"Yeah, for sure. Guys, come out!" Wala pang isang segundong sagot ni Chance at nang lumingon siya sa kanilang kotse, lumundag ang puso ko at napataas ang kilay nang magsilabasan sa dalawang kotse ang mga gwapong nilalang. Putangina, andami niyang kasama.
Galing sa puting kotse, lumabas ang lalakeng maputi, suot ang isang brown t-shirt, maong pants, at may headphones pa na nakasabit sa balikat nito. Kasabay niyang lumabas sa kabilang kotse ang lalakeng naka puting tshirt at itim na jacket—wait.
What the fuck? Kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng mabuti, tumingin ako kay Kuya Chinito or kay Evan na nakasalamin at binalikan ng tingin ang lalakeng naka jacket. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at saka ko lang napagtanto, kambal sila! Sino ang totoong Evan?!
Ang pinagkaiba nila ay mas buffer, may salamin, at may tattoo sa braso ang nauna at mas maikli ang buhok ng nahuli. So I therefore conclude na ang huling dumating ay ang totoong Evan.
"They're twins!" Nagulat ako nang napasigaw rin si Rian sa tabi ko, parehas kaming nakatingin sa kambal.
Pero ang hindi ko inexpect—mas nakakagulat sa gulat makita ang sunod na lalakeng lumabas sa kotse. Bumilis ang tibok ng puso at nalaglag ang panga ko dahil hindi ko inaasahan na lalabas siya sa puting kotseng iyon.
Bakit sa lahat ng lugar na kung nasaan ako, nandon din siya? Fate is so funny sometimes.
Nakaitim siyang sleeveles shirt, pants, maliit na silver chain sa leeg, and his hair brushed up. The style I know only kpop idols can pull pero nagawa niya padin. Kung hindi lang niya pinush na ipatanggal ako sa trabaho kahapon, crush ko parin sana siya.
"The guy with the blue shirt is Ethan—" Turo agad ni Chance sa naunang lumabas na kambal. I was right, hindi siya ang totoong Evan.
Rinig kong nagsalita si Riri, it's like she's testing the name on her mouth, "Ethan."
Lumingon si Chance at itinuro ang isang kambal, Evan. Tinaas niya ang kanyang kamay at ngumisi. "—His twin over there, is Evan. That guy with the headphones is Mark and that's James, kapatid ng kambal." Napanganga ako, anong sinabi niya? Kapatid? I remember James and Evan telling me they're a couple.
Pinagloloko lang ba nila ako?! Eh ano ang ginagawa nila sa CR nun?—Bigla akong napatigil. May sinabi akong chismis kay Thea na hindi totoo or it's incest. Jusko.
"These are my girls, that's Marianne with the red lipstick—" Narealize kong ipapakilala na kami ni Lorraine nang lumingon siya patalikod. When she noticed Rian's gone, tumingin ako sa kaibigan naming katabi ko.
"Oh shit, tatawagin niya ako." Naalarma akong sinulyapan ni Riri at natatawa lang akong tumingin sa kanya nang tawagin siya ni Lorry.
"Rian! labas ka rito!" My friend cursed bago siya dahan dahang lumabas.
"Oh fuck." I chuckled when she cursed at mariin silang tiningnan. Hindi naman normal kay Rian ang umakto ng ganto kaya nagtataka ako kung ano ang relasyon niya sa kanya. Tumaas ang kilay ng Ethan nang makita si Riri at umiwas lang ng tingin ang kaibigan ko at sinamaan ng tingin si Lorraine na walang alam.
Then it immediately struck me, si Ethan ang lalaking sumigaw kagabi. The guy on the other side of the balcony! He's the colorblind guy— or kung ano man ang tawag sa kanya ni Riri.
Wala akong ka share ng balita rito, so I gasped by myself from the realization.
"That's Ellena and her sister Rossana." Napatingin ako kay Rossana at napataas ang dalawa kong kilay sa ayos niya. Nakayuko siya, sinusuklay ng daliri ang mahaba niyang buhok na nakatabon sa buong mukha.
"Andami ko palang split ends." Pagbulong ni Rose habang patuloy parin sinusuklay ang buhok niyang tumatabon sa kanyang mukha. Hindi ko mapigilang tumawa. Baka isipin nilang weirdo kaming magkakaibigan. Lorraine was also weirded out pero nagpatuloy siya sa pagsalita.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 6: Roadtrip
Start from the beginning
