"Scar!" Rinig kong sigaw ni Rian sa labas habang kinukuha ko ang toothbrush.
"Oh?" Sagot ko habang sinusumpa sarili ko.
"Kukuha na kami ng taxi, sagot ko!" Sumilip siya sa pintuan at tumango ako habang mabilisang nagsipilyo. RIP ngipin.
Nag half bath lang ako at sinuot agad ang damit na inayos ko kagabi nang lumabas ako ng kwarto.
"Alis na'ko! Thank you!" Sigaw ko habang tumatakbo pababa dahil wala na talagang oras para sa touchy moments.
Naabutan ko silang lahat na nakaupo sa sala, kasama sina Nana at Ate Beauty. Dinaanan ko lang sila at patuloy na lumabas ng bahay. "'Wag kang masyadong tumakbo juskong bata ka!"
"Goodluck Red!" Rinig na rinig ko ang mga sigawan nila habang hinahatid nila ako sa tapat, hanggang sa pag sakay ko ng taxi sa labas ng bahay.
Mahal ko talaga sila jusko.
Sa taxi na ako nag ayos ng mukha at buhok. Ang mga panahon na-late ako pumasok sa school ang naghanda sa'kin para sa panahong 'to.
Hindi ko lang inaasahan ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Hinalungkat ko ang bag at inalalang hahalikan ko talaga si Ellena pag uwi mamaya. Andito kasi sa loob yung matingkad niyang asul na payong, siguradong nilagay niya 'to sa bag ko.
Inayos ko ang pulang pumps na hiniram ko kay Rian, ang nag iisang kulay sa all white kong ayos. Once in a blue moon lang nga ako magtakong at ito 'yung bungad sa'kin? Aba ulan di ka na fair.
Tinanggap ako sa trabaho bilang pangalawang assistant ni Madam Kristine Yoshikawa sa Mr. and Mrs. Couture. Isa siyang iconic fashion designer, and I mean I-CO-NIC. Isa siyang designer na forte ay ang pag gawa ng mga gowns.
Sa pagkakaalam ko nga ay marami na rin siyang artistang binihisan, and not just locally! Ang ilan sa kanyang mga disenyo ay may mga sikat na kwento at ang kanyang mga gawa ay sadyang... hindi ko na nga madescribe! It's indescribable!
I don't even remember how she became my idol, pero alam kong pinapanood ko siya dati.
Bata pa lang, gumuguhit at nagtatahi na ako ng kung ano ano.
Naaalala ko pa na palagi akong pinapagalitan ni Nana dahil andaming butas na kurtina sa bahay dahil ginagawan ko ng mga bagong damit si Barbie. Ngayon, pinagagalitan niya ako dahil mga bagong damit na ang pinag didiskitahan ko. Slowly, it became my dream. Pero ang pangarap na'yun ay mukhang mawawala na dahil sa katangahan ko.
Hindi ko man lang naalala na may trabaho na ako! Nagising akong sabog dahil late na nakatulog sa sobrang kaba. Sa lahat ng araw bakit ngayon pa?! I swear, hindi ako ganito most of the time.
Ang haba ng lakad-takbo ko papunta sa main entrance. Ewan ko ba umiral katangahan ko at bumaba ako sa taxi malayo pa sa entrance ng kompanya. Ang traffic kasi eh!
"Putangina aray!" Hindi ko mapigilang mapa ungol sa sakit nang natapilok ako sa isang bato. Nalipad pa ang payong ko dahil sa lakas ng hangin.
Anong meron sa araw ngayon at bakit ang malas ko?! Tumingin ang ibang tao na dumadaan pero hindi ko sila pinansin at inabot ang nalipad na payong.
"Makipag cooperate ka naman sa'kin panahon!"
Habang inaayos ang buhok kong tumatabon sa'king mukha, bigla akong napalingon sa humaharurot na itim na kotse. Bago pa ako makaiwas sa mangyayari, natalsikan na ako ng naipong tubig ulan nang dumaan ito sa tabi ko!
Lechugas barabas.
Tumingin agad ako sa walang hiyang kotse na gumawa nito sakin.
Huminto 'yon sa di kalayuan at bumaba ang bintana sa driver's seat. Nagulat nalang ako nang lumabas ang kamay niya at kumaway ang gitnang daliri sa'kin bago humarurot paalis. Langhiya anong problema non?!
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 2: The Main Heroine
Start from the beginning
