She apparently didn't like that dahil tinapik niya paalis ang kamay ko habang ang ibang empleyado ay nakatingin na sa'min.
Ba't palaging may nangyayari sa'king ganito? "I'm sorry. I'm really sorry ma'am."
"You! I don't want to see your face ever again do you hear me?!" Naaasar niyang hinawi ang kulot na buhok pagkatapos niyang dumuro.
Natulala nalang ako sakanya.
Wala akong magawa nung umalis siya sa harapan ko at dumiretso sa elevator kundi tingnan nalang ang kamay kong nanginginig at namumula sa paso ng naulang kape.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko, "Miss, okay ka lang?"
Pagkalingon ay agad ko siyang nakilala, siya yung babaeng naghatid ng damit na suot ko kay Madame. Tumango ako sa kanya bilang sagot at binigyan niya ako ng panyo na malugod kong tinanggap.
"Kawawa ka naman. First day mo palang napahamak ka na agad, andami pa naman naming nakaabang sa buhay mo dito."
Humalukipkip siya at napatingin ako sa kanya, nagtatanong kung anong ibig niyang sabihin.
"Ikaw yung babaeng agad pinasok ni Madame. Ibig sabihin magaling ka, kaya andami naming naghihintay na magpakitang gilas ka."
Nailang ako, na pressure. Baka isipin nilang sobrang ganda ng credentials ko, eh kahit nga ako nagtataka na nakapasok ako dito. I joined school organizations and surely excelled but I didn't finish college, but I guess Madame didn't care about the diplomas of her people.
Napatingin ako sa private elevator habang pinupunasan ang kamay ko nang maalala ang matandang babae, "Sino ba 'yun?"
"Seryoso ka ba?" Nanlaki ang mata niya sa'kin at nagtaka ako. Kailangan ko ba siyang makilala? Tiningnan niya ako na parang ako na ang pinaka weirdong tao sa mundo. "Hindi mo alam kung sinong boss mo?"
Boss? "Ibig sabihin—"
Tumango siya bago ko pa matapos ang sasabihin ko. "Siya si Merina Perez ang may ari ng kompanyang 'to."
Nanlaki ang mata ko. Anong kamalasan 'tong inaabot ko?! Natapunan ko ng kape ang boss ko!
Napatingin ako sa kanya nang may maalala, "Paano yun? Sabi pa naman niya 'I dont want to see your face!' Tanggal na ba ako?" Nakakaiyak, wala pa'kong isang oras dito tanggal na agad?
"'Wag kang mag alala miss ang sabi naman ni Madame 'I dont want to see your face!' kung 'you're fired!' ang sinabi sayo, dun ka na matakot. Yung, 'I don't want to see your face' sinasabi niya naman 'yun palagi."
She smiled at medyo nakahinga ako ng maluwag. Medyo lang naman.
"Ipagdasal mo nalang na hindi mo siya ulit makakasalubong dahil pag pinag-iinitan ka ulit non, kahit si Madam Kristine hindi ka na maliligtas."
Tumango ako sa sinabi niya, kahit imposible namang hindi ko makakasalubong si Madame, eh assistant ako ng empleyado niya rito. Pero hindi naman niya siguro maaalala ang normal kong mukha diba?
"Sige na, ibibigay mo 'to sa loob diba?" Turo niya sa dalawang tasa.
Tumango naman ako at kinuha niya 'yun.
"Ako na ang gagawa uli, pumunta ka nalang restroom. May first aid kit doon at merong ointment para sa mga paso." Pagkasabi niya no'n ay agad siyang umalis.
"San—" Hindi ko natanong yung pangalan niya at di siya napasalamatan. Anyway next time nalang, palagi naman kaming magkikita. At least may kakilala na ako rito.
Bumalik uli ako sa restroom, nagiging tambayan ko na 'to ah.
Pagpasok palang ay nakita ko na ang first-aid kit na nadikit sa pader. Inilapag ko muna ito sa marmol na lababo at kinalikot.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 2: The Main Heroine
Start from the beginning
