Strings 9: Casa Del Valle

Start from the beginning
                                        

"Sigurado ka 'nak?" Nang ngumiti at tumango ang babae, ngumiti si Manang at tinapik ang anak niya sa balikat pagkatapos ay nagmamadaling umalis.

Nagkatinginan kami ni Lorraine nang umalis si Manang at sabay kaming lumingon sa babae nang abutin niya ang kanyang kamay, "Hi. I'm Jamie."

Ngumiti agad ang kaibigan ko, "Lorraine."

"Scarlet po." Sagot ko at kinamayan siya.

She's still smiling at us, "I know. Dumadaan muna sa'kin ang mga papasok dito for approval." 

Tumango ako sa sinabi niya. Kung ganoon, parehas sila na mataas ang posisyon ng Nanay niya? Kasi siya ang nag a-approve ng mga pumapasok dito?

"So, uniforms!" 

Masiglang panimula niya habang naglalagay ng cupcake mixture sa baking tins habang naka tayo lang kami ni Lorraine hawak padin mga bagahe namin. 

"Magbibigay ng uniforms si Nanay sa inyo—like what she's wearing now, she'll give you a scrub suit but it's your choice if you want to wear it."

Tumango kami.

"Nasabi naman na sa inyo no? Your salary will be given on hand or  sent on your bank accounts." Sabi niya habang nilalagay ang baking tin sa oven. Hinubad niya ang suot na apron, pinagpag ang kamay at lumapit sa'min bago ngumiti, "Let's go."

Sinundan namin siya ng walang salita at hindi ko alam kung bakit, ang intimidating niya kasama. Jamie is tall but that's not what's intimidating. I don't know, it must be her aura. She exudes elegance.

"Sasabihin ko ang mga kailangang gawin but for now, rooms niyo muna." Naglakad siya sa isang bahagi ng kusina, na ngayon ko lang napansin na may pintuan dahil naka camouflage siya sa pader.

Paglabas, bumungad sa'min ang isang stepping stone pathway papunta sa dalawang palapag na bahay. 

Sa malayong banda ay meron namang tatlong palapag na bahay, may nakikita pa akong grupo ng mga tao na nakatambay sa veranda na naka three piece suit. Napansin kong ganon ang suot ng mga bumabantay sa gate kanina, it must be the security house.

"What the heck, may maze garden!" Pasigaw na bulong ni Lorraine sa'kin kaya mabilis niyang nakuha ang atensyon ko, and she wasn't kidding, because there is a maze garden not too far from here.

"There are six bedrooms with bathrooms in there. You guys can occupy any room you want basta wag ang occupied na of course." Ngumiti siya, "Apat lang ang stay-in dito, kasama na kayo, pero madalas namang nagpapahinga ang iba sa hapon kaya natutulog parin ang iba sa vacant rooms. So make sure to put a sign or something to tell that the room is yours. Anyway, kayo na bahalang mag usap."

We kept nodding habang ako naman ay pursigidong nakikinig sa mabilis na pag eexplain niya. Para naman kasi siyang sanay na sanay sa mga sinasabi, I think she knows this from the heart! The girl talks fast!

"Iwan niyo nalang dito 'yan, wala namang kukuha ng mga gamit niyo." Tukoy niya sa mga bagahe naming bitbit and we followed her. Putting the bag beside the door, "The other house is for the security guards, the agents that stay here and all the surveillance camera is connected there."

Tumango kami at sinundan siya pabalik sa palasyo, "Konti lang ang mga tao rito for security reasons. Kahit kasambahay may interview and background check."

Is that because of what Rossana told us?

"Bakit hindi ho namin naranasan 'yan?" Hindi ni Lorry mapigilang magtanong at ngumiti lang si Jamie habang naglalakad. Ang galang bigla ng kaibigan ko.

"Because Nanay recommended you. But, we did the background check." Humarap siya sa'min at tiningnan kami ng mariin, "Sandra Lorraine Ramirez, daughter of Lucia and Marco Ramirez, twenty-one. Accused of using drugs at the age of eighteen at pinabalik sa San Raigo regardless of the truth kasi baka malaman ng media."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now