Strings 44: The New Life

Start from the beginning
                                        

But this specific jacket is different.

"Thanks, baby."

Imbis na suotin ng maayos, lumingon siya sakin at baliktad na sinuot ang jacket mula sa harap, para mayakap ako.

He pecked my cheek at akmang hahalikan ako, nang nakita kong nagbago ang emosyon sa mukha niya nang mapagtantong iba ang pakiramdam ng jacket.

"Is this?" Tumango agad ako sa nagtataka niyang mukha. "That's why you've been secretive lately."

Matagal kong hindi binalikan ang proyektong 'to. Dahil tuwing binibigay ko sa kanya, nauuwi palagi ang gabi na nababaril si TJ.

Parang pinaglalaruan kami ng mundo.

Pero hindi ako pwedeng huminto. Hindi lang si TJ ang makikinabang. Kundi ang mga agents sa Ces Vallis.

Tinapos ko ang kurso ko sa kolehiyo bago kami lumipad papunta rito. Pero gusto ko pang matuto, kaya nag enroll uli ako para sa training.

Kahit gusto kong tumira sa Japan and learn about my origins and culture... the yakuza has more power there, and that's just suicide.

May branch ang Ces Vallis dito sa New York, at malakas ang connections ng mga Del Valle sa bansang 'to. 

Bukod diyan, ang New York ay isa sa Fashion Capital at isa sa mga nangungunang supplier ng protective clothing. It was a conscious decision to go here, but it still took me two years to have the strength to pursue it. Then, I spent another two years researching, testing materials, and collaborating with various experts in clothing, gear, and durability.

"This feels different. You're amazing."

"Gumawa na rin ako ng pants." Ngiti ko.

Si James ay bahagi pa rin ng Ces Vallis pero hindi bilang isang field agent. He's holding an executive position sa branch nila dito sa New York. Mas ligtas pero... hindi ko mapigilan isipin ang possibility.

🍂˚ ༘ ೀ⋆。˚☕️

Kapag umuwi ako galing sa trabaho, naka abang na si TJ sa bahay. Kadalasan ay siya ang nagluluto ng aming hapunan at ako ang tutulong sa kanya. Tulad ng pizza na ginawa months ago, tikka masala last week, at ang adobo niya kagabi.

Sinalubong niya ako ng halik, at binigay ko sa kanya ang dalang take out na kape. Dalawang pumpkin spice latte para salubungin ang autumn season.

"How's work?" Umupo ako sa kitchen island habang tinitikman niya ang sariling luto.

"My assistant caught her wife cheating in the copy machine."

Napanganga ako, "Gago, anong nangyari?"

"I don't know, I didn't ask."

"Baby! Ang pangit mong marites." Who tells juicy stories tapos hindi naman pala niya itutuloy?!

"I'll make sure to ask tomorrow." Very good. "Ikaw? How's the factory?"

Nagtatrabaho ako sa isang kompanya kung saan gumagawa kami ng gear para sa mga pulis at agents. Pangatlong taon ko na sa kompanya at andami kong natutunan so far.

"I'm trying to propose a new project. I thought about the whole suit going to be heat resistant, I don't know—I don't know how to do that, but I want to. I hope I can do it."

Pakiramdam ko tuloy, para akong si Edna Mode sa The Incredibles dahil sa addiction ko sa pag gawa ng mga 'superhero suites'.

Ngumiti siya, "Of course you can. Your first project was also just a thought baby. And now, it's in its final stages of testing."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now