"Just don't take the wheel next time." Pagbabawal ni Ellena at tumawa si Rian bago tumango.
"Oo nga. Baka buong lamang loob ko no ang isuka ko rito." Napatingin kami kay Rossana na nakayuko sa mga damuhan. Ngayon ko lang napansin na nasa lugar kami na puros puno, walang makikitang mga bahay o mga gusali.
Ilang minuto din kaming tumambay sa labas, nagpapahangin at nagkwekwentuhan habang hinihintay ang paghupa ng hilo ni Rossana. "The look on his face was so epic though." Sabi ni Lorraine at nagtawanan kami.
"Uwi na tayo." Sabi ni Ellena nang magkaroon ng ilang minutong katahimikan. Pumayag naman lahat pero si Lorraine na ulit ang sa driver's seat, hindi na namin hahayaang si Marianne ang hahawak ng manibela.
Ako na ang pumwesto sa passenger seat at pinagitnaan ng dalawang magkapatid si Rian sa likod. Lahat kami ay hinihintay si Lorraine na paandarin ang kotse nang magmura siya, "Fuck? Bakit ayaw umandar?"
"Anong ayaw umandar?" Kinakabahan akong tumingin sa kanya at inikot ang paningin sa labas, nasa gitna kami ng kawalan!
Lorraine groaned habang pilit parin pinapaandar ang kotse, "It means ayaw umandar!"
"Can you try again?" Sabi ni Marianne habang sumisilip dito sa harap, sinubukan naman ni Lorriaine pero ganon parin ang nangyari, hindi nagsisimula ang makina.
Napahampas si Lorraine sa manibela. "It's not working!"
"Naka park ba?" Itinaas ni Marianne ang braso ni Lorraine para tingnan ang clutch, at inikot ni Lorraine ang kanyang mga mata habang sinusubukan paring paandarin ang kotse.
"It's not Marianne, I would know if it is! I think the battery's dead." Napahawak siya sa ulo nang marealize ang problema namin.
"No. It couldn't be—Let me try." Sabi ni Marianne at lumabas. Lorraine groaned before going out at nakipag palitan silang dalawa. Sinubukan ni Marianne, pero wala talaga.
Bumuntong-hininga siya, talong-talo.
"Baka kasi matagal na 'tong hindi nagagamit." Basag ni Ellena sa katahimikan at tumingin ako sa labas ng bintana. Wala pa namang mga bahay bahay rito.
"I can't believe this." Bumuntong hininga si Marianne at lumabas ng kotse. Nakatitigan kami ni Lorraine sa salamin bago lumabas narin, kung minamalas nga naman.
Lorraine propped the hood open at tiningnan ito, "Paano 'to aayusin?"
"Wala ka bang kakilala na malapit dito, Ri?" Tanong ni Ellena at umiling ang kaibigan namin habang naka tingin sa makina. "Hindi naman natin puwedeng i-kalikot lang 'to at baka masira pa natin lalo."
"May gas ba?" Tanong ni Rossana habang naka upo siya sa gilid ng kalsada.
"Yes, meron. Yung battery nga ang problema." Tiningnan ko siya, medyo maputla na siya sa kakasuka.
Napakamot ng ulo si Rossana, "So, anong gagawin natin?"
"Hindi tayo pwedeng maghintay ng dadating at baka abutan tayo rito ng gabi." Sabi ni Lorraine at doon ako nagsimulang kinabahan.
Tumawa si Rossana at tinuro ang likod ng kotse, "Wala tayong problema kung gumabi, andami kong biniling pagkain at juice."
Umiling ako sa kanya at pumasok sa kotse para kunin ang cellphone ko, Napamura ako ng makita ang bar signal. Putangina, ang malas naman! "Walang signal dito!"
Pumunta si Ellena sa'kin at sinilip ako sa loob ng kotse, "Try namin ni Lorraine maglakad pabalik baka merong talyer doon." Tumango ako pero napatalon nang biglang sumigaw si Rossana.
Tumingin ako sa labas at nakita ko siyang tumatakbo, hinahabol ang isang pulang SUV. "Sandaliiiiii!"
"Shh Rose. What are you doing?" Suway ni Ellena at tumuwid ng tayo.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 6: Roadtrip
Start from the beginning
