Strings 6: Roadtrip

Start from the beginning
                                        

Putangina Lorraine please 'wag ako.

"And... where's Scar?" Tanong ni Lorraine at lumingon rito sa kotse, sinundan din ng lahat ang tingin niya, and thank God tinted 'tong sasakyan na'to at hindi ako makita. Sumulyap ako kay James na nakatingin lang sa paligid.

"So the battery's dead?" Tanong ng Mark at bumalik ang tingin ni Lorraine sa kanila. Huminga ako ng malalim nang hindi nako natawag.

"Yeah, we think so." 

Then while they were talking, nagulat ako nang bumukas ang pintuan ng kotse at pumasok si Sadako—este si Rossana na nakatabon parin ang buhok sa mukha.

Napahawak ako sa dibdib ko at tumawa sa mukha niya, "Tangina, anong ginagawa mo rito? Nakakagulat ka naman."

"Ano rin ginagawa mo rito?" Balik niyang tanong at umupo sa tabi ko habang nakayukong nagtatago at sumisilip sa labas. Sinundan ko ang tingin niya at nakitang nakasilip siya sa kambal na nag uusap at sumusulyap dito sa kotse.

Hindi parin ako maka move on, magkakapatid silang tatlo?

Lumapit ako kay Rossana at bumulong sa tenga niya dahil mukhang nagtatago din siya. "Anong meron?"

Narinig ko silang naguusap habang nakasilip sa makina ng kotse at si Chance ang nag ssuggest ng mga gagawin, "Pwede nating i-jump start."

Nag-aalalang tumingin sa kanila si Marianne, "Wala akong jumper."

"We have one don't worry." Singit naman ng Ethan at ngumiti kay Riri na tumango. Why do I feel sparks between them?! I ship!

"Di tayo nakikita rito sa loob, sira. Ba't ka nagtatago." Hindi ko mapigilang tampalin si Rossana sa ulo nang nakita ko parin siyang grabe makayuko. Ngumiwi nalang siya, bumuntong hininga, at umayos ng upo pero nakatingin parin sa labas.

Nang sinundan ko mata niya, nakatutok 'yun kay Evan na nakahalukipkip sa gilid, mga mata nakatitig din dito. Lumiit ang mata ko habang nakatingin kay Rossana. May tinatago ba ang babaeng 'to? Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya gumanti rin siya ng titig sa 'kin.

"May tinatago ka no?" Pagtanong ko ay bigla siyang namula, at ilang segundo bago niya ako sinagot.

"Evan is my boyfriend."

Tumaas ang dalawa kong kilay, "Putangina?!"

"Shh!" Umirap siya sa'kin at pinandilatan ako ng mata. Gago. Anlakas ng tawa ko, nakalimutan kong may tinataguan din pala ako.

"Is? Ano, ito ba 'yung before or bago?" I have so many questions right now!

Sinamaan niya ako ng tingin, "Gago, wala naman akong bago!"

"Aba malay ko ba! Bakit ka ba kasi nagtatago rito? Akala ko ba pag ikaw ang niloko dapat hindi nagtatago?" Pagbalik ko sa sinabi kanina kay Rian.

"Long story short, I did something unacceptably crazy." Nguso niya. If we're speaking about Rossana, crazy is normal.

Umiling ako habang tumatawa, this is so bizzare. "What the hell Rose? Akala ko ex mo na 'yang manlolokong 'yan."

Ngumuso siya at umiling, but only say the word at handa akong sumugod sa lalakeng 'yun. Di bale nang makikita ako ng Ipis, "He didn't. It was a misunderstanding."

"Diba tinapunan mo siya ng laman loob ng isda?" Napangiwi ako. That guys still wants to be with Rose after all of that? Salute!

"Hiyang hiya na ako Red, ayaw ko na magpakita sa kanya. Hindi lang 'yun ang ginawa ko." She groaned at pinaghahampas ako sa hiya dahil sa mga pinanggagawa niya sa buhay.

Tumawa ako at nilayo ang mukha niyang dumidikit, "Lumabas ka at mag sorry."

"Ayaw ko. Pag lumabas ako, samahan mo ako." Mabilis akong umiling at kinulit niya pa ako. "Bakiiiit? Kailangan ko ng support! Sino ba tinataguan mo?"

Ngumiwi ako at itinuro si James sa labas. "Hindi mo ba mamukaan ang lalakeng 'yon? Siya yung kasama palagi ni Talia, yung pinsan niya." Lumaki ang mata niya at inilapit ang mukha sa may bintana.

"Oo nga no. Diba siya 'yun, yung sinabi mong nakipag sex sa CR?" Ngumiwi ako, hindi alam ni Rossana na ang boyfriend niya ang nakita ko kasama ni James sa banyo non.

Pinagtitripan lang ba nila ako nun?—Ghad I can't process that on my small brain. Nahiya ako nang maalala ang pinagsasabi ko sa kanila, gago ang supportive ko pa.

Kahit nahihiya ako ngayon, our connections with each other is so fascinating. Kilala ni Lorraine si Chance. Nagkalat ako ng chismis tungkol kay James and Evan na nag-sex sa banyo—na magkapatid pala. Si Evan ay jowa ng kaibigan kong nagtatago ngayon. His twin, Ethan, obviously knows Marianne. Magkapitbahay pa sila ng condo.

Nawala ako sa iniisip nang kumatok si Ellena sa gilid ng pintuan ko at sumilip sa nakababang bintana, "Bakit kayo diyan sa loob? Hindi ba kayo naiinitan?"

"We can manage." Sagot ni Rossana kay Ellena at napailing nalang ang huli.

Biglang bumaling ang paningin naming dalawa nang pumasok si Marianne sa driver's seat at tiningnan kaming dalawa sa likod na mukhang stressed, "What happened to you two?"

Umiling lang ako.

"Sige nga." Rinig kong sabi ni Chance at hindi na kami pinansin ni Marianne dahil sinimulan niya nang paandarin ang kotse. Nakita kong pumasok si Mark sa BMW kung san naka connect ang wire ng battery nila at itong sinasakyan namin.

Bumuhay ang makina ng kotse ni Rian pero namatay naman uli, na-excite ako ng onti dun. Lumabas uli si Marianne, bumuntong hininga at may pinag uusapan na sila pero di ko na maintindihan 'yon.

Nagsimula lahat nang hubarin ni Evan ang jacket niya, nakita siya ng kambal niya at hinubad naman nito ang tshirt na asul. Sumunod si Chance, unti unti niyang hinubad ang longsleeves niya at napanganga ako, anong nangyayari? Nang makita ang mga kasama niya, tuluyan nang naghubad si Evan ng tshirt at sumunod si James na sinampay pa ang damit sa balikat.

What the heck? Is this a live strip tease or something? Lumabas si Mark para sumigaw sa mga kaibigan niya, "Why are you taking your shirts off, assholes!"

"Parang ewan." Rinig kong bulong ni Ellena na nakasandal parin dito sa bintana at nakita kong natatawang napailing si Lorraine sa labas habang nakataas lang ang kilay ni Marianne.

"Wow." Manghang bulong ni Rossana at 'di ko napigilang tampalin siya ng mahina sa sunod niyang sinabi, "Jowa ko 'yun."

"Don't forget the fact na tinataguan mo siya." Sumimangot siya kaya napailing nalang ako.

Nag uusap sila sa labas at may ginagawa sa makina ng kotse nang naalarma ako nang makitang palakad dito si James.

Sa. Kotse. Kung. Saan. Ako. Nakatago. Gago!








ෆ╹ .̮ ╹ෆ

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now