Strings 1: Her side

Start from the beginning
                                        

"Don't make a scene." Hinawakan agad ni Ellena si Rose para pigilan ang psycho naming kaibigan na gumawa ng kung ano man, pero hindi niya magawa 'yon sa'kin dahil ang layo namin sa isa't isa. Kaya bago pa niya ako mahinto, tumakbo ako papunta roon at nilapitan ang kawawang Lorraine.

Nangati ang kamay kong iganti siya. Bago pa ako tamaan ng konsensya, kinuha ko agad ang basong may orange juice at tinapon din ang laman kay Talia. Napasinghap siya, "How dare—"

"Oh? How dare me? How dare you! You... you gago!" Nasampal ko ang sarili ko mentally kahit tinataasan ko siya ng kilay. 

Really Scarlet? That's your comeback?

"What?" Kumunot ang buong mukha niya sa sinabi ko. Putangina what whatin ko siya eh. Hindi ko nalang siya pinansin at tiningnan si Lorraine na basang basa ang mukha.

"Lorrs, okay ka lang?" Tinaasan niya ako ng kilay na parang sinabi niyang, 'tingin mo?'. Napamewang ako sa harap ni Talia, "Nasa telenobela ka ba? Kailangan mo talaga siyang buhusan ng tubig?!"

Nagkatinginan si Talia at ang lalakeng kasama niya—na kahit sa gitna ng gulo ay napansin ko pa talaga ang ayos, naka-casual na damit siya at naka-aviator glasses pero umaangat ang kagwapuhan niya. Wow lang. 

Tatawagin ko na siyang Kuya Gwapo. 

Nakapwesto siya paharap sa'min sa isang gilid at naka dekwatro, may maliit na ngiti sa labi na ipinapakitang natutuwa siya sa pinapanood.

Ang bilis ng pangyayari, hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya, iniwasan kong kiligin kasi hilong hilo ako sa ginawa niya.

Sino siya para hila hilahin ako ng basta basta?!

Sasamaan ko na sana siya ng tingin kung hindi ko lang napagtantong hinila niya ako para hindi matamaan ng kapeng tinapon ni Talia.

Napasinghap ako.

Parang slow motion ang nangyari nang pinagmasdan ko ang kapeng tumatama sa babaeng nasa likod ko, kay Rossana.

Nanlaki ang mata ni Rossana at 'di makapaniwalang napatingin kay Talia na ngayon ay nakangisi. Nalaglag ang panga ko habang nakatitig sa kape na tumutulo sa kanyang damit.

Gago natakot na agad ako baka anong gawin ni Rose sa kanya.

At totoo sa sinabi ko, wala pang ilang segundo ay tumakbo na si Rossana kay Talia at tinalunan siya habang sumisigaw. Nahiga silang dalawa at nagsabunutan. "Mang-aagaw ng boyfriend! Walang hiya ka!".

"Putangina, Rose tigil!" I cheered for her deep inside pero taena, ang delikado na dahil dumadami ang nakatingin. 

Nagtulungan kaming magkakaibigan sa paghila sa kanila palayo pero parang lintang nakadikit si Rossana kay Talia.

At 'yun ang dahilan kung bakit napunta kami sa kasuklam suklam na pangyayaring ito.

"Bitawan mo ako!" Pinapalo ni Talia ang kamay ni Lorraine na hinihila siya sa likod. Nang hindi niya matanggal, inilipat niya ang pansin sa tenga ni Rossana at piningot. Sumigaw naman ang kaibigan namin at ramdam ko ang pagpapantig ng tenga ko habang tinitingnan ko sila, walang magawa.

Sinusundan sila ng kamay ko hanggang sa napahiga na sila sa sahig. Sumingit si Ellena sa gitna ng dalawa para pigilan ang mas umiinit na away, ang kaso mas lumala ang nangyari dahil nadamay siya sa sabunot ni Talia, "Who are you?!"

"That's my sister, you freak!" Sigaw ni Rossana at gumulong silang dalawa habang nakapalaman si Ellena sa gitna.

"Rose, stop it!" Sigaw ni Lorraine, nakapwesto parin sa likod ni Talia at hinihila siya pa tayo.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now