Strings 9: Casa Del Valle

Comenzar desde el principio
                                        

Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Ang naririnig ko lang ay room room room at elevator, but like a good student, I nodded.

Dumiretso ulit kami sa kusina, "Hmmm. Bango~"

Kumuha na siya ng oven mitts at tinanggal ang mga baking tins sa oven. Tinusok niya ng stick ang isang cupcake and then she frowned. Quietly, binalik niya ang mga binibake na cupcakes sa oven. 

Lumapit siya sa cupcakes na kanina pa nakapatong sa cooling rack at pinakiramdaman ito, "Nice." 

She smiled at sumandal sa island counter habang nakating sa'min.

"Laundry days are TThS... Hmm ano pa ba?" Tumingin siya sa labas at may narealize bigla. "Oh! Sa labas ay yung garden maze, don't go in there kung ayaw niyong maligaw."

Lumingon kami ni Lorraine sa bintana, hindi naman namin kita ang maze garden mula dito. 

She chuckled. "A lot of employees went in there because they're curious, and because of that curiosity, almost all of them stayed there for a day."

Tumango ulit kami ni Lorraine, at ngumiti siya, "You guys have questions?"

"Wala pa sa ngayon." Umiling kami ni Lorraine. Para naman kaming mga bata sa harap ng guidance counselor.

She nodded at iminuwestra ang mga stools kaya umupo kami habang inaabot niya ang pinggan na puno ng cupcakes, "Taste it, I made that."

Kinuha ko ang cupcake na bingay niya at medyo mainit pa ito, hindi masyadong napalamig.

"It's coconut milk and raw papaya." Napaangat ang tingin ko sa kanya ng sinabi niya 'yon at tumawa siya, "Don't look at me weirdly! Trust me it's delicious."

Nakatingin lang ako sa kanya at ngumiti. Hindi naman ako nag aalangan sa lasa, andami ko lang nakain na cupcake dahil sa bigay ni Riri kanina kaya nabusog na ako pero dahil ayokong masaktan siya, tinikman ko ang cupcake.

"It's good!" Napatango ako sa pag approve ng lasa. Di siya masyadong matamis, di din mapakla.

Ngumiti siya nang makita ang itsura na'min, "O diba masarap but actually kulang 'yan. Kulang ng—"

"Nuts." I sputtered. Lorraine and I smirked at each other when we said that at the same time. Mas masarap kasi pag may kinakagat kagat na crunchy.

Tumawa si Jamie and I feel so accomplished dahil napatawa namin siya, "I know! Gusto ko nga lagyan, pero hindi kumakain si Cici ng nuts." Kumibit balikat siya. Tumango tango lang ako kahit hindi ko kilala si Cici.

"Ilang taon ka na dito nakatira?" Tanong ni Lorraine habang masayang ngumunguya ng cupcake. She's a sucker for healthy foods.

"Twelve—ten years? I'm not that sure." She smiled.

Ohh. Napatango ako at di ko mapigilang magtanong, "Ilang taon ka na po ba?"

"Twenty-two." Magka age lang nga kami!

"Ang aga mo pala tumira dito?" I asked, shocked. Dito na pala siya lumaki?

She looked at me and Lorraine weirdly na parang tinubuan kami ng dalawang ulo, "Of course."

"Kailan ka nagsimulang magtrabaho dito?" Tumingin ako kay Lorraine nang tinanong niya si Jamie, nakasandal na siya sa counter na parang isang reporter at pursigidong makakuha ng sagot sa iniinterview.

Napataas ang dalawang kilay ni Jamie at tiningnan si Lorraine ng matagal, and then she laughed. Napalayo ako ng onti dahil nabigla ako sa tawa niya.

Anyare?

Umiling si Jamie habang tumatawa nang marinig namin ang pag busina ng sasakyan sa labas. Napatigil siya sa pag hagikhik at tumingin sa relong pangbisig niyang suot, "They're here."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora