"Ang daya niyo naman. Hmp!"  kunwaring nagtatampo ako.

"Vin-vin, pahiram phone mo!"  baling ko kay Melvin saka nilahad ang palad ko. Pero 'di ako pinansin, kundi tumayo ito saka lumabas ng classroom.
Nagtataka naman akong tumingin kina kuya, pero nagshrug lamang sila.

---

**JAKE POV**

Nagtatakang tumingin si Mae sa'min nang 'di sya pinansin ni Melvin. Pati ako nagulat, kasi first time niya itong ginawa.

Nagseselos ang gago!

"Sundan mo baby, baka tinotopak lang." Nakangiti kong sabi sa kanya kaya tumayo naman agad ito saka patakbong sinundan si Melvin. Pati kami sumunod din.

"Vin-vin!"  sigaw nito saka hinawakan si Melvin sa braso nang maabutan na niya.

"Ano?"  pabalang na sagot nito. Nagtagis naman ang bagang ko sa inasal niya.

Napabitaw naman si Mae saka nakaawang ang bibig.

"Vin-vin naman, sungit mo ngayon ah? Meron ka?Hihihi" pang-aasar nito. Lihim naman akong napangiti sa sinabi niya.

"Bakit ba ang kulit mo? Do'n ka na nga! Doon ka na sa manliligaw MO!" pagdidiin pa nito sa last word niya.

Kumunot-noo si Mae saka tumalim ang mga tingin kay Melvin na hindi nakatingin sa kanya at nangingilid na mga luha niya.

"Bakit ka ba nagagalit? 'Di ko naman alam na bawal pala manghiram ng phone mo! Sana sinabi mo nalang, hindi yong sisigawan mo pa ako! Saka ipaalala ko lang sa'yo, wala akong MANLILIGAW!"  tumalikod kaagad ito saka mabilis na tumakbo, nakita ko pa itong nagpahid ng luha.

Nilapitan naman agad namin si Melvin saka ko ito sinuntok!

"Ang gago mo! Wala kang karapatan na sigawan siya kung nagseselos ka! Noon ka pa namin sinabihan na umamin ka na bago ka pa maunahan pero wala kang ginawa! Tapos ngayon, sisigawan mo siya dahil sa pagseselos mo! Gago!" galit kong sigas at dinuduro ko pa dahil sa galit ko.

Hindi siya nakaimik, nakayuko lang itong nakasalampak sa lupa at pinahid ang dugo sa bibig niya.
Umalis na ako pagkatapos kong sabihin lahat ng gusto ko at sumunod naman sina Ryan at Philip.

Hahanapin pa namin ang prinsesa namin.

---

**KYLA MAE POV**



Hindi ko alam kung bakit nagalit siya, manghihiram lang naman ako ng phone eh kasi titingnan ko 'yong mga pictures nila. Ang babaw naman yata ni Melvin para iyon ang dahilan?

Okay lang naman na magalit siya pero bakit kailangan niya pa akong sigawan sa harap ng maraming tao?

Dati naman, pwede akong manghiram ng phone sa kanila anytime na gusto ko. Pero ngayon, parang hindi na pwede. Haist! Bakit ba ako umiiyak? Parang 'yon lang, iniiyakan ko na? Parang ang OA ko yata? Tsk!

Nandito ako sa likod ng CR ng kabilang section. I'm sure hahanapin ako nila kuya, mas mabuting dito nalang para 'di nila ako makita. Saka gusto ko ring iwasan si Paul, ayaw kong manligaw siya sa'kin. 'Di pa ako totally nakamove-on, ayaw ko naman gumamit ng ibang tao para makalimutan 'yong nanakit sa'kin. Masasaktan ko lang siya.

Tatayo na sana ako pero biglang may nagsalita sa left side ko.

"Nandito ka lang pala. Kung saan-saan ka pa namin hinahanap."  Nagulat pa ako sa biglaang pagsalita ni Kuya Philip.

Si Kuya Jake? Nakatitig lang sa'kin na parang galit? Wait! Galit sila sa'kin? Nanlumo naman ako bigla. Yeah, galit 'yan sila kasi sinigawan ko rin si Melvin and I'm sure, si Melvin ang kakampihan nila kasi solid 'yan sila eh.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now