Strings 35: The Unraveling

Start from the beginning
                                        

Tumaas ang kilay niya.

"Nasa ospital ang pamilya ko, pero hindi ko alam kung bakit hindi mo—"

Natahimik ako at napahinga ng malalim. I'm speaking out of anger and I know a part of me understands why he didn't tell me, why he did what he did. It was ordered. It was his mission.

I'm... just a mission.

Natawa ako sa realization. Tangina, akala ko gusto niya ako. Pero isa pala akong taong kailangan niyang lapitan.

"Hope," He said assertively, and my eyes were drawn into him. "Don't close off on me. What is it?"

"Nakakahiya. Akala ko..." Akala ko ginawa niya lahat ng 'yon sa'kin dahil importante ako sa kanya. Ngayon may sense na ang lahat. Hindi niya gagawin iyon kung hindi siya obligado.

"Tell me." Mahinang sabi niya na parang isa itong haplos kung ipipikit ko ang mga mata ko.

"Akala ko tinarget nila ako dahil mahalaga ako sa'yo. Because in my mind that's the only way it made sense... pero malalaman ko na gan'to? Everything was planned?"

Naramdaman ko na ang pamumuo ng luha ko.

"From me getting fired, up to this? Ano pa mga plano niyo ha TJ? Ano pa!"

Is TJ being my friend also part of the plan? I'm not prepared to hear the answer, so I inhaled sharply as my tears stood by, eyeing his golden brown ones.

"Who are you?"

TJ perfected the façade of his public persona towards the public, but I didn't realize he could lie to me.

"You are such a professional liar."

Pumasok ako ng kwarto at mabilis na ini-lock ito.

Naghanap ako sa cabinet ng damit na pwede kong gamitin paalis, at nakita ang mga damit na puros pang lalake. Bahay niya ba 'to?

Kinuha ko ang isang itim na jacket na umaabot na sa hita ko sa laki at nagulat nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Taka ko itong tiningnan. Naka-charge ang cellphone ko na hindi ko naalalang ginawa ko, at nakalagay ang bag na nabitawan ko kahapon sa isang upuan.

[Beh, I heard about the fire! Are you okay?]

Bungad ni Rossana pagka-accept ko ng tawag nila. Hingpitan ko ang hawak sa cellphone sa aking tenga at pinigilan ang luha nang marinig ang mga boses ng mga kaibigan ko.

[Fuck, kamusta ka? sila Ate Beauty? Si Nana? may naligtas kayong gamit?]

"Nasa hospital sila Nana ngayon."

[Your sketches? Your works were all there.] Rinig ko ang panghihinayang ni Rian.

Napapikit ako. Sana nga ang mga naiwan kong gamit ang problema ko but those things are least of my priorities today. "Hindi ko na alam gagawin ko."

[Where are you right now? Do you have a place to stay? You can crash with me.]

Umiling agad ako kahit hindi nila ako nakikita. Ayaw ko silang madamay. "Meron beh, it's okay. May... may kakilala sila ate na tumulong. Nandito ako ngayon."

[Saan? Pupuntahan ka namin.]

"No. Sorry, di ko alam kung pwede kayo dito eh. Sorry ang gulo lang hindi pa... hindi pa ngayon. Wag muna ngayon." I hate lying to them.

[No, hey, babe. It's okay.] Lorraine soothes me with her voice.

Kinuha ni Ellena ang atensyon ko. [Red? Wag mo na kami isipin. No stress. We can always see you tomorrow.]

"Thank you, girls."

The call ended.

Nakatingin lang ako sa dingding at lumipas ang ilang minuto bago ko napagdesisyunang gumalaw.

Wala na si Sir Archie pag labas ko, pero andito parin sila lahat kasama ang mga magulang ko. Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa pintuan.

Nakataas ang kilay ni TJ na hinarangan ako, bago pa ako makalabas. "Tabi."

"Where are you going?"

"Gusto ko umalis."

Rinig kong nagsalita si Kuya Jupiter kasabay ng ama ko sa likod, "You can't leave." —"She can't leave."

"Keep your mouth shut." TJ grits his teeth.

The men in the room had a staredown challenge that made me shake my head. There's so much testosterone and violence circling the air that I feel like I'm suffocating on it.

Hinuli ko ang tingin ni TJ at sana nararamdaman niya ang disappointment na pinapadala ng mata ko, "You promised."

Tumango siya, "I'm going with you."

Alam ko namang wala akong magagawa dito kaya tumango ako. But the thing is, I don't know if he's doing this because he cares about me or is it because of his job.

"Fucker she can't leave." Nanigas ako sa mura ni Kuya Jupiter.

"She can do whatever she wants if she's with me."

Naramdaman ko ang hawak ni TJ sa aking braso at sabay kaming umalis.

Nang makarating ako sa ospital naabutan kong nakaabang si Ate Beauty sa labas ng kwarto. It's like a sick déjà vu joke of the universe because I felt as if this happened before.

"Ate, okay ka lang? Kamusta ka?"

Nagulat pa siya nang makita ako sa harap niya.

Napailing siya, "Okay na, pero... Si Nana mo, hindi na maganda state niya."

"Pwede na ba raw pumasok?" Tumango siya.

May agents sa labas ng private room ni Nana at nilagpasan ko sila para pumasok, habang nakasunod si Ate Beauty sa likod ko at iniwan namin si TJ sa labas.

"Mahina na siya, Pula..."

Tumulo ang luha ko sa sinabi ni ate. Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko na nakikita si Nana ng gan'to.

"Nagising na siya kagabi pero sandali lang 'yon... alam kong nahihirapan na siya kumapit."

Her pulse is so weak that I can't feel it.

Umupo ako sa tabi niya at hinigpitan ko ang hawak sa malambot niyang kamay. She looks so frail and at the same time so peaceful. My care taker. My savior. I don't care if we're not blood related. She's my real mother.

And I will always have her in my heart. No one will replace her.

TJ told me she would make it last night, but my heart knows the truth.

"Nana, mahal na mahal kita..."

Hindi ko na mapigilang humikbi ng napakalakas.

"Nana... Nana, it's okay. If it's too painful... y-you can let go."

Seconds later, after I said those words, I heard the heartbreaking sound nobody wants to hear when their loved ones are on their deathbeds.

Nagmamadaling pumasok ang mga doktor at mga nurse at naramdaman ko nalang na hinihila ang katawan ko palabas ng kwarto.

Sumisigaw si Ate Beauty pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Ang nakikita at naririnig ko lang ay ang flatline at ang nanlalabo kong mata sa tuloy tuloy na luha.

Napaluhod ako.

Ang susunod kong naramdaman ay ang mainit na yakap ni TJ habang nasa lapag ako.

I felt myself succumb to his embrace. Just this once, I do not want to overthink this gesture.

"I'm sorry, my Hope. I'm sorry."









('•︵•')

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now