Niyakap ko siya sa leeg niya at hinigpitan saka ako ngumisi kay Melvin at napangisi rin ito ng ma-gets niya ang balak ko.

 "A-ack! Kyla Mae! 'D-di ako ma-makahinga!"  sigaw niya kaya bumitaw sina Kuya Jake at Kuya Philip saka nagtawanan.
Binitiwan ko naman siya agad saka humagikhik.

"Aww! Napakasadista mo talagang babae ka. Pasalamat ka 'di ako makaganti!"  naiinis niyang sabi sa'kin at sinamaan pa ako ng tingin.

"Ahy! Salamat."  Sagot ko naman at lalo pa silang nagtawanan maliban kay Ryan na nakahawak pa sa leeg niya saka padabog na umupo.

"Tita, saan niyo po ba pinaglihi 'yang anak niyo? Napakasadista po."  Baling niya kay nanay na nakangiti pa rin.

"Hindi ko matandaan eh."  Nakangiti namang sagot ni nanay. Hmp! Nakakatampo nga eh, sa ate ko, naaalala pa niya kung ano pinaglihi dito pero sa'kin hindi na.
 Kilala na pala nila si nanay?

 "Magkakilala na kayo nay?"  nagtataka kong tanong.

 "Oo nak, kaninang tanghali. Pero wala si Melvin dito."  Nakangiting sagot ni nanay at sinusuklay pa ang buhok ko.

"Pumunta pala kayo dito kanina?" --- Melvin.

"Oo tol, naghatid lang ng pagkain. Medyo malayo bahay mo eh kaya 'di ka na namin ini-storbo kanina." --- Ryan.

Napatango lang naman siya saka ako binalingan ulit at pinanganga.

"Nganga!"

"May kamay ako Vin, ako nalang kasi."  Angal ko. Nahihiya kasi ako eh. Saka kaya ko naman.

"Hindi. Nganga!"  pagpupumilit pa niya kaya ngumanga nalang ako.

"Aarte pa eh!"  usal niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Siya na nga susubuan, aarte pa."  Rinig kong sabi ni Ryan kaya kinuha ko ang isang slice ng apple at ibinato sa kanya.

"Aray Mikay!"  daing niya nang tinamaan siya sa ilong.

"Hahahaha! Aww!!"  bigla naman akong napadaing dahil sa biglaan kong pagtawa.

"Ayan! Tawa pa."  Naiinis naman na sambit ni Melvin.

"Baby naman kasi, wag na makulit. May sugat ka pa nga eh!"  I looked Kuya Jake and I saw it in his eyes na sobrang nag-aalala siya.

"Sorry po kuya. Hihihi."  Napapailing naman sila. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang, ayaw kong mag-alala ulit sila.

"Oh!"  kukunin ko na sana ang isusubo ni Melvin sa'kin pero nilayo niya kaya napasimangot na naman ako.

"Nganga! Sabing ako ang magsusubo eh!"  reklamo niya kaya ngumanga nalang ako at 'di na nakipagtalo.

"Vin-vin, ako nalang subuan mo. Dali naaa!"  nagboses-bakla si Ryan kaya napatawa na naman kami.

"Siraulo ka tol! Tumahimik ka nga!"  Melvin habang nagpipigil ng tawa.

"Sige na kasi Fafa Melvin. Ako nalang!"  ulit niya na pumapadyak pa.

"Ry, si Margarette!"  medyo pasigaw kong sabi kaya bigla siyang napaayos ng upo.

"Hahahaha! Siraulo! Paano 'yon mapupunta dito eh wala 'yong alam."  Saka siya binatukan ni Kuya Philip.

"Aray tol! Eh malay ko ba. Bigla kasing sumigaw 'yang sadista diyan."  Depensa niya. Takot lang siya na malaman ni Ate Marga na bakla siya. Hahaha!

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now