Ramdam ko na ang pamumula ko.
"Ang sarap mo hambalusin ngayon. Isa ka talagang ipis. Ang sarap mo apakan hanggang sa marinig kong lumalabas ang kaluluwa mo."
"Wow Hope, baby, I didn't know you had a degrading kink in you."
I scoff attempting not to laugh. I was supposed to be angry at him. Pero hindi ko maipagkakaila na na-miss ko ang mokong 'to.
Putangina pwede ba 'yun? Galit ako, pero masaya akong nakikita ko siyang buo at ligtas. Sa totoo lang nakaka-frustrate. Nakakabobo naman magkaroon ng romantic feelings.
"I need you to come with me—"
"Gago nawala ka ng ilang buwan and you expect me to follow you?"
Hindi ko na napigilang bumulong-sigaw, dahil alam kong malaki ang pagkakataon na baka naririnig nila Nana at Ate Beauty 'tong usapan namin.
Speaking of, "Alam ba nila na nandito ka?" Sabi ko sabay turo sa labas.
"Are you embarrassed to be seen with me?" Tumaas ang kilay niya at hindi sinagot ang tanong ko. "Or am I your dirty secret, they don't know about me?"
"Sandali lang." Naghalungkat ako sa bag at umaktong may kinuha, pag angat ay naka angat na ang gitnang daliri ko sa kanya.
Tumawa siya, "Funny, but I wasn't asking about that."
"Binibigay ko lang kasi deserve mo naman." Irap ko at kinuha ang package sa lamesa. Bahala siya diyan.
Hindi ako nagpaalam nang lumabas ako ng kwarto. Wala si Nana at Ate Beauty sa sala nang bumaba ako kaya nagmadali ako dahil baka makasalubong ko pa sila.
Nakatingin ako sa bahay habang naglalakad ako paalis at nakita ko si TJ na tinitingnan ako galing sa bintana. Tinaas ko uli ang gitnang daliri ko. Diba nakakainis pag umaalis lang ng basta-basta?
Pero habang naglalakad, nagulat ako nang nasa likod ko siya, ilang metro ang layo sa akin. Lumiliko siya pag lumiliko ako, hihinto pag hihinto ako, copying every one of my steps and following me to campus like a shadow.
Tiningnan ko siya ng masama.
Hinintay ko ang aking customer para ibigay ang product at dahil ayaw ko pa bumalik sa safehouse dumiretso ako sa workroom pagkatapos, marami pa ang estudyante na andito kaya hindi na ako natakot na ako lang mag-isa.
Sumilip ako sa labas ng building para tingnan kung naka-abang si TJ at napasimangot nang makitang wala na siya.
Iginilid ko ang kevlar na hawak. Plano ko gawing thesis topic ang protective clothing pero dahil naiirita ako sa taong gusto ko maka benefit nito, nawala ako sa mood gumawa.
Inuna ko na ang assignment namin sa advance draping at itinutok ang sarili dito.
"Tara na, mag dinner na tayo!"
Napa-angat ang tingin ko sa sigaw ng isang babae at chineck ang oras sa cellphone. 9:30 p.m.
Lumabas ang isang grupo ng magkakaibigan at nagulat ako nang ako nalang ang naiwan. Niligpit ko na ang textile at nag-ayos para umuwi bago pa ako maabutan ng lights out. Malalim akong humihinga habang mag-isa akong naghintay sa elevator, sumakay, at bumaba sa ground floor.
Muntikan na lumuwag ang hininga ko, pero pagkaapak ko palabas ng elevator, biglang namatay ang ilaw.
9:36 p.m.
Hindi pa oras ng lights out.
Naglakad ako ng mas mabilis, sa takot na mag-isa sa dilim. Pero napalingon ako sa walang bantay na guard booth... may paa na nakalabas sa isang banda.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 32: The Daughter
Start from the beginning
