"I'm so sorry.  I'm so sorry."  Bulong ko sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko. Wala akong pakialam sa mga makakakita at sasabihan akong bakla. Buhay ng mahal ko ang nasa kritikal na kondisyon.

   "Manong, malayo pa ba?"  medyo malakas kong tanong. Nanginginig na ako sa kaba at takot. Takot na baka mawala ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng unang minahal ko.

   "Malapit na. Tanaw ko na ang hospital. Konting tiis nalang."  Sagot ni Manong na halatang nag-aalala din.

 Bumaba agad si Manong at saka kinuha si Mae sa'kin at patakbong pumasok ng hospital. Patakbo rin akong nakasunod na parang wala sa sarili.

  "Doc! TULONG! NASAKSAK ANG BABAE!"  sigaw ni Manong kaya sinalubong kami ng nurses na may dalang stretcher saka inilapag si Mae ni Manong.

 Nilapitan ko ang doctor na tumutulo pa rin ang luha.

   "Doc, please! Save her! PLEASE!"  sigaw ko habang niyuyugyog ang doctor.

  "Sir, kami na po bahala. Magdadasal po tayo."  Sagot nito saka nila tinulak ang stretcher papasok ng emergency room.

 Napasandal naman ako sa pader na malapit sa pintuan ng emergency room saka padausdos na napaupo sa sahig.

 "Kasalan ko 'to! Kasalanan ko 'to!"  bulong ko habang nakasabunot sa buhok.

  "God, please save her. Maawa ka po. 'Di ako nagdadasal, pero ngayon, pakinggan niyo po ako. Iligtas niyo ang babaeng pinakamamahal ko. Iligtas niyo po siya."  Bulong kong dasal na nakayuko. Ipinatong ko ang braso ko sa aking tuhod at nakayuko pa rin. Naramdaman kong may tumapik sa'kin kaya iniangat ko ang mukha ko.

  "Huwag kang mag-alala. May awa ang Diyos. Ililigtas niya ang girlfriend mo." --- Manong.

 Ngumiti naman ako ng mapait sa sinabi niya. Napatango lang ako saka yumuko ulit, tumabi naman si Manong sa'kin saka nagbuntong-hininga.

 Alam ko, she's brave and strong. Pero ngayon, natatakot ako. Paano kung? Paano kung 'di siya maliligtas? 'Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Paano kung aatakehin siya? Mahina ang puso niya at 'di ko alam kung malalim ba o mababaw lang ang sugat niya. Sana makaligtas si Mae. Sana.

 I will haunt them. I will kill them all. Kulang ang pagpatay sa kanila sa ginawa nila kay Mae.

 Lord, mali ba na nakipagkaibigan kami sa kanya? Kami ang naglagay sa kanya sa panganib. Kung 'di sana kami nakipagkaibigan sa kanya, baka sakaling 'di siya nasaksak. Baka sakaling tulog na siya sa bahay nila ngayon at naghihilik pa. Mali ba Lord, mali ba ginawa namin?

  "Hindi ko alam kung tama ba na magtatanong ako pero gusto ko pa ring malaman kung ano ang nangyari?"  dinig kong tanong ni Manong. Sa tantiya ko, nasa edad apatnapu si Manong.
 'Di ko inangat ang mukha ko. Nakatitig pa rin ako sa sahig at sinagot siya.

  "P-pauwi na kami. Naglalakad at masayang nag-uusap at nagtatawanan. Pero 'di namin akalain na-na sa oras na 'yon, may nag-aabang pala sa madilim na parte ng kalsada na 'yon. Nag-aabang sa'ming lalaki. Pero...Pero nadamay siya. Sinabihan ko po siya na 'wag aalis do'n sa dinalhan ko sa kanya, pero umalis siya. Niyakap niya ako no'ng nakita niya na may patalim 'yong lalaki. At hinampas niya ng bato. P-pero, 'di ko akalain. 'Di ko akalain na makakatayo pa 'yong lalaki at 'yon, 'yun ang sumaksak kay Mae. Ako sana 'yon, ako sana 'yon Manong. Pero nakaharap siya sa lalaki no'ng niyakap niya ako kaya bigla siyang umikot. At siya ang nasaksak. Siya ang nasaksak! Kasalanan ko! Kasalanan ko!"




--







*THIRD PERSON POV




 Biglang bumuhos na naman ang mga luha ni Melvin pagkatapos niya ikwento sa driver ang nangyari. Medyo natulala ang driver pero bigla rin itong natauhan at inakbayan ang binata saka tinatapik sa balikat. Awang-awa ito sa nangyari sa mga batang ito pero wala siyang magagawa. Pero kung kakailanganin ng mga ito ang tulog niya, handa siyang tumulong.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now