Strings 44: The New Life

Start from the beginning
                                        

Curious, kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. "Kaya ko naman ah?"

Ngumisi siya lalo, "Looking sexy over there."

"Putangina mo." Late ko na na-realize ang pakay niya. Hindi ko na mapigilang mapailing habang tumatawa. "Saan mo natutunan 'yon?"

"Ace. Someone told him the exact same thing and he fell for it." He chuckles at hindi ko napigilang tumawa kasama siya.

Si Jaceon ay mas sumisikat sa industriya. Kumain kami sa labas nang bumisita sila rito at may nakakilala agad sa kanya. Wala na akong social media, kaya hindi ko na alam kung gaano ka ingay ang pangalan niya. Kaya ang astig malaman na sikat na pala siya.

Nakarating kami sa bahay at inayos ko ang groceries habang inaayos niya ang lulutuin.

Natututo siyang magluto ng iba't ibang pagkain, at ngayon ay gumagawa siya ng pizza.

I watch him as he kneads the dough, the veins on his arms protruding as he focuses... Am I crazy for admiring my man as he focuses on a task?

"Ah! Ah! Ah! Ah!"

Sa pagtitig ko sa kanya, hindi ko napansin nakaharang ang paa ko pagkabukas ko ng pintuan ng ref.

"What happened?" Napalingon siya sa'kin, napatigil sa pagputol ng kanyang dough.

"Tumama yung ref sa paa ko. Kasalanan mo to eh."

TJ looked innocently horrified sa sinabi ko, "I'm sorry?"

Kinagat ko ang labi para pigilan ang tawa na lalabas at tumulong nalang sa kanya pagkatapos ko ayusin ang aming mga pinamili.

"Baby naman too many olives, you're practically eating it everyday, hindi ka ba nagsasawa diyan?" Nandidiri akong tumitig sa kalahati ng pizza na binubudburan niya ng olives.

"Hindi ka ba nagsasawa diyan?" He mocks my pineapple side of the pizza.

Nahulog ang panga ko at tinamaan siya sa braso, "Teej!"

"Teej!"

"Bata ka ba? Inuulit mo nanaman sinasabi ko."

"Well, say I do, then I'll say it back quickly."

Sinabunutan ko siya sa pagkabigla at tumawa siya ng malakas.

Speaking of I do's. We have talked about marriage. Sa estado namin ngayon, para narin kaming kasal pero hindi lang opisyal.

He's my one and only, and I'm sure I'm it for him.

Pero sinabihan ko siya na wag muna ngayon. I feel like I have a lot to work on. I have a lot of goals and boxes to tick before I want to get married.

Gaya ng project na ginagawa ko.

𓆉°❀⋆.ೃ࿔*:・

Tuwing umaga, may routine kami. Gigising siya, tatakbo, at mag e-exercise. Pag uwi ay gigisingin niya ako at may dala siyang kape para sa aming dalawa. Kahit summer na ay hindi nawawala ang kape.

Karaniwan ako ang nagluluto ng almusal at siya naman ang naglilinis. Tapos sabay kaming mag aayos para pumasok sa trabaho.

But today, I'm extra clammy because I'm about to give it to him.

Habang nakaharap siya sa full length mirror at inaayos ang kanyang tie, pumwesto ako sa likod niya, hawak ang suede leather jacket.

"Sir? Your coat?" Tinaas ko ito.

Hindi na bago sa amin na magbibigay ako ng damit para suotin niya. Because sometimes a different clothing looks better on his fit.

Wala naman siyang issue sa ginagawa ko. He says he likes it when I style him like a personal stylist.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now