"Ninong!"
"Hello po Tito!" Ngumiti siya sa pagtawag namin at sa pangunguna ni Ellena, nagmano kami sa kanya.
"Tawagin niyo nalang akong Manong." Sa probinsya nila, 'kuya' ang ibig sabihin ng 'manong', at mas gusto daw niya ang salitang pakiramdam niya mas bata siya. "Handa na ba kayo? Matagal ang byahe na'tin mga hija, kaya dapat nasa kalsada na tayo bago mag rush hour."
Tumingin siya sa'kin at kay Lorraine habang ngumingiti, "Ilagay na namin mga bagahe sa likod?"
Sumingit si Rossana na nakapwesto sa likod kaya napalingon sa kanya si Manong, "Oi Rossa! Kamusta ka mayti?"
Habang nag uusap si Manong at Rose ay napalingon ako kay El, "Bakit mayti?"
"May tililing." Bulong niya at tumawa ako bago siya tinulungang magkarga ng mga bagahe namin sa likod.
"Ako na diyan mga hija!" Biglang lumingon sa'min si Manong at lumapit para ibuhat yung iba papasok.
Nang matapos ay niyaya na niya kaming pumasok at bumuntong hininga si Rian na kanina pa naka sabit sa isang braso ko, "Byee." Inabutan niya kami ng isang box ng cupcakes at ngumiti ako ng makita ang paborito ko sa loob.
Perks of having a friend who owns a business of making these, "Thank you bebe."
Ngumuso naman si Lorraine at yinakap ang magkapatid, "See you soon."
Maya maya ay lima na kaming nagyayakapan at hindi ko mapigilang matawa sa nangyayari. Para kaming aalis ng bansa at hindi magkikita ng ilang taon sa pagka clingy.
May day off naman, may cellphone din kami pero mga mukha namin ngayon parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Nang pumasok kami sa likod ng sasakyan, inabutan din ni Riri si Mang Ading na pinasalamatan naman nito, "Nako hija, salamat talaga pero 'wag ka nang magbigay ng ganto ha? Mamatay ako ng maaga." Suminghap ako sa sinabi niya, pero napahagikhik din pagkatapos.
Handang handa na kaming umalis, pero hindi padin gumagalaw ang tatlo sa bintana kaya napapalingon nalang ako sa harap para i-check na hindi naiirita si Manong sa'min. Mukhang hindi naman dahil tuwang tuwa pa ang mukha niya.
Kumaway si Rossana, "Uwi kayo agad. Puros matatanda na kasama ko rito." Dugtong niya kaya siniko siya ng kanyang ate at napailing si Riri.
"Sige na aalis na kami, alis na kayo diyan." Tinanggal ko ang kamay nilang nakahawak sa bintana at tinulak sila palayo. Hindi pa umaandar ang sasakyan ay para na kaming mga hyper na nagkakawayan.
"Byyeeeeeee!" Malayo na kami nang inilabas naming dalawa ni Lorraine ang aming mga kamay para kumaway at umayos lang ng upo nang hindi na namin sila makita.
Natutuwa nalang si Mang Ading sa ginagawa namin.
"Kamusta naman po maging boss ang mga Del Valle, Manong?" Tanong ni Lorraine habang kumukuha ng isang cupcake sa box.
Wala pang dalawang segundo ay naka sagot na siya, "Mabuti naman hija. Hinding hindi kayo mag aalala sa mga amo niyo dahil mababait na bata ang mga 'yon. Kahit minsan ay may pagka maldita ang bunso nila, napaka lambing pa rin ng batang iyon. Sila palagi ng ate niya ang kumakausap sa'kin pag nasa Mansyon ako."
Napatango ako. Mukhang tuwang tuwa si Mang Ading sa magkakapatid.
"Ang panganay nilang babae, medyo mahigpit pero ganoon talaga dahil siya ang tumayong ina sa mga kapatid niya. Sobrang bait." Ba't puros positive sinasabi ni Manong, medyo hindi na ako nagtitiwala.
Mga ilang oras na kaming nasa byahe dahil sa traffic. Kailan ba kasi mawawala traffic dito?
Bawat lipas ng oras. Unti unti nang kumokonti ang mga malalaking establisyemento, hanggang sa mga naging subdivisions, hanggang halos mga puno nalang ang nakikita.
Dumaan kami sa isang malaking roman style na gate na binabantayan ng mga guards. Kung ang pangunahing ideya ng gate na ito ay takutin ang mga tao—effective.
Naguusap si Mang Ading at mga guwardiya nang may ibinigay siya dito. Tahimik lang kami ni Lorraine sa lahat ng nangyayari.
Pagkapasok ng gate ay sunod sunod na malalaking bahay ang nadadaanan namin. What the heck. Sinong mga nakatira rito? The President and his cabinet? Halatang mayayaman na ang mga nakatira dito, bawat bahay ay halatang milyon o bilyon ang halaga.
Maya maya ay puros puno na naman ang nadadaanan namin. Napakunot ang noo ko. Nasa kagubatan ba nakatira ang pamilyang pag tatrabahuhan namin? Parang sa kasulok sulukan pa sila ng mundo nakatira eh.
Biglang umalerto ang isip ko nang dumaan na kami sa isang mataas na pader, parang mini version ng great wall of china, hindi parin kami tumitigil at sobrang haba nito.
Nakita ko ang family crest ng mga Dell Valle na nakaukit sa pader at inisip kong malapit na siguro kami sa gate.
Minata ko ang intricate patterns na gumagawa ng isang simbolo habang nakapalibot sa nakagitnang shield, na nasa loob nito ay isang ulo ng lobo. Nakasulat ang kanilang apelyido sa isang scroll sa taas nito.
Del Valle
They have a family crest. That's how you know a family is rich rich.
"Malapit na tayo." Anunsyo ni Manong at biglang bumangon si Lorraine dito sa tabi ko. Kaya pala tumahimik, nakatulog pala.
Parehas kaming nakatingin sa mahaba at mataas na pader nang unti unting bumagal ang sasakyan at napatingin ako sa harap. What the heck?
"What the fuck?" That is exactly my point Lorraine.
ԅ( ͒ ͒ )ᕤ
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 8: Gossip girls
Start from the beginning
