The day we were set to move in the mansion, naka planong maaga kami aalis sa mga bahay namin dahil maaga rin kami susunduin.
While I was ready to say my goodbyes, nahanap ko si Nana sa bakuran at may katawagan na nakaloud speaker sa isang lalake, [...That's better for h—]
"Nana?" I see her back stiffen.
Pinatay niya agad ang tawag at humarap sa'kin habang nakangiti. "Oh anak?"
I stared at the phone in her hand curiously at naguluhan sa inaakto niya, what is she hiding? "Aalis na po ako... Sino po yun?"
Wag mo sabihing may lovelife ang Nana kong 'to sa edad niya.
"Ah. nagtatanong lang ako kung may pwesto pa sa palengke." Tumango nalang ako habang minamata ang cellphone niya.
Narinig ko ang usapan at parang hindi naman 'yun ang topic pero baka nag-o-overthink ako? "Si Ate Beauty po?"
"Kumukuha na ng taxi para sa'yo 'nak." Tumango ako at sinundan siyang papasok sa loob. Hinawakan niya ako sa bewang habang tinatapik ang braso ko, "Mag ingat ka doon 'nak ha. 'Wag magpapagutom."
I nodded and hugged her sideways. "Ikaw Nana, wag ka po pasaway at uminom ng gamot."
Tumawa siya at hinawakan ang pisngi ko. Nakatitig mukha ko ng ilang segundo at nahuli ang aking mga mata pagkatapos, "Hay jusko mammiss kita anak."
"Babalik naman po ako kapag weekend." Bumuntong hininga at napanguso ako nang makita ang mangiyak ngiyak niyang mata, "Naaaaa bakit po may ganito, hindi naman po ako mawawala ng ilang taon."
"Scarlet! Andito na 'yung taxi mo." Pumasok si Ate Beauty para lang kunin ang mga bagahe ko sa may pinto kaya mabilis kong yinakap si Nana para sundan si ate.
Nang maayos ni Ate B ang mga bagahe ko sa likod ng taxi ay siya naman ang niyakap ko ng mahigpit, "Ate alagaan mo si Nana ha."
Niyakap niya ako pabalik at tumango siya, "Oo syempre. Mag ingat ka dun, Pula."
Ngumiti ako at pumasok na sa kotse, "Bye! Ingat po! Nana mauuna na po ako."
Kumaway ako habang lumalayo na ang taxi at kumaway sila pabalik. Tumingin ako kay Nana na nakatayo sa hamba ng pintuan, I waved at her for one last time bago ako umayos ng upo.
What is this uneasy feeling on my chest?
Tinatapik ko ang paa ko sa isa't isa habang nakatingin sa labas ng bintana sa shop ni Rian. Lima kaming naghihintay para kay Manong Ading—ang Ninong ni El na maghahatid sa'min papuntang mansion.
"Habaan mo pasensya mo Lorraine ha. Ang pikon mo pa naman, kaya palagi kang natatanggal sa trabaho eh. Baka masama mo pa si Scarlet pag natanggal kayo ngayon." Bilin ni Ellena kaya tumawa ako.
Tumaas ang kilay ni Lorry, "Hey! I am not."
"Medyo kayaaa." Sang ayon ni Rossana.
"Still. I wouldn't be like that if my bosses weren't assholes." Tumango ako. May point, manglalaban din ako kung ganoon ang boss ko.
Naguusap lang kaming lahat nang out of nowhere, hinampas ni Rossana ang nag mumuni muning si Rian. "What the fuck?"
"Lalim ng iniisip mo." Tumaas ang kilay ni Rossana at naguluhan akong lumingon sa kanila. Minsan talaga may mga pinaguusapan ang mga 'to at ako lang ang hindi nakaka alam.
"Hindi ba pwedeng tumahimik muna? Baliw talaga 'to." Umiling si Riri.
Ngumisi naman ang kaibigan namin, "Nung isang—"
"Si Ninong andyan na." Naputol si Rossana nang tumayo si Ellena at nakumpirmang ang paparating na asul na pick up truck ay ang kanyang Ninong.
Sabay sabay kaming tumayo at lumabas ng cafe nang tinawag siya ni Ellena. Napangiti ako nang makita ang matandang lalake. He's one of the people na kapag makita mo lang, mapapangiti ka na. He has such a positive energy.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 8: Gossip girls
Start from the beginning
