Nanlilisik ang mata ni Rose sa kotse at sumipa pa sa ere, "Hmp. Hindi man lang tumigil para tulungan tayo."
"Sinong hihinto kung may humahabol sa kanilang babae?" Kumunot ang noo ko. "Tsaka tumigil ka nga baka mamaya masasamang tao 'yon."
"Aanuhin tayo ng isang masamang tao, kung lima tayong babae?" Sagot pabalik ni Rossana na nagpailing sa'kin. Nagsimula na maglakad sina Ellena at Lorraine habang nakapwesto si Marianne at Rossana sa labas.
Nakaupo lang ako rito sa loob nang may mapansing puting BMW na palapit. Napakunot ang noo ako nang bigla 'yung huminto sa harap ng kotse namin at sumunod ang isang grey Audi.
Nasa malayong banda na si Ellena at Lorraine, pero nakita kong huminto sila at lumingon sa mga nangyayari rito, habang mas lumapit si Rossana kay Marianne na nakatayo sa kanang bahagi ng sasakyan namin.
Lumabas ang dalawang lalake sa magkabilang kotse. Sa BMW ay ang lalakeng naka shades at naka puting long-sleeve shirt. Sa grey na kotse naman ay ang lalakeng naka asul na t-shirt at eyeglasses, "Why'd you stop bro?"
Kumunot ang noo ko at mas lumingon paharap dahil namumukhaan ko ang naka blue.
"What the heck?" Mahina lang 'yon, pero rinig kong napamura si Rossana sa harapan. Tinaas ng lalakeng naka puti ang kamay niya, ipinipahiwatig na huminto ang kasama niyang nagtanong at ang naka asul na lalaki ay nalilitong nagtaas ng mga kamay na parang sumusuko at humilig nalang sa kotse niya.
Dahan dahang naglakad ang lalakeng nakaputi habang tinatanggal nito ang shades, "Lorraine?"
Tumaas ang kilay ko sa gulat.
"I'm sorry?" Naguguluhang sagot ni Lorraine at napahalukipkip.
Tumawa ang lalake at hindi makapaniwalang tinitigan si Lorraine, "Lorraine, it's me!"
"I'm sorry... who?" Tumaas ang kilay niya. Naguguluhang tumingin din ang tatlo kong kaibigan sa lalake.
"Totot? Ring a bell?" Pagkasabi nun ng lalake ay unti unting nawala ang pagkakunot ng noo ni Lorraine at napalitan ng gulat.
"Payatot?! Oh my God! Chance!" Sigaw ni Lorraine at dinambahan ng yakap ang lalakeng nangangalang Chance na tumawa naman at niyakap pabalik si Lorraine. Nakita kong lumapit si Ellena kay Marianne at Rossana.
Lalabas na sana ako para tignan kung anong nangyayari nang nagulat ako sa pagtakbo ni Rian at pumasok siya rito sa kotse.
"Shit. I know the guy wearing the blue shirt." I raised my eyebrows from curiosity at napatingin uli sa lalakeng naka asul na ngayon ay nakangisi.
I whispered, "He's familiar."
Then it hit me.
Oi gago, putangina! Napatingin si Marianne sa'kin nang suminghap ako pero di ako nagsalita.
Nalala ko na! Si Kuya Chinito! That's Evan! Ang liit naman ng mundo! Kaso bakit parang... iba? Parang hindi siya kasi iba ang hubog ng katawan? Mas buffer kumbaga. Itim parin ang buhok niya, pero mas mahaba. Nakasuot din siya ng salamin at may sleeve tattoo na mukhang tribal.
"Wow you changed!" Sigaw ni Lorraine nang kumalas siya kay Chance. Bumalik ang tingin ko sa kanila at nakitang ngumisi naman ang lalake. Tumatawa sila dalawa at naghihintay lang kaming lahat na pormal kaming ipakilala. Para kaming nanonood ng pelikula, "What are you doing here?"
"We were invited to a party at Tagaytay... kayo—" tumingin siya sa kotseng nakabukas ang harap "—nasiraan?"
Sumimangot ang labi ni Lorrain at tinitigan si Chance gamit ang mapupungay niyang mga mata. Go bestfriend! "Uh yeah, we think the battery's dead. You think you can help us?"
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 6: Roadtrip
Start from the beginning
