To:Mr.Demon

^Ano na naman?Tigilan mo nga ako sa kakatext mo!^

Sending...

Sent!

---

From:Mr.Demon

~Ayaw ko nga.

---

Nagtataka kayo kung bakit Mr.Demon? Kasi naiinis ako sa kaniya. Grrr!

To:Mr.Demon

^Alam mo,nakakainis ka na!Demonyo ka talaga!Tigilan mo na ako!

Sent!

---

From:Mr.Demon

~Oo nga,demonyo nga ako.Pero handa akong magbago para sa Angel na katext ko.^__^

---

Hala! Joke-joke lang naman 'yong demonyo ko eh. 'Di naman 'yon totoo. Huhuhu! Pero ehh! Angel daw ako. Hihihi! Crush ako nito eh. Awee!!

Do'n sa huling text niya, kinikilig ako. Promise. Hihihi. Hindi naman masama kiligin sa ibang lalaki 'di ba? Hindi ko naman niloloko boyfriend ko eh.
'Di ko na naisipan pang magreply, tinatamad ako. Mas mabuti pang i-text ko si Baron.

To:Heart

Hi Heart, kumusta ka na. 'Di kita matawagan kahapon. Why?Ingat ka lagi dyan ha?I miss you and I love you.😘😘

Sent!

---

Pagkatapos maisend, tinago ko na phone ko at saka kinausap si Jane.

"Best, kumusta na kayo ni Ronald?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Ha? Bakit mo naitanong best?" namumulang tanong niya.

"Naku best, tinatanong kita, 'wag mo ako sagutin ng patanong din. Ano nga?" pangungulit ko. Namumula na naman siya, ang cute.

"Wala naman eh. Okay naman." Nahihiya niyang sagot saka medyo ngumiti. Mahiyain talaga 'to, madaldal lang kapag ako kausap niya. Minsan nga ate tawag niya sa'kin eh magkasing-edad lang naman kami.

Kasi rason niya, nagpakaate raw ako sa kanya. Ipinagtatanggol ko kasi siya kapag inaaway o inaasar ng mga classmates namin.

"Weh? 'Di ka niya niligawan?" tanong ko na may nakakalokong ngiti.

"Best naman! 'Di ah! IKaw talaga."  Sagot nito na may kasama pang hampas. Umilag naman ako pero natamaan pa rin. Ang haba ng braso.

Sa totoo lang, crush siya ni Ronald. Kaso nahihiya siya na kausapin si Jane, transferee kasi siya. But don't worry, I have a plan for them.

"Ah best?" --- Jane.

"Hmm?"

"Nagkakausap pa ba kayo ni Baron?" natigilan naman ako sa biglaang tanong niya.

"Ah, oo. Minsan. Bakit?" nagtataka kong tanong. Kasi 'di naman 'to nagtatanong dati about diyan. Tahimik lang siya pero minsan nang-aasar lalo na kapag katext ko si Baron, kinikiliti niya ako.

"Ah, wala lang. Naitanong ko lang."  Nakangiti niyang sagot pero alam ko may mali. Pero hayaan na. Baka napapraning lang ako.

"Wala na naman ba si Jeline?" pag-iiba ko ng usapan.

"Wala, nag-escape na naman. Dumaan do'n sa Golden gate(Nasirang pader, do'n dumadaan ang mga nagcucutting classes)."  nakasimangot niyang sagot.

"Haist! Hayaan na 'yon. Hindi naman siya nakikinig sa'tin eh." Malungkot kong saad.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon