Strings 2: The Main Heroine

Start from the beginning
                                        

My hands stopped midair, at napatingin sa pinaka dulong cubicle. Kanina ko pa talaga naririnig ang kaluskos doon, ngayon naman naririnig ko ang kalansing ng isang belt.

Nakabukas ng kaonti ang pintuan pero sa kabilang bahagi ang bukas kaya nakaharang ang pinto sa paningin ko.

Hindi ko makita ang nangyayari.

Dahil isa akong concerned citizen na baka may naghihingalo na sa loob, dahan dahan akong naglalakad patungo doon, at hahawakan ko na sana ang hamba ng pintuan nang biglang bumukas ito.

I jumped from shock, and my eyes widened from seeing who was inside. Si Kuya Gwapo! 

What the hell? Dito siya pumunta kanina? Alam niya bang nasa banyo siya ng mga babae?! But then, I didn't know my eyes could get wider nang may lumabas uli sa cubicle na lalakeng nakahubad. Sinusuot palang nito ang slacks habang tumatawa.

"Finally got out of that. Bro, I owe you one—" Napahinto siya nang makita ako. Tumingin siya sa akin at alanganing ngumiti. 

Eh?

Nakatalikod si Kuya Gwapo and he immediately looked back when he saw the other guy looking at me. 

Nang magkatinginan kami, I caught his eyebrows rise from surprise at unti-unti akong umatras papunta sa pintuan. 

Shit, curiosity kills the cat nga.

"Hi." Bumalik ang mata ko kay Kuya... chinito, tawagin natin siyang Kuya Chinito. 

Nilahad niya ang kanang kamay na nakahawak sa slacks, kaya nahulog ang pantalon niya sa sahig. Napamura ako sa gulat.

"Gago!"

Napatakip ako ng mata at napamulat uli nang maramdaman ang paglapat ng kamay sa bibig ko. 

"Shhhhhh." Si Kuya Gwapo ang nakita ko sa harap ko habang si Kuya Chinito ay kasalukuyang nagsusuot ng kanyang mga damit.

Nanlalaki ang mata ko sa kanya dahil maliban sa tinatakpan niya ang bunganga ko, nakahawak rin ang kanyang kamay sa likod ng ulo ko para hindi ako makagalaw.  Lumaban ang mga mata namin sa isa't-isa.

Bakit ganon?! Anong ginagawa nila dito?! Oh my god! "Huluh! Huhumhummmp?!"

"What?" Tanong ni Kuya Chinito sa likod.

If they had sex, then it's the least of my priorities! I want to go out! "Hmhmn mm ahm hmha hmmu!"

"What the hell is she talking about?" Tanong uli ni Kuya Chinito. Napaikot nalang ang mata ko at pinilit tanggalin ang bakal na kamay na nakatakip sa bunganga ko.

Please think of the places his hand had been in! "Hmmm!"

"Shhh, Please don't shout. You'd attract people." Nagsalita uli si Kuya Chinito sa likod.

"We won't hurt you. I would remove my hand if you'd only stop shouting. I want you to shut up." 

Napatitig ako sa mata ni Kuya Gwapo at napatango ng marahan habang naririnig ko sa sariling tenga, ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa kaba. 

Mabagal niyang inalis ang kanyang kamay, tinatantiya kung sisigaw ba ako o hindi. Pagkatanggal ay humalukipkip siya at umatras ng isang hakbang palayo sa akin, naka kunot ang noo. "From now on. What happened here never happened. Capisce?"

Ano? May delete section ba ang utak ko? My mind just opened to a whole new world catching a couple who finished having sex in a restroom.

From now on, hindi na ako babanyo.

Tumingin ako sa kanilang dalawa na tahimik na nakatingin sa'kin. Gusto ni Kuya Gwapo na kalimutan ko ang mga nangyari, ibig sabihin ba nito tinatago nilang dalawa ang kanilanag relasyon?

"Don't worry mga kuya, hindi ko po ikakalat na may relasyon kayo."

"What?!" Sabay pa silang nagsalita. Jinx.

"Hindi ko po ikakalat na mag jowa kayo at may ginawang kababalaghan sa CR." Pagkaklaro ko pa. 

Humalakhak si Kuya Chinito, he has this eyes na nawawala kapag tumatawa siya. Sa likod niya naman si Kuya Gwapo na tumatawa rin... wow ang gwapo niya tumawa. Agreeable talaga ang nicknames ko sa kanila.

"Wait. So... y-you.. you think that me and him are... are–" Tinuro turo niya si Kuya Chinito at ang sarili niya ng pabalik balik. Hindi makapaniwala ang kanyang tono at parang nahihirapan siya magsalita sa tawa kaya ako na ang nagpatuloy.

"Lovers? Mag jowa? Mag boyfriend? Bakit? Hindi po ba?" Mali ba ang pag assume ko? Eh ano pa ba ang iisipin ko after kong makitang lumabas na half naked si Kuya Chinito kasama siya?

Lumakas ang tawa ni Kuya Chinito at tiningnan ako ni Kuya Gwapo na nananlaki ang mata, hindi makapaniwala. "Scarlet... you're mistaken okay? This is a complete misunderstanding—"

Hinawakan ko siya sa balikat para pigilan sa pagsalita, "Kuya 'wag po kayong mabahala. I'm an ally. Ligtas po yung sekreto niyo sa akin."

"No—" Napatigil uli siya ng umakbay sa kanya si Kuya Chinito. He stared at him with wide eyes I would conclude is a look of horror but because they were together, maybe it's the look of love.

Todo ngiti naman si Kuya Chinito at hindi na makita ang mga mata niya. "Thank you?..."

"Scarlet." Pag papakilala ko nang makitang inaabangan niyang marinig ang pangalan ko.

"Thank you, Scarlet. I'm Evan. My baby and I find it so hard hiding our relationship." Sabi niya habang hinihimas himas pa ang dibdib ni Kuya Gwapo na nalaglag na ang panga habang nakatingin kay Kuya Chinito—I mean kay Evan. "Thank you for not judging. We're sorry for scaring you."

"Nako po basta next time wag na po sa CR ha?" I smiled and he chuckled.

"I'm sorry. We just can't get enough of each other." Sabi niya pa at humilig sa balikat ng kasama na laglag padin talaga ang panga, nabibighani siguro?

Nanlalaki ang mata ni Kuya Gwapo habang nakatingin kay Evan, "The fuck?"

"Sige po, mauuna na ako." Kinuha ko nalang ang buong kit na nakapatong sa lababo at nagpaalam. 

Kumaway si Evan at kumaway ako pabalik habang si Kuya Gwapo ay pinipilit tanggalin ang braso na naka akbay sa kanya. Nahihiya ata.

Paglabas, sinigurado kong nakalock ang pintuan bago ko sinarado para may time pa sila sa isa't isa. 

Tangina pinaka-awkward moment of my life.

Second place 'to at first place ang pumasok ako na putikan ang damit.

Bigla akong napatigil bago pa ako makalayo at napabalik ang tingin sa saradong pintuan ng restroom. Nagpakilala ba ako kay Kuya Gwapo dati? Ba't alam niya na pangalan ko?

Napailing nalang ako, gaga Scarlet may suot kang I.D.

Kung ano ano naman iniisip mo.








ƪ(˘⌣˘)ʃ

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now