago niya ako tinulak palayo.
Doon ko napansin ang tatlong malalaking guwardiya na nakatayo sa gilid niya, sinusuri ang lugar. Para silang secret agent dahil sa kanilang mga kurbata. Bumaling ako sa kanila, sinubukang kunin ang kanilang atensyon, at itinuro ang dalawang nagsabunutan. "Kuya awatin niyo naman sila!"
Tumingin ang mga gwardya kay Kuya Gwapo at umiling lang siya habang nakatingin sa buong kainan. Ano ba tinitingnan niya?!
Napangiwi ako nang makitang naka head lock na ang babaeng kasama niya sa kamay ng kaibigan ko. Saan ba natutunan ni Rossana yan?! "Kuya! Hahayaan niyo bang mamatay ang kasama niyo?"
Dahan dahan siyang lumingon sa'kin at kahit nakasalamin siya, nararamdaman ko ang diin ng kanyang tingin. Lumingon siya sa mga katabi niya at alam na agad ng mga ito ang gagawin, dali-daling pumagitna ang mga manong guard at hinila palayo ang dalawa.
Sumisipa pa sa ere si Rossana habang hawak siya sa magkabilang gilid, "Di pa'ko tapos sayo bruha!"
"You don't know what I'm capable of you bitch!" Pwersahang tinanggal ni Talia ang hawak ng isang guard sa kanya. Umayos siya ng tayo nang makitang umiiling sa kanya si Kuya Gwapo pagkatapos ay naglakad palayo. Hinabol naman siya ni Talia habang sumisigaw, "James!"
Pagkabitaw kay Rossana ay tumawa siya ng nakakaloko at biglang napaubo.
Napailing ako sa kanya at napahawak sa panga ko, "Gaga, ang sakit ng siko mo!"
Napalingon ako sa likod nang lumakas ang ingay at nabigla ng makitang nagsipasok ang mga taong naka amerikana. Kinuha nila ang mga nakalabas na cellphone para i-delete ang narecord nilang video at hindi ko mapigilang mapanganga, parang eksena sa pelikula ang nangyayari.
Kay Talia ba 'tong mga bodyguards na 'to, o kay Kuya Gwapo? Alinman, mabuting ginawa nila at baka makita nalang namin sa balita o kaya sa facebook na nagttrending mga mukha naming lahat.
Hindi ko nalang pinansin ang mga taong tumitingin at bumalik agad sa table dahil naiwan ko ang laptop kung saan ako gumagawa ng resumé. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nandito pa. Buti hindi nanakaw. Sa panahon ngayon, hawak mo na kinukuha pa ng iba. Awts, cue sad music.
"Anong nangyari Lorrs?" Bati ko kay Lorraine nang lumabas na siya. Ilang oras na kaming nakaabang dito sa labas habang kinausap siya ng Manager nila sa loob.
"Natanggal ako." Nakangiti pa siya habang sinasabi 'yon. Nasiko rin siguro siya ni Rossana sa ulo ng malakas, hindi na tumutugma emosyon niya eh.
Yumakap si Rossana sa bewang nito. "I'm sorry Rain."
Umirap si Lorraine at tinulak ang nguso ni Rossana na pilit siyang hinahalikan sa pisngi. "You're not. Pag nakita mo siguro si Talia sigurado akong susugurin mo parin 'yon."
"Hindi naman ako nag sorry sa ginawa ko sa kanya. Nag sorry ako kasi nawalan ka ng trabaho dahil sa'kin."
Bumitaw si Rossana habang napakibit-balikat si Lorraine at nagsimulang maglakad, sumunod kami.
"Kasi naman. Bakit ikaw ang natanggal? Tumutulong ka lang namang paglayuin kami ah. Violation of human rights!" Reklamo niya pa. Napakunot ang noo ko sa sigaw niya at natawa.
"Don't mind it. I hated my boss anyway, napaka sexist." Tumigil siya at napatigil din kami. Napahinga ako ng malalim ng makitang namumula parin pisngi niya.
"Sandali ano ba ang nangyari, bakit ka nasampal? Para namang tanga ng babaeng 'yon nananampal lang." I squinted my eyes at her, "Kumusta pisngi mo?"
"Masakit! I was serving her juice pagkatapos bigla nalang natumba 'yung service water. Bago nagalit na siya." Humawak siya sa pisngi niya at ngumuso.
Napakunot nalang ang noo ko at napaikot ng mata. Tingin ba ng Taliang 'yon na mas mataas siya sa mga tao? Nakakainis.
"Dapat pala mas nilakasan ko yung sabunot ko sa kanya." Napayakap si Rose sa bewang ni Lorraine sabay halik sa pisngi ng kaibigan namin.
Tinulak niya agad si Rossana sa kalsada habang pinunasan agad ang bakas ng lipstick na naiwan. "Kadiri ka!"
Napa kagat ako ng labi at pinigilan ang sarili kong magsalita tungkol sa biglaang pagtanggal sa kanya. Naiinis akong isipin na kailangan niya uli maghanap ng ibang trabaho dahil sa nangyari. Simula nang pinalayas siya ng mga magulang niya paiba-iba siya ng trabaho. Buti nga pinatira na ni Marianne sa kanila si Lorraine.
Tumatawa si Rossana pabalik sa'min at inakabayan ang kapatid niyang tinutulak din siya palayo. "Ang clingy mo."
Ang dalawang 'to ay magkapatid pero ganap na magkaibang personalidad. Ang aming mother hen ay kalmado at maasikaso, lahat na ng kasingkahulugan na makikita mo sa dictionary na kaakibat niyan, siya na. Samantalang ang babaeng nangungulit sa kanya ngayon ay ang kabaliktaran ng pagiging kalmado. Kay liit na babae pero 'di mo akalain na sobrang ingay at parang bombang sumasabog bigla bigla.
Lumapit ako kay Rian na hawak nanaman ang cellphone niya at tinatawagan ang jowa. Tinitingnan ko lang siya, pinipigilan ang sariling magsalita na dapat na siyang tumigil sa pagtawag at makipaghiwalay sa kanya. Hindi na healthy.
"Baliw." Naramdaman kong inakbayan ako ni Lorraine habang tinatawanan ang magkapatid, kaya naman nakuha ni Rossana ang pansin ko nang kinukulit pa rin niya ang ate niya. Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla siyang tumakbo ng patalikod.
Tumatawa tawa pa siya habang nakatingin samin. Kaya paglingon niya sa harap, tumama siya sa posteng nakaharang.
"Gosh Rossana!" sigaw ni Rian sabay takbo sa tumatawang natumba.
Rinig na rinig namin lahat ang tunog ng pagsampal niya sa poste. Napasinghap ako at natawa ng napakalakas bago tumakbo para tulungan siya.
"Aray!"
Naramdaman ko ang kirot sa braso bago ko napagtantong napaupo ako sa sidewalk. May isang matandang lalake, malayo sa'kin na naka hoodie, na natumba rin sa lakas ng pagtama namin sa isa't isa.
Hindi ko napansing nagkabanggaan kaming dalawa sa pagtakbo ko, "Sorry ho."
Tinulungan agad ako ng apat at tiningnan ni Rossana ng masama ang lalake. Galit naman agad ang isang 'to.
Yumuko siya, humihingi ng tawad at ibinigay ang cellphone kong hindi ko napansin na nahulog. "Sorry." Nabigla ako sa accent niya. Hindi tunog pinoy.
"Ano ba kayong dalawa." Naagaw ni Ellena ang atensyon ko nang abutan niya kami ni Rossana ng kamay at panyo.
Tumawa ako sa kondisyon niya at tumawa rin siya. Hindi ko alam kung bakit ginagaya niya ako eh tinatawanan ko ang namumula niyang bukol sa ulo.
Bago ako magsimulang maglakad, napalingon ako sa likod, wala na si kuyang nabangga ko.
"Scarlet Hope, tara na!" sigaw ni Lorraine sa'kin nang nakitang naiwan ako. Humabol agad ako.
(◠‿◕)
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 1: Her side
Start from the beginning
