Strings 8: Gossip girls

Start from the beginning
                                        

"Oo nga!" Malaki ang ngiti ni Ellena habang sinasabi iyon.

"Oh you're both fired na. Focus nalang kayo diyan." Rian tapped me and Lorraine to get our attention at yumakap din ako sa kanya. Kinupkop niya kaming dalawa nang walang wala na kami, "But you can come back naman anytime."

Tumili na'ko at hindi napigilan ang pag alog sa katawan ng kaibigan ko. "Shet. Sabay sabay nating sabihing hashtag salamat Ellena." Tinawanan lang niya ako sa kakulitan ko sa kanya.

"Sandali lang, Del Valle? Ba't parang pamilyar ang apelyedong yan." Rian muttered at biglang sumingit si Rossana sa kanya.

Inaayos niya ang mga chess pieces habang nagsasalita, "Syempre naman mga Del Valle, sikat mga 'yun eh."

"Kilala mo Rose?" Tanong ni Lorraine.

"Of course. Schoolmates na'tin sila. Pero kahit pala hindi ko ka schoolmate, sikat padin mga 'yun! Sila may ari ng school!" Napataas ang kilay ko sa gulat.

"Sila ang may ari ng SCU?" Manghang tanong ni Lorraine at tumango naman si Rossana.

At bakit kami gulat na gulat? Ang branch ng St. Ceara University sa San Raigo ang school namin nung elementary at ang main branch ay ang College University namin dito sa syudad. Ang paaralan kung san ako nag aaral ng Fashion Design at hindi itinuloy.

"Kaya pala pamilyar! Silly me, Del Valle is a household name. They already built an empire in the world of business." sabi ni Marianne. Napatingin ako kay Rossana nang kinalabit niya kaming malapit sa kanya para harapin siya.

"Ang alam ko sari-sari yung business nila?—" Akala ko sari sari store yung ibig sabihin ni Rossana. "—Meron ata silang security agency, Ces Vallis. Tsaka yung JCT Airlines sa kanila 'yun diba, noh ate?" Hinarap ni Rose si Ellena at napakunot ang noo ko.

"Kilala mo sila El?" Lorraine asked.

Tumawa si Rossana, "Sa De Valley Hotel siya nagtatarabaho. Tingin niyo, sinong may ari non?"

Sabay kaming lahat na napatingin kay Ellena, "Gago. They own that?" Namamanghang tanong ko.

"Parang nasabi ko na sa inyo to dati ah? Isa ako sa mga scholar ng mga programs nila kaya madali akong nakapasok sa kompanya. Itong si Rossana, scholar din." 

Napailing siya sa'min. It's like she's disappointed we don't know that.

"Ang kaso kung ipagpapatuloy mo ang pagloloko mawawala 'yan sayo." Biglang lumihis ang usapan namin at nasermonan naman si Rossana.

"Sisteeeer, doncha worry about me. I'm very opportunistic you know?" I sputtered and shook my head at Rossana's words. That sounded so wrong.

Seryoso siyang tinitigan ng ate niya, "You have to take it seriously Rossana okay?"

Umirap si Rose, "Ate, grabe ka naman. Parang 'di mo naman ako kilala. Art thou believe in me!" Kumunot ang noo ni Ellena at sa ilang segundo lang ay nag babangayan nanaman po ang magkapatid at pabalik balik lang ang tingin ko sa dalawa. Masyadong nakakaaliw silang titigan. 

Huminto lang sila nang ma-distract si Rose sa sarili niyang isip at bigla kaming dinaldal tungkol sa mga Del Valle.

"Alam niyo bang sikat ang magkakapatid na Del Valle sa buong campus? 'Di ko alam kung ba't hindi niyo kilala! Sa pagkaka alam ko, lima sila. Tatlong lalake at dalawang babae. Tatlo lang ang kilala ko sa kanila, yung bunso nilang si CJ, yung Jaceon na artista, at isang babaeng Del Valle. 

Gago ang ganda nun, may kambal ata yun eh, ewan. Di ko pa nakikita ang dalawang lalake at wala ata silang social media? Ay dapat pala sa google ako nag try. Pero as a known family, wala silang masyadong information sa internet? Lalo na ang mga lalakeng Del Valle? Parang model daw ang mga 'yun eh. Oh hindi pala, nagmumukha lang..."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now