Ilang minuto din kaming nagbabangayan habang kumakain, ang tagasaway si Arvin. Minsan nag-sparring pa kami ni William gamit ang kutsara. Kasi naman, inagaw niya 'yong ulam na hinawakan ko. Buti nalang to the rescue si Lovilla kaya nakuha niya 'yon at pinaghatian namin. Hehehe. Asar na asar naman si William at babatukan na sana niya si Lovilla pero naunahan siya ni Arvin. Kaya ayon, nanahimik at sumimangot. Hahaha!

"Teka! Bumili kayo ng manok?"  Lovilla asked them. Lihim naman akong napangisi dahil sa tanong niya at nagpatay-malisya.

"Ahm," -- Arvin.

"Oh no! Don't tell me, hinuli niyo 'to sa poultry?!"  nanlalaki ang mga mata niya habang nagtatanong.

"MAY TAMA KA!"  sigaw ko. Hahaha! Ang epic ng mukha ng lima.

"Arvin Montecillo!" -- sigaw ni Love.

"Aish! Shit! Wag ka ngang sumigaw."  Reklamo nito habang nakatakip ang mga kamay sa tenga niya.

"Oo nga! Saka nakakain ka na eh. Kaya okay lang." -- Cesar.

"At nasarapan ka pa!"  dugtong naman ni William.

"Hahahaha! Tama! Tama!"  segunda ko sabay palakpak.

"Ate naman! Hinayaan mo lang mga 'to?!"   'di makapaniwalang tanong niya sa'kin at tinuro pa niya si Arvin. Pero ang malokong Arvin, hinawakan ang hintuturo niya at iginiya paturo kay Cesar na walang alam. Nagtetext kasi. Hahaha!

"What?! It was so fun kaya! Hahaha!" -at nagsmirk bago nagpatuloy. "Saka 'yang tinuro mo ang may kasalanan. Siya may plano niyan."  Kumindat pa ako sa kanila. Pero 'di nakita ni Love. Hehehe.

"Ayan!"  sigaw niya saka tumayo at nilapitan ang walang kamalay-malay na Cesar.

"AHH! SAKIT!"  sigaw niya nang pingutin siya ni Lovilla. And I'm sure malakas 'yan kasi hindi maipinta mukha niya.

"HAHAHAHAHAHA!!"  sabay naming tawa habang 'di pa binibitiwan ni Lovilla tenga niya.

"Ano ba Love! Bitaw!"  naiinis niyang sigaw at sinamaan kami ng tingin. Halatang galit na siya.

"Uh-oh!"  nasabi ko nalang saka dahan-dahang tumayo at patakbong lumabas ng bahay at no'ng paglingon ko, nakasunod na pala ang lima habang hinahabol kami ni Cesar.

"Kapag mahuhuli ko kayo, pagsasapakin ko kayong lahat!"  galit niyang sigaw wearing his scary face kaya mas lalo kong binilisan takbo ko habang tumatawa at sinabayan pa nila. Hahaha!!

"Nyenyenye! Kung mahuhuli mo kami."  Sagot naman ni Lovilla at binelatan pa si Cesar at sinabayan ako sa pagtakbo.

"I HATE YOU ALL!"

"WE LOVE YOU TOO!"  sabay naming sigaw sa kanya at mas bumilis ang takbo hanggang sa nakaabot na kami sa gate ng campus. Napatukod ako sa tuhod ko habang hinihingal.

"Uhh!"  nasabi ko nalang nang pagbukas ko ng gate, nasa harapan na naman namin ang Dark Angel Gang at nakasandal sa may dingding ng Guard house.

"Lika na Ky! Ayan na si Cesar."  Napalingon ako kay Arvin nang akbayan niya ako saka hinila. Pero no'ng sinabi niya 'yon, nakatingin siya sa DAG(Dark Angel Gang).

"Waaaaahhh! Manong guard! May MONSTER!!"  sigaw ko nang nahimasmasan na ako. Nasasaktan pa rin kasi ako kapag nakikita ko sila.

"Yaaahh! It's true! Help us!"  segundang sigaw ni Love. Iyong apat naman na lalaki, deadma. Sarap pagsasapukin. Huhuhu! Hindi marunong umacting, kaya siniko ko si Arvin na nakaakbay pa rin sa'kin at sinenyasan na umacting.

"No."  Mahinang sagot niya kaya napasimangot naman ako. Pero bigla akong napatalon nang sumigaw si Kevin.

"MANONG! SI CESAR! SINAPIAN!"  kunwaring natataranta niyang sigaw at parang takot na takot. Kaya sinabayan namin siya ni Lovilla.

"Opo manong! Waaah! Si-sinapian siya! Waaahh!!" -- Lovilla.

"Manonggg! Awatin niyo siya! Kanina pa 'yan nagwawala saka hinahabol kami! Huhuhu!"  sinamahan ko pa ng iyak kuno. Iyng ibang estudyante, nakikiusyuso na at nagsisigawan pa. Lalo silang nagsigawan no'ng nasa gate na si Cesar.

"Waaaaahhh!! Hawakan niyo siya!"  sigaw ng isang babaeng estudyante at parang takot na takot na talaga.

"Kuya! Pigilan niyo siya!"  sigaw naman ng isang babae sa DAG na nakatingin sa kanila at nakakunot-noo pa. Hahaha! Clueless.

"Mga sira kayo !Kapag 'yan malaman ang totoo."  Bulong ni Donald kaya dahan-dahan kaming umatras no'ng pinuntahan na ni Manong Guard si Cesar na nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa amin.

"WAG KAYONG TATAKAS!"  sigaw niya kaya mas lalong nagsigawan ang mga estudyante at nagsitakbuhan. Kaya kami naman, nagsitakbuhan din para 'di niya mahuli.

Dito kami napadpad sa CR kaya no choice kami kundi pumasok. Nagkauntugan pa kami ni Kevin at sabay nag-aww.

"Shit! Hahaha!"  tumatawang mura ni William habang papasok kami sa loob ng cr. Hahaha!

"You saw their faces? Epic! Hahaha!"  segunda ni Lovilla at tumawa ng mahina. Mahina lang iyong pagtawa namin at pag-uusap.

"Oo nga! Sobrang nakakatawa! Hahaha!"  sabat ko habang nakahawak pa sa tiyan. Hindi ako makapaniwala na totohanin nila 'yong sinabi ni Kevin. Like hello! Sinapian? Hahaha!

"Mga siraulo kayo!" sabat ni Donald na natatawa din at ni-lock ang door.

"Kapag 'yon malaman na ang totoo, tayo na naman ang malalagot. Hahaha"  'di mapigilang sabi ni Arvin.

"Okay lang 'yon, atleast ang saya diba?" -- Kevin.

"Yeah! First time ko umacting ng gano'n na parang totoo talaga! Hahaha!" 

"Me to---"

"Calling Arvin Montecillo, Lovilla Montecillo, Donald Garcia, William Cruz, Kevin Panganiban and Kyla Mae Serrano. Proceed to the Guidance office. We need to talk. And you too, Cesar Dantes! NOW!"

Sabay na nanlaki mga mata namin nina Lovilla, Kevin and William. Maliban sa dalawa na parang inexpect na talaga nila 'to.

"Iyan na 'yong sinasabi ko."  Walang emosyong sabi ni Arvin.

"WE'RE DEAD!"  sabay naming sigaw.

---

Enjoy reading!😘😘

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now