She lost me at the second part, I was so lost that my smile froze on my face while Rossana kept rambling on and on about the Del Valle siblings.
Tumawa si Lorraine nang mapansin ang mga mukha namin at pabirong sinabunutan si Rossana, "Gaga, ano na pinagsasabi mo?"
Hindi nagpatigil si Rossana at nagsimula uling magkwento, "Konti lang ang nakaka alam nito sa school pero dahil dakilang chismosa ako—alam niyo ba ang trahedya ng mga Del Valle na nangyari dati?"
"I think I'm familiar with it. Yung pinasok yung bahay nila?" Sabi ni Marianne at tumango si Rossana.
"Alam mo ba yun El?" tanong ni Lorraine.
"Hindi niya alam, pag aaral lang inatupag niyan eh."
Tumaas ang kilay ni Ellena sa sinabi ni Rossana, pero di 'yun pinansin ng kapatid niya at pinagpatuloy ang pag kkwento.
"Hindi ko alam kung premeditated o random crime, pero ang sabi sabi ay pinasok yung bahay ng mga Del Valle, namatay mama nila bago muntikan nang masunog ang bahay."
Nanlaki ang mga mata ko. Ang hirap naman maging mayaman, "Bakit?"
"Galing sa malalaking pamilya ang parents nila kaya hindi sigurado kung sa mother's side o sa father's side ang may pakana." Kumibit balikat si Rossana.
We all went quiet and I felt my heart ache, imagining the trauma they experienced.
"May nagsasabing dahil daw sa Lola nilang abugado. Baka gawa daw 'yon ng mga sindikatong napakulong na nito o dahil din sa Lolo nilang businessman, baka may naka alitan on the way to stardom—"
Napailing ako sa mga salita ni Rossana.
"Baka din daw sa Lolo nila na senador. Ang daming rumors and theories na ganon, pero may nagsasabi na baka rin sa Daddy nilang businessman at Mommy nilang activist, baka madami silang nakalaban."
Rian gasped at lumingon ako sa kanya, "Naalala ko 'yan. This was years ago! Bata pa tayo! Nabalita pa 'yan sa TV dati pero agad din nawala kasi gusto nilang tahimik lang. Naalala ko nung namatay ang Mommy nila, nakiramay pa si Daddy nung mga panahong 'yun."
Nalaglag ang panga ko sa gulat, "Pinatay talaga ang Mommy nila?"
Rossana pursed her lips, "Hindi ata. Ang alam ko car accident ang cause of death."
"Pano naging car accident?" Tanong ko. That's so traumatic, "Maybe she got killed."
Umiling siya at kumibit balikat, "Pag nakikita ko sila sa campus, minsan may guards pang nakasunod."
Tumango si Ellena, "Dahil siguro doon humigpit mga Del Valle sa seguridad at sa mga tinatanggap nila."
"Pero pano kami natanggap? Akala ko ba mahigpit sila?" tanong ni Lorraine at ngumiti si Ellena.
"Dahil sa'kin!" Bigla siyang nag pogi sign at tumawa ako. Minsan lang ganito kumukulit si Ellena, pagbigyan na. Bigla akong napaisip at kinabahan, we can't fuck this up, Ellena's name is on the line.
Nang paalis na kami, nilapitan ako ni El at hinwakan niya ang kamay ko habang papalabas kami ng Condo, "Scarlet? I want you to promise me something."
"Yas mamsh?" Lingon ko sa kanya.
Tumigil ako sa paglalakad at masinsinan siyang tinitigan, dahil tinitigan niya ako ng may lubos na pag-aalala. "Please keep in mind that opportunities exist. 'Wag mo hayaan na mawala sa'yo ang mga bagay na pinapahalagahan mo just because you think, you're not worth it. You have to learn how to fight for what you have Scar, or all of it will pass on your hands like running water."
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 8: Gossip girls
Start from the beginning
