Strings 2: The Main Heroine

Começar do início
                                        

"Scarlet, come here." 

Mabilisan akong lumapit kay Madame na katabi si Miss Grace sa sofa, sa gilid ng opisina niya. 

"Here—" Inabot niya sa'kin ang paper bag, "Take this and change your clothes."

Natigilan naman ako, binibigay niya ba'to sakin? For free? "Hala! Bakit po? H-hindi naman po kailangan."

Sinamaan niya ako ng tingin, "Can you work properly if your clothes are that wet and disgusting? Besides, you smell like rainwater."

Napangiwi ako sa sinabi niya pero napangiti rin. It made sense. Kinuha ko sa kamay ni Madam Kristine ang paper bag at yumukod. "Thank you po."

Tumango si Madame. Tumalikod na ako at aalis na sana pero bago pa ako maka labas ay may pahabol pa siyang sinabi. "Bring two cups of coffee when you come back."

"Sige po." Sabi ko at lumabas na ng tuluyan. 

Sa lahat ng nangyari sa'kin ngayong araw, di ko maiwasang magpasamalamat kay Madame kasi hindi niya ako tinanggal. Totoo namang madami ang may gusto sa trabaho kong 'to, pero sa dami ng applicant, ako ang pinili niya.

Ngayon na iniisip ko, ang weird nga ng araw na iyon. Pag pasok ko palang at sa pagpapakilala, napagtanto kong sobrang layo ang mga naririnig kong chismis na dragon siya sa trabaho.

But despite those rumors, I still love her creations. And being here is a dream come true.

Pinagpag ko ang sleeves ng damit na suot. Ang laman ng paper bag ay isang champagne colored three-fourth blouse at black slacks. Saktong sakto sa akin yung damit, walang labis walang kulang. Kahit 'di ko trip 'yung ganitong mga style, shet ang ganda parin.

Naghuhugas ako ng kamay at hindi maiwasang mapakunot ang noo nang makarinig ng kaluskos sa pinaka dulong cubicle. 

Tumingin ako roon at nawala ulit 'yung ingay. Napailing nalang ako. 

Susuntukin kita kapag nagpakita ka sa'kin multo.

Dumiretso na agad ako sa pantry pagkatapos ko sa restroom. Maliit lang ang espasyo dito, may lamesa sa gilid para sa dalawa, may ref, water dispenser, lababo, microwave, at konting utensils. Sa taas ay may cabinet na ang laman ay puro ready-to-eat na mga ulam, instant noodles at iba ibang mga sachet.

Fuck, hindi ako marunong magtimpla ng kape sa coffee maker. Sorry naman, 3-in-1 lang ako.

Napailing ako, I'll wing it. Hindi ko alam kung gaano ako katagal dahil pinanood ko pa sa YouTube kung pano ito gamitin, and I hope I did it right.

Paglabas ko ng pantry, napatigil ako habang bitbit ang dalawang tasa. 

Para kasing may dumaang anghel—literal na may dumaan na nagpatahimik sa lahat. 

Napatulala ako nang dumaan siya sa harapan ko at tumama ang panlalake niyang pabango, matapang but it was the right kind.

May dala dala siyang paper bag nang pumasok siya sa hallway papunta sa restroom kaya bumalik na ang mga tao sa kanilang ginagawa, bumalik din ako sa paglalakad pero hindi maalis ang isip ko sa kanya.

Si Kuya Gwapo 'yun! Anong ginagawa niya dito?

Sabagay, he has nice features. Baka model? Naalala ko tuloy noong isang ha— "Goodness! Are you not looking!"

"I'm sorry po! I'm sorry!" Napasinghap ako at napatingin sa nakabangga kong matanda na lumiko galing sa kabilang pasilyo. Masama na ang tingin niya sa'kin at natalsikan ko pa siya ng kaunti sa damit kaya nag panic ako.

Binaba ko ang dalawang tasa at tinulungan ko siyang magpunas ng naulang kape sa kanyang damit, gamit ang malong na dala na para bang may magagawa 'yun.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora