Strings 6: Roadtrip

Start from the beginning
                                        

Bumulong si Lorraine, "And now we're sure that it's him."

"Babe. What are you doing here?" Tawag ni Danny kay Rian, and Kris looked very alarmed sa sinabi niya. Lumapit siya sa'min pero pumagitna kaming apat at napatigil siya. "This is not what it looks like." 

I scoffed. Yun lang ba masasabi niya?

"We're just... we're—" Tumingin siya sa lalake at nakakunot ang noo nito sa kanya. "He's... he's my friend."

Hindi ko mapigilang mapataas ang kilay ko. Sa itsura ng lalake, halatang di ito sang ayon sa pinagsasabi ni Danny.

"Friend my ass." Hindi mapigilang reaksyon ni Lorraine.

Marahas na tinitigan ni Danny si Lorraine at tumaas naman ang kilay ng kaibigan namin, nanghahamon. Bumalik ang tingin ni Danny kay Mariane "Babe, come on. It's—" 

Bago pa maituloy ni Danny ang sasabihin niya ay pumunta si Rian sa harapan ni Danny at buong lakas niya itong sinampal gamit ang likod ng kanyang palad. Hindi na siya umiiyak at hindi siya sumigaw, she looked at them with dissapointment and betrayal while gritting her teeth. "Kung gusto mo pala ng titi dapat sinabihan mo ako, hindi sa pinagmukha mo akong tanga sa relasyon natin."

Nakakuyom ang nanginginig niyang kamay and Danny moved backwards from the sting of Rian's words.

Umiling siya at tumalikod, sumunod agad si Ellena. Bago pa ako sumunod, nakita kong sinuntok ni Lorraine si Danny ng buong lakas. "You're a despicable person. Fuck you."

Napa 'ooh' yung mga tao at duon ko lang napansin na ang dami palang nanonoood at may ilan pang nag v-video, napailing agad ako at hinila ang mga kaibigan ko palayo, masyado nang maraming bata.

May tinapon si Rossana kay Danny kaya napatingin naman ako sa kanya. "That's for being so cheap."

Kumunot ang noo ko at hinawakan na ang kamay niya para hilahin siya paalis. "Gago, para san 'yun?" Tumawa ako at tiningnan ang tinapon niyang bente pesos.

Grabe maka cheap, pwede pa pang corneto 'yun.

Bago pa tumalikod si Lorraine na hawak ko sa kabila kong kamay, hinarap niya si Danny at pinakita ang kanyang gitnang daliri. Hinahawakan niya lang ang panga habang nakatingin ng masama nang tumalikod na kami para umalis. Bahala siya sa buhay niya.

Naunang pumasok si Marianne sa driver seat at nag aalalang tumingin si Lorraine sa kanya—na pumasok naman sa passenger seat. Pag andar ng sasakyan ay napahawak agad ako sa harapan nang bigla niya itong hinarurot, "Gago, Rian bagalan mo!"

"Walang seat belt dito sa likod!" Sigaw ni Rossana while the engine roared with her.

Ang tahimik naming nanay ay napasigaw din habang hawak ang likod ng upuan, "Marianne Villanueva bagalan mo!"

"Stop Rian!" Ilang minuto na ang lumipas at muntikan pa akong matapon sa harapan nang bigla niyang hininto ang kotse. Gagooo.

"Susuka ata ako." Narinig kong bumulong si Rossana bago siya lumabas. Lumingon ako sa labas at nakitang itinigil ni Rian ang kotse sa mga damo.

Napatingin ako kay Marianne na naka hawak ng mahigpit sa manibela at nakayuko habang humihikbi, "Ri."

Pinunasan ni Marianne ang mukha at lumabas ng kotse, sumunod naman kaming mga naiwan sa loob. "Sorry guys." Nanginginig ang boses niya habang sinasabi yon.

"Kahit muntikan na tayong mamatay, it's okay." Sabi ni Lorraine.

"No it's not." Singit ni Rossana habang tinatakpan ang bunganga niya nang dumaan siya sa likod namin. Lumala ata hangover niya.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now