Strings 6: Roadtrip

Start from the beginning
                                        

"Ri?" Tanong ni Ellena habang nagpupunas na ng kamay si Rian, palabas na siya ng kusina at sinusundan lang namin siya ng tingin.

Bigla siyang lumingon, "Hindi kayo sasama?" Kumunot ang noo ko.

"Ha?" Tanong ni Lorrrain.

Ngumisi siya, "Let's go girls, we're about to go on a road trip."



"Rossana bilisan mo!" Sigaw ni Lorraine kay Rose na naglalakad, bitbit ang dalawang eco-bags. Pag pasok niya sa kotse ay tiningnan ko agad ang laman ng dala niya at puno ng mga junk foods, tubig, at juice.

"Para san 'to?" Tanong ko habang tinitingnan ang sandamakmak na Nagaraya.

"It's a long ride! Magugutom at mauuhaw tayo sa daan." Sabi ni Rossana habang may kinakalikot sa bag niya, naglabas siya ng isang lipstick at binigay kay Marianne. "Sasabak tayo sa laban, dapat ang lipstick mo bloody red Ri. Palaban!"

Umiling si Marianne na naka upo sa passenger seat, pero kinuha naman niya ito habang nakangisi. Nag apply siya ng lipstick at napailing nalang si Ellena habang nakatingin sa dalawa at natawa nalang ako, they're doing the most.

Si Lorraine ang nag d-drive na napatanong kay Riri habang nililiko ang kotse, "Whose car is this Ri?" 

"One of my Dad's. Hindi 'to masyadong nagagamit kaya ito kinuha ko." Tinaas niya ang kilay kay Lorry para ipahatid kung bakit ito nagtanong.

Ngumuso si Lorraine. "Hmm. that's why."

Lumingon ako kay Rossana nang magtanong siya, "Bakit?"

"Sorry for the word Rian. But it feels old." Marianne snickered and tapped Lorry's arm. The whole ride, the mood was surprisingly light. Nagbibiruan pa kami lima, but the moment we stepped on Tagaytay soil, Marianne's mood changed.

"Pano natin malalaman na nasa loob pa sila?" Tanong ni Lorraine habang naka park kami sa labas. She kept tapping her fingers on the steering wheel and I can't help but be nervous.

"Call Danny, if he doesn't answer it means they're together." Rossana suggested at napailing ako. That doesn't make any sense, but Marianne exhaled at sinunod si Rose. 

Lahat kami nakaabang at parang tumigil ang paghinga nang sa pangalawang ring ay sinagot ni Danny ang tawag. Pinindot ni Rian ang speaker at narinig namin ang boses ni Danny.

[Babe?... Babe?] Rinig sa backround ang ingay.

"Danny." Rian stared at us.

[Hey why'd you call?] Biglang may matining na halakhak na maririnig sa backround.

"N-nothing I just missed you... Nasaan ka ngayon?" We all looked at each other at matagal na tinitigan ang cellphone habang hinihintay na sumagot si Danny.

[Hmm... I'm still in Baguio, look babe I still have a meeting with a client let's talk later....I'm sorry but later ok?] Naunang patayin ni Marianne ang tawag. Maka meeting eh rinig sa backround ang ingay ng mga tumitiling tao. May utak ba siya?

Rossana spoke up at nag aalalang tumitig kay Rian. "Nasa loob sila." We were all quiet while looking at Rian staring outside, hinihintay ang go signal niya if we're really doing this.

"Let's go." We stared at Rian going outside at dire diretsong naglakad, dali-dali naman kaming lumabas at sinundan siya. Pumasok kami sa loob—courtesy of Marianne who paid for all of our entrance.

"Pano natin sila mahahanap ang laki laki ng lugar na 'to." Tanong ni Rossana habang iniikot ang paningin niya. Mga ilang minuto na rin kaming palakad lakad lang.

Marianne stopped and we all looked back at her while she whispered lowly. "I think I know where they are."

We followed her, pero nagtataka akong lumingon sa kanya nang huminto kami sa may ferris wheel. "Pano mo nasabing nandito sila Ri?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now