Strings 6: Roadtrip

Start from the beginning
                                        

bitch: Hon where are you?

bitch: What number are u using ba talaga? This one or the other one? ur texting me also w the other one. Idk where to reply

Where Lorraine replied, 'Walang load yung isa, dito ka muna mag chat. Where are u?'

I laughed and slapped Lorraine lightly, "Beh seriously? Walang load yung isa? What a lame excuse, I think she's not that dumb to realize this is fake."

"At masyado kang cold. Dapat malandi ka mag reply kagaya ni Danny." Dugtong ni Rossana.

"I just wanted to know where she was okay? She bought it anyway." Depensa niya, "And why are you giving me advice? Papatayin ako ni Rian pagkatapos nito."

Tumango ako sa kanya absentmindedly.

"Just keep on reading." Tapik ni Rossana sa'min at tumawa ako. After reading long conversations, napagtanto naming magkikita ang dalawa at napasigaw kaming tatlo. "They're in Tagaytay?! Sa amusement park daw oh."

"See, at least nalaman natin kung san siya." She looked smug and guilty at the same time. Buti kamo hindi siya nahuli! The girl is kinda slow if she doesn't realize the difference between their texts.

Nakapamewang si Ellena. "Oh. Ngayon na nalaman nating sa Tagaytay. Susugod tayo? Hindi naman pwede 'yon."

"Saan susugod?" Napatalon at napatuwid kami ng upo nang marinig ang boses ni Marianne. 

Ramdam kong may tinutusok si Lorrain sa tagiliran ko, at nakita ko ang cellphone ni Marianne na inaabot niya galing sa likod, pasimple ko 'tong kinuha at pinasa kay Rossana na tinago naman niya sa cabinet. #MagnanakawMoves

"Anong nangyari sa mga mukha niyo? Para kayong nakakita ng multo. Do I look like one?" Humalakhak siya, sabay ngiwi at hawak sa ulo. "Ow shouldn't have done that."

"Alangan naman hindi sasakit yang ulo mo eh nilaklak mo ata lahat ng alak dito." Sabi ni Ellena habang inaabot ang tubig at gamot.

"Kaya ko kayo gusto rito eh, may taga luto." Ininom yon ni Marianne at nag sign of the cross pagkatapos umupo. 

Habang kumukuha siya ng pagkain, nagkatitigan kaming apat kaya napatigil si Marianne and raised an eyebrow, nagtataka. 

"Anong meron? Bakit hindi pa kayo kumakain?"

Rossana awkwardly laughed at nagsimula na kaming kumuha ng pagkain.

"Ri." Tawag ni Lorraine pagkatapos niya hugasan ang pinagkainan niya.

"Hmm?" Sabi ni Marianne habang ngumunguya at napakagat ako ng labi sa kaba.

"May ginawa si Lorraine sa phone mo." Sabi ni Rossana at napa facepalm ako. She straightout outed Lorry like that, nanlaki ang mata ni Lorraine habang sinasamaan ng tingin yung isa at napaangat ng tingin si Marianne.

"Ok... so... yeah. Here's the thing, the bitch replied to you—" Pinalo siya ni Ellena sa lutong ng mura niya, "—the girl replied, and she thought that you were Danny?"

"Oh." Sabi ni Marianne at bumalik ang atensiyon sa pagkain.

"And I pretended to be Danny and asked her where she's currently at." Tumango tango si Marianne habang ngumunguya at nakayuko, "She said she's going to an amusement park in Tagaytay where they'll meet up."

Tumango uli si Marianne, "Hmm."

"They're in Tagaytay Ri. Pupunta ba tayo?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at nagkatinginan lang kami apat nang tumayo siya, dinala ang pinagkainan sa lababo, at hinugasan ito.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now