Chapter 1

36.2K 906 152
                                    

This part is for my fave author Miss JayChowder

----

**KYLA POV

"TABI!" sigaw ko sabay hawi sa apat na lalaking nakaharang sa pintuan na nagtatawanan. Napahinto naman ang mga ito sa pagtawa nang muntikan ng matumba si Kuya Black(nakablack shirt) at sabay silang tumingin sa'kin.

"Ahy! Sorry po!" nakangiti kong sabi with peace sign.

"Makatulak ka diyan ah! Buti sana kung malaking babae ka at matangkad. Iyong totoo? Babae ka ba?" seryosong tanong nito. Pinamewangan ko naman siya sabay turo sa kanya.

"Hoy kuya!"

"Huwag mo nga akong duruin." Angal nito kaya binaba ko naman ang kanang kamay ko at namewang bago nagsalita ulit.

"Hoy kuya, babae ako. 'Di ko kasalanan kung mahina tuhod mo. Matanda ka na kasi. Hehehe." Bago pa siya makapagsalita ulit, tumakbo na ako papuntang upuan ko. Nakakatakot kaya sila, ang lalaki ng katawan. Buti 'di ako sinaktan, gangsters pa naman mga 'yon. Kilala ko sila, pero ako hindi nila kilala.

"Kuya!" tawag ko ulit saka ngumiti ng matamis.

"ANO?" medyo pasigaw na tanong nito. Napasimangot nalang ako sabay talikod.

"Hala ka tol, umiyak yata." Rinig ko na saad ng kaibigan niya. Magtatanong lang naman sana ako kung may pakpak ba ang lobo kasi sabi do'n sa kanta "Ako ay may lobo, lumipad sa langit." Nacurious lang naman ako.

"Hoy bata." Tawag no'ng taong 'di ko kilala. 'Di ko kasi nilingon, bahala siya diyan saka 'di naman ako bata. Baka may bata sa likod ko. Tinatamad akong lumingon kahit gusto ko malaman kung may bata ba. Hehehe. Ang ganda pa naman no'ng butterfly na lumilipad ng paikot-ikot.

"Bata!" nagpalinga-linga ako no'ng nagsalita naman 'yong tao sa likuran ko.

"Hahaha! Ikaw ang tinatawag ko, ba't ka pa palingon-lingon diyan?" sinamaan ko siya ng tingin sabay belat.

" Hindi ako bata! Maliit lang ako pero 'di ako bata!" sigaw ko sa kanya.

"Okay! 'Di ka na bata, bansot ka lang." Nagtawanan naman 'yong mga nakarinig. Sa inis ko tumayo ako at tiningnan silang lahat.

"ANONG TINATAWA-TAWA NIYO DIYAN? GUSTO NIYO MAGMUMOG NG DUGO?" Natahimik naman sila agad. Wew! Takot naman pala eh.

"Bakit Kuya Black? Anong kailangan mo?" Baling ko kay Kuya Black.

"Anong Kuya Black? 'Di Black pangalan ko!" angal niya.

"Nakablack ka kaya, tapos 'yong isa si Blue, si Gray at si Pink. Bakla 'yong nakapink. Hahaha!"

"Tumahimik ka nga!" Singhal ni Kuya Black.

"Susumbong kita sa mga pinsan ko, sinigawan mo ako!" Sigaw ko dito saka nagcross arms.

"Bakit? Sino ba 'yong pinsan mo? Matapang ba' yon?" Tanong niya habang nakatitig sa'kin. Tinitigan ko din sya sabay kunot-noo.

"Oo! Matapang Kuya Johnrey ko." Kumunot naman noo niya no'ng narinig niya pangalan ng pinsan ko. Akala niya 'di ko alam na member pinsan ko sa group nila. Naku! Pero 'wag kayo maingay, bakla 'yong pinsan ko. Pero joke lang!

"Pinsan mo siya?"

"Hindi kuya, papa ko siya. Kasasabi ko lang eh. Gusto mo akong paulit-ulitin kuya? Sorry, 'di po ako unli." Nakangiti kong sagot.

"Hahahaha!" Nagtawanan' yong mga kaibigan niya sa sinagot ko. Siya naman napailing-iling.

"Kuya, kuya Itim. Hehehe." Tumingin si Kuya Itim ng masama sakin kaya nginitian ko na naman siya.

"Kuya, smile! Bawal magalit, lalo kang tatanda niyan." Nagsitawanan na naman sila sa sinabi ko. Grabe ginawa nila akong clown. Sama!

"Kuya Pink, bakla ka?"

"Hindi!" Matipid na sagot ni Kuya Pink. Pogi pa naman siya pero sayang, bakla. 'Di ako naniniwala na hindi siya bakla. Bakla kaya pinsan ko, I'm sure bakla rin sila kasi magkaibigan sila eh. Tsk tsk tsk! Sayang 'yong lahi nila. Haist!

Hala! 'Di pa ako nagpakilala. Aish! Hello Llohe Hi! Hehehe. My name is Kyla Mae Serrano, 15 years old. That's all, thank you.

-----

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon