Bawat umaga

145 2 0
                                    

Gumising ako ng isang umagang puno ng pag-asa.
Nakangiting hinarap ang mga matang tila ba bulag na't di makita ang tuyong luha na dumaloy sa aking mga mata.

Hinarap ko ang haring araw. Naglakbay, kahit di alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.
Nagmamasid sa mga estrangherong patuloy lang sa pagsabay sa agos ng buhay.
Sinubukan ko na sumabay.
Alamin ang sekreto ng mga mukhang puno ng masasayang istorya.

Lumapit ako.
Pinilit kong alamin kung saan nagmumula ang lakas na taglay nila.
Na sa kabila ng pawis na tumatagaktak sa kanilang katawan.
Sa kabila ng mga boses na halos lunurin ka sa kahihiyan
at ng mga mata na puno ng paghuhusga.
Nagpatuloy sila at pilit na sumabay sa alon ng buhay. Na kung aking ilalarawan ay isang tsunami na.

Nasaan ako?
Nasaan ako ng umikot ang mundo. Bakit ang mga taong kasabay ko na mangarap ay nasa taas na.
Naiwan ako!
Naiwan ako sa kalalagayang di ko ginusto.
Niyakap ko ang mga katagang
'di ko kaya', 'mahina ako', 'ayoko' at 'masaya na ko dito!, Malaya!

Nadapa ako at imbis na tumayo ay pinili kong gumapang.
Ninamnam ko ang
bawat hirap,
bawat pagod,
bawat sakit
at ang mumunting saya habang ako'y nasa baba.

Pinili ko na lamunin ako ng sistemang sobra ko'ng kinatatakutan.
Nasanay ako sa baba.
Nasanay akong mag-isa.
Nasanay akong sundin ang mga luhong dinidikta ng aking katawan.
Nasanay akong tapak-tapakan ng mga taong aking tinitingala
pero hindi dahil idolo ko sila,
ito'y dahil sa dito ako dinala ng desisyon ko na magpakalunod at lasapin ang kalayaan ng pagiging isa sa mundo.

Hanggang sa dumating ang araw na sinabi ko na
'Tama na!'

.....

Nagising ako!
Nagising ako'ng nakangiti at hinarap ang bagong umaga.
Minulat ko ang aking mga mata at di na pinadaloy pa ang mga luhang nagbulag sa akin sa tunay na kahulugan ng pag-asa.

Hinarap ko ang haring araw.
At naglakbay ako patungo sa pangarap na matagal ng nahimlay. Hawak ko ang pag-asa. Kasama ko sya ng nagising ako. Siya ang  aking bawat umaga.

10.26.16 it's pure tagalog. We  called it spoken words. And it is my first time to try this. 😊

Simple RemindersUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum