Sobrang lakas ng kabog ng puso ko habang tumatakbo papunta rito at napasigaw nang makita sila.
"Christian!"
Ang security guard ng building at si Christian ay nakapatong sa isa't-isa. Agad kong tinawagan si TJ habang kinakapa ang kanilang pulso. They're still alive.
May narinig akong ingay sa emergency stairs kaya mabilisan akong tumago sa hallway papuntang restroom. Pinatay ang tawag sa lakas ng ringtone, at tinakpan ang sariling bunganga sa takot na may lumabas dito, nang sampung lalake na naka sibilyan na damit ang sabay sabay na naglalakad palabas. Iisipin kong estudyante ang mga 'to kung wala silang dalang tali at kutsilyo ng patago.
Hinintay ko silang makaalis bago ako lumabas ng building. Pinigilan ko ang pag agos ng aking luha habang mahigpit na nakatapat ang cellphone sa tenga ko. Hindi ko alam kung saan si Vernon at hindi sumasagot si TJ.
Lumiko ako para iwasan ang ibang estudyante. Ayaw kong madamay sila kung may mangyayari man. Hindi ko gustong maulit ang nangyari sa birthday ng kambal, sa yate ng mga Del Valle.
I called him again, and I thanked all saints when he answered. [Hope, are you okay?]
"TJ, may umatake kay Christian at sa guard ng building. Maraming lalake, hindi ko alam kung Itasaki o iba."
[Go to a crowded area baby, I'm going to you.] Mabilis niyang sagot. Hindi ko alam kung paano niya ako hahanapin pero napailing agad ako sa sinabi niya.
"Baka madamay sila... I can't."
[Hope, listen to me, okay? You should be with people so they won't find you easily. Do you have anything on hand that can protect you?]
Napiling ako. Ang dagger na binigay niya at ang pepper spray ko ay nakalagay sa bag—ang bag na nabitawan ko habang kinakapa ang pulso ni Christian at ng guard.
"Wala."
Mabilis ang hininga ko habang yakap ang sarili, hindi ko man lang napansin na hindi ko na dala ang bag ko. Ang tanga Scarlet.
Lumiko ako palabas ng campus habang punong-puno ang utak ng mga imahe ng mga babaeng na-kidnap at ibinenta ng mga sindikato. Masusuka na yata ako.
"TJ are you still there?" Naglalakad ako sa tumatahimik na kalsada, marami pang tao pero unti unti na silang bumabawas. May malakas na tugtog sa malayong dako, sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ko.
[I'll always be here, baby.] I had a flash of thought, wala naman siya sa tabi ko nitong nakaraang mga buwan.
Palingon lingon ako sa paligid kasabay ng panginginig ng aking katawan. Nanginginig ang mga paa ko at gusto na nitong bumigay pero pinipilit kong maging matatag o ako ang magiging sanhi ng sarili kong kamatayan.
[I'm near you, don't worry.]
May naglalakad sa likod ko.
I kept my senses sharp and ignored the steady sound of footsteps behind me, but as he started running, my heart nearly stopped.
Kailangan ko tumakbo.
My reluctance was my doom. Suddenly, I was dragged towards a dark corner by a tall man who grasped my shoulders and covered my mouth before I could even realize exactly how scary this was. I kicked and screamed, making things difficult for him.
"Hope!" His hiss made me stop and lose my fight as my eyes started to water from relief.
It's him. It's TJ. I'm safe.
Hindi na napigilan ang saril ko, niyakap ko siya. "Are you okay?" Naramdaman ko ang pag dausdos ng kanyang kamay sa aking katawan, kinakapa kung may sugat ba ako.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 32: The Daughter
Start from the beginning
