TJDV 752
Nakita ko ang plate number niya at tinatak ko talaga sa utak ko. Ha! May oras kadin sakin! "Tangina mo!"
Dumiretso ako sa banyo, nanginig sa lamig at napatingin sa damit ko. Buti nga pinapasok ako ng guard kahit nagmumukha akong yagit. Naka puti pa naman ako.
Gago, pwede na akong mag commercial ng sabong panlaba.
Huminga ako ng malalim bago nilinis ang madumi kong katawan. Inayos ko narin ang buhok ko at nag retouch. Alangan naman pupunta ako kay Madame nang nagmumukhang ganito?
Ang problema ay ang basa at putikan kong damit. Kinuha ko ang malong na nakalagay sa bag at pinatong sa katawan na parang sash. Kumuha narin ako ng pin at nilagay yun sa balikat at sa gilid ng pantalon ko.
Ahh... siguro okay na'to.
Napailing ako, putangina Scarlet nagmumukha kang sasayaw ng doxology sa totoo lang.
Hindi ako iiyak sa gitna ng CR. Hindi ako iiyak. Hindi.
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong kumatok sa opisina ni Madam Kristine at pinapasok niya ako. Nagsitayuan agad ang balahibo ko sa leeg nang makita siyang nakahalumbabang nakatingin sakin.
"You're almost an hour late."
Napayuko ako. Kasi naman eh. Andaming patibong bago ako napunta rito, "Sorry po Madame."
"You're late Ms. Salvacion, care to explain?"
Tinanggal niya ang salamin na suot at hinilot ang noo niya.
"I didn't hire you right away because you're special. I hired you because I thought you were capable. However, so are other people. There are a lot of them who would kill for this job. If you're going to be lazy, then you should quit."
Huminga muna ako ng malalim para mabawasan yung kabog ng dibdib ko. Nanatili akong nakayuko, "I'm sorry po. I'll do better Madame."
Isang mahabang katahimikan ang nangyari bago ko naramdaman ang mariing titig niya sa'kin mula ulo hanggang paa, "What happened to you?"
Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Ah... may dumaan po kasing humaharurot na kotse sa tabi ko." Napahawak ako sa malong na ginawa kong tapis. Nakakahiya.
Bumuntong hininga siya at kinuha ang cellphone na nakapatong sa lamesa at kinalikot ito, ilang sandali lang ay ibinalik niya 'yun sa kinalalagyan, "I thought it's a new fashion trend for the kids this days."
"Po?" Hindi ko mapigilang mapaangat ang tingin. Bigla nalang siyang tumawa.
"Your outfit." Turo niya sa'kin at ngumiti.
Tumawa tawa na lang din ako kahit hindi ako natutuwa sa nangyari sa'kin. Hellooo naligo ako sa putik.
Bumaling ang tingin ko nang may kumatok sa pintuan at pumasok ang isang babaeng suot ang isang red jumpsuit at naka high ponytail ang buhok, ang ganda niya jusko. Kamukhang kamukha ni Madame kaya halatang magkadugo ang dalawa. "Hi sis!"
"Grace!" Tumayo si Madame at nakipagbeso sa babaeng tinawag niyang Grace. Hindi ako pinapalabas ni Madame kaya habang andito ako sa loob, nalalanghap ko lahat ng chismis nila sa isa't-isa. "How's San Francisco?"
"Still the same. I came here to say mom's expecting us to be home at dinner." Sumulyap sa'kin si ma'am Grace bago humarap uli kay Madame, "She's announcing something."
Habang nag uusap sila, nababaliw nako dito sa likod. Maliban sa ang lagkit sa pakiramdam, naaasiwa ako sa pabalik balik na tingin ni Miss Grace.
Bago pa 'ko mag paalam na aalis, may kumatok uli sa pintuan at may pumasok na babae. May binigay siyang paper bag kay Madam Kristine at lumabas uli.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 2: The Main Heroine
Start from the beginning
