"Sino?" I asked her, pero 'di niya na ako kailangang sagutin dahil bumukas ang double doors at pumasok ang isang matangkad na lalakeng naka puting hoodie at may suot na airpods.
"We're home." He said to no one in particular at naka pamulsang dumiretso sa hagdan.
"That's Ace—" Napatingin kami nang magsalita si Jamie, she's smiling at us. "—Jaceon Ken. He's the youngest son. Mukha siyang masungit pero sweet naman 'yan. Ayaw niyang nililinis ang kwarto niya pag andon siya so make sure na wala siya bago kayo pumasok."
Tumango kami. Jaceon. Yan ata yung artista. Nakikita ko pa siya minsan sa mga commercial.
Napabalik ang tingin ko sa pintuan nang may pumasok uli doon. A man walked with grace, oozing with masculine aura at nakasuot ito ng polong puti na naka tupi hanggang siko, "It's for adults only, CJ."
"Kuya! Sige naaaaaa! I want to go too!" Kasunod niya ang isang cute na babae na naka SCU senior high uniform na midnight blue pleated skirt that's above her knee, long sleeves na puti, at tie na pula.
"That's Kuya Sky or you guys can call him Kuya Jupiter. He's the oldest and he's working, so he has his own condo kaya minsan lang siya dito, madalas kapag bored." Bumalik ang tingin namin kay Jamie nang magsalita siya. Nilalagay niya na ang mga cupcakes na nasa cooling rack sa isang pinggan at ngumiti. "The other one is Jane, we call her CJ or Cici, she's the youngest."
CJ or Jane pouted habang sinusundan ang kuya niyang naglalakad, "I'm an adult!"
"Saan banda?" He deadpanned. Hindi man lang nilingon ang kapatid.
Hinawakan niya na ang kuya niya sa braso, "Kuya naman!"
"It's not up for discussion." Nakatingin lang kami sa magkapatid na nag babangayan at naalala ko bigla si Ellena and Rossana. Umiling si Jupiter at dumiretso sa hagdan, "It's a no Chyri Jane. You are not allowed to go."
Pumadyak naman sa inis si Jane bago dumiretso dito sa kusina. Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa tumakbo siya nang makita niya si Jamie at yinakap ang braso nito, "Ate!"
They're close huh?
"Hmm?" Sabi ni Jamie habang inaayos ang mga cupcakes sa pinggan, hindi niya parin tinitingnan si Jane.
"May party sila kuya later... can I come?" Napataas ang kilay ko nang nanlambing siya bigla.
Wow, matagal na siguro si Jamie dito at sa kanya nag papaalam ang isa sa mga magkakapatid, "Why?"
Ngumuso ang naka babata. "Because..."
"Gusto mo kasi nandon siya?" Namula bigla ang mukha ni Jane sa tanong ni Jamie na hindi ko naman mapigilang manghaan dahil sa relasyon niya sa kanyang mga amo.
"Hindi no!" She was trying to frown but failed miserably.
"Hay nako 'wag mo siyang kulitin Cici. Anyway, say hello to them first." Tukoy sa'min ni Jamie. Ngumiti kaming dalawa at bumati kahit nakabusangot ang mukha niya.
Humarap naman siya sa'min at maliit na tumango, acknowledging our presence, "Hello." Di ko mapigilang mapangiti, ang cute niya.
Kakausapin ko na sana ang batang Del Valle nang napalingon kami sa backdoor nang pumasok don ang tatlong babae—ang dalawang kasambahay na nakita namin kanina sa elevator at yung naglilinis sa pool. Dalawa lang sa kanila ang nakasuot ng uniform dahil ang isa ay naka blouse at pantalon, siya yung ngumiti sa elevator.
Lumapit ang babaeng naglilinis ng pool kay Jamie, medyo may katandaan na siya, siguro mga late 30's, "Ma'am uuwi na ho kami."
Ma'am?
"Hala Ate Pepay, bakit may Ma'am? Ginagawa niyo naman akong matanda niyan eh, Jamie lang ate." I blinked like fucking christmas lights. Bakit ma'am?
Bumungisngis si Ate Pepay at kinikilig na tinapik si Jamie, "Sige na Jamie mauuna na kami."
"Sige ate." Tumayo muna si Jamie at may kinuha sa ilalim ng counter, nilabas ang tatlong puting sobre at binigay sa kanila. Jamie pointed us out at kumaway kami, "Ito pala si Scarlet at Lorraine, magsisimula sila bukas."
"Scarlet, Lorraine. Si Ate Pepay—" tukoy niya sa babae kanina, "Si Ate Gie—" tukoy niya sa babaeng naka busangot, "At si Ate Lalaine." tukoy naman niya sa ngumiti kanina sa elevator.
Ngumiti si Ate Pepay, naka poker face parin si Ate Gie at kumaway si Lalaine. Ate Gie looks late twenty and Ate Lalaine looks like she's closer to our age.
Nang umalis na sila ay humarap sa'min si Jamie, "That's also one of the choices, if you want to be paid daily, weekly or monthly isa yu—"
Biglang may nahulog na pinggan kaya napatigil siya at napatingin kay Jane. I looked back at Jane and she was holding her chest, obviously shocked sa nangyari. Buti nalang di nabasag ang pinggan, "Sorry."
Pinulot ni Jamie ang nahulog, "Did you hurt yourself?"
Nakatingin lang ako kay Jamie at kunot noo siyang tiningnan. Tingin ko... hindi siya anak ni Manang Perlita?
Ngayon na iniisip ko, hindi naman niya sinabing anak siya ni Manang. Pero tinatawag niyang Nanay eh—pero pwede namang Nanay ang tawag sa 'di kadugo diba?
Kung hindi siya anak ni Manang... then Lorraine and I probably look like idiots, asking about her job, when in fact she's our boss!
Nang makitang tumatakbo si Jaceon papunta sa'min, he confirmed what I thought when he shouted, "Jamie Faith Del Valle! What did you do?"
Casa Del Valle is inspired by that mansion.
┌(・。・)┘♪
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 9: Casa Del Valle
Start from the beginning
