"Wag na. 'Di ko pa maalala yung sasabihin ko." Seryoso kong sagot. May gusto talaga sana akong sabihin sa kanya eh. kaso nakalimutan ko kung ano 'yon.

"Mamaya na yun. Ako muna." Pangungulit niya.

"Ayaw. Mamaya na 'yan."

"Isa Ky. Sige na kasi!" kumakamot na ito sa batok niya.

"Dalawa Cesar."

"Ito na nga, bahala ka. Paano mo nala---"

"Lalalalala! Wala akong naririnig! Oh lalalalala!" kanta ko habang nakatakip ang dalawang mga kamay sa tenga ko. Hehehe.

"KYLA MAE!" sigaw niya habang natatawa at tinanggal ang dalawa kong kamay na nakatakip sa tenga ko.

"WAAAAHHH! WALA AKONG NARIRINIG!" sigaw ko naman at nagtakip ulit ng tenga. Siya naman tinanggal. Paulit-ulit lang ginagawa namin hanggang sa naghahabulan pa kami dito sa gitna ng kalsada. Buti walang dumadaan na mga sasakyan. Hehehe.

"Waaah! Pangit ka Cesar! Wag mo ako habulin!"

"Wag ka kasi tumakbo! Hahaha!"

"No! Hinahabol mo kaya ako, paanong 'di ako tatakbo!" sigaw ko na naman sa kanya at mas binilisan pang tumakbo.

"Hoy! Umayos ka! Baka mapagod ka! Mapapatay na ako ng pinsan mo!" automatic naman akong napahinto at pinagsisihan ko naman yun. Huhuhu!

"Huli ka! Hahaha!" sabay kiniliti ako kaya ako todo-hampas at ilag sa kanya na tumatawa ng malakas.

"Waah! I hate you! Stop it! Hahaha!" napatigil naman siya saka ako hinila at inakbayan.

"Tama na nga. Nakakapagod. Medyo masakit pa naman binti ko." reklamo niya.

"Hahaha! Ayan kasi!" natawa naman siya at pinisil ang ilong ko.

Napagdesisyunan naming dalawa na maglakad nalang kaya ayun, masaya kasi kapag maglakad lang. Matagal makarating sa proroonan, marami pa kaming mapag-usapan.

Nagtataka kayo bakit alam ko lahat? Sekretong malupit. Saka na, malalapit niyo rin naman. Soon.




===




**STALKER POV**


I saw her laughing with the other guy. And it made me jealous. Hanggang tingin nalang ako sa kanya mula sa malayo, napapangiti habang nakikita ang mga ngiti niyang kay tamis. Sumasaya habang naririnig ko ang malakas niyang tawa. Naiiyak kapag nakikita siyang umiiyak at nasasaktan.

"Haist Kyla Mae A. Serrano, ano bang ginawa mo sa'kin? Bakit ba ako nagkakaganito sa'yo?" -kausap ko sa sarili ko.

Sinundan ko lang sila ng palihim. Nagtataka pa ako bakit naglalakad lamang mga 'to eh pwede namang sumakay? Anong trip na naman naisip nila? O baka naman, iyang isa na naman ang nakaisip niyan.

Pinanindigan ko na pagiging stalker ko, bahala na. Oh wait! 'Di naman ako pangit. So, secret admirer. Hindi stalker. Napangisi nalang ako sa mga naisip ko. Nababaliw na yata ako. Nakakahawa yata ang pagiging baliw niya.

"Hahaha! Abnormal ka Cesar! Isusumbong kita kay Donald duck. Hahaha!" rinig kong tawa niya habang nakahawak pa sa tiyan.

"Hahaha! Bakit? Totoo naman! Hahaha!" medyo naiinis ako sa mga nangyayari. Kasi siya--sila, pwede siyang patawanin, akbayan, hawakan anytime. Pero ako? 'Di ko magawa. Dahil 'di pwede. Dahil bawal. Bakit ba ako nagmahal ng isang babaeng 'di ko pwedeng makasama? Ng babaeng 'di ko pwedeng mahalin? Napakahirap!

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon