"Sige, enjoy baby."

"Kayo din po. Paano po, mga ate at mga kuya?"  kinawayan naman namin siya habang paatras siyang lumalakad at kumakaway sa'min. Kapag 'yan matalisod, naku!

"So, paano? Upo na tayo sa bleachers?"  baling ko sa mga kasama ko. Tumango lang sila, kaya hinawakan ko si Mae sa braso at tinulungan makaakyat. Puno na kasi dito sa bandang baba saka mas maganda kung nasa bandang gitna kasi makikita mo lahat ng magaganap dito sa ibaba.

Pagdating namin sa aming section, by section kasi. Biglang nagsihiyawan ang ibang classmates namin pagkakita sa'min. Napapailing nalang ako.

"Wow Melvin and Kuya Jake! Himala!Nagpagwapo talaga kayo! Ang gwapo niyo!"  sigaw ni Rizza habang namimilog ang mga mata.

"Oo nga! OH my God!D
Hindi ako makapaniwala." dugtong din ng isang classmate namin.
Natatawa nalang kami sa inakto nila. Hindi kasi sila sanay na ganito ang ayos namin. Nasanay kasi sila na magulo ang buhok namin pati suot kaya hindi ko sila masisisi kung bakit ganyan makareact.

"Wow Mae! ANG GANDA!"  nagsilingunan lahat ng estudyanteng nakarinig sa sigaw ni Jonas. Natatawa nalang ako kasi si Mae nahihiya, ngumiti lang kay Jonas saka hinampas sa braso bago yumuko. Nanlalamig pa ito. Napakamahiyain talaga. Kaya hinawakan ko nalang ng mahigpit ang kamay niya. Hindi ko nga namalayan na hawak ko na pala eh. Haist! Araw-araw lalo akong nahuhulog sa babaeng to.

---

*KYLA MAE POV

"Ano ba kuya! Nakalahiya."  saka ko hinampas ng mahina ai Kuya Jonas sa balikat.

"Totoo naman kasi!"  nakangiti niyang sagot. Tumango naman mga classmates namin saka ako nginitian.
Napangiti nalang din ako saka umupo sa gitna ni Kuya Jake at Melvin.

"Ar-jan, bakit ganyan suot niyo? Kayo ang unang magpeperform?" -
nagtataka kong tanong kina Ar-jan dahil nakahiphop outfit sila eh.

"Oo. Bagay ba?"  nakangiti niyang tanong saka inaayos pa ang damit niya. Inabot ko naman ang laylayan ng kanyang tshirt saka inaayos.

Ang gagwapo nila. Sina Neil, Ar-jan, Ronald at Rexelle. Hindi namin classmate 'yang si Rexelle pero dancer din.

"Bagay na bagay. Ang gagwapo niyo nga eh."  nakangiti kong sagot. Parang mga sikat na dancer dahil sa ayos nila.

"Ikaw nga, sobrang ganda mo oh!"  nakangiti niyang ganti sa'kin.

"Asus! Oo na. Upo na kayo do'n." taboy ko. Nakakahiya, kasi kanina pa sila puri nang puri. Naririnig ko pa iba kong classmates na sinasabing ang ganda ko daw talaga. Nakakahiya.

"Oo na. Bababa na rin kami, do'n na kami pepwesto sa baba."

"Okay, goodluck."

Bumaba naman ang mga ito at naghahabulan pa. Mga loko talaga, alam na ngang pababa sila eh. Gusto yata mahulog at mapilayan.

Ang iingay ng mga students. Grabe! Hindi magkamayaw eh. Nakakabingi at medyo mainit. Pero I know mag-eenjoy ako mamaya. Marami kasing magpeperform. Ilang beses na ako umattend ng acquaintance party at isa lang masasabi ko. Sobrang saya!

"Good evening students!"  sigaw ng emcee na isang student. Fourth year at star section. Dalawa sila, girl and boy. Sa pagkaalala ko, the girl named is Gella and Kurt naman ang boy.

Si Kurt, crush ng campus 'yan. Ang gwapo kasi. Kahit nga ako nagkacrush sa kanya no'ng first year pa ako pero 'di nagtagal kasi maloko eh.

"GOOD EVENING!" ganting sigaw namin. Ngumiti naman siya bago nagsalita ulit.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now