Strings 32: The Daughter

En başından başla
                                        

I walked faster, and the van matched my pace. Tangina. I hope this is just me losing my mind and being overdramatic... I hope I'm not actually being followed.

Nagpanic ako at hinanap agad ang dalawa sa dagat ng tao, si Vernon at Christian, ang dalawang agent na hindi ako iniwan kahit wala ang boss nila. I see them in casual clothes, meters away from me and I slightly calm down—slightly is the word.

I frantically eye the car back so they'll know.

Nang makita ang itsura ko, mas bumilis ang kanilang lakad. Pero nang makalapit, biglang lumagpas sa akin ang itim na van. Tinitigan ko ang sarili sa tinted na salamin, walang paraan upang malaman kung sino ang nasa loob.

"Okay ka lang miss?" Tanong ni Christian at tumango ako.

Sa paglipas ng panahon, natunaw ko rin ang kanilang mini Allan exterior. Si Vernon ang mas strict sa dalawa, pero kadalasang si Christian ang kumakausap sa akin at ina-update ako sa mga impormasyong wala akong kakayahang malaman tungkol sa kanyang boss. Better that than nothing.

"Tatawag ako sa HQ."

Napailing agad ako sa sinabi ni Vernon. Baka normal na van lang pala 'yon. "Hindi na kailangan, wala namang nangyari." 

Mas mainam na kausapin ko ang pader dahil hindi man lang niya ako pinansin. Napailing nalang ako at itinuloy ang lakad, pero hindi na sila lumayo sa akin.

I've grown paranoid and anxious all these months, at kahit hindi ko gusto na sinusundan nila ako kung saan-saan dahil pakiramdam ko ay responsable ako sa kanilang buhay, pakiramdam ko ligtas at mas kalmado ako kapag nandiyan sila.

"Nakauwi na ako!" Bati ko pagpasok ng gate.

Ngumiti ako para hindi nila mapansin na may iniisip ako pero nang maabutan ko silang seryosong nag-uusap sa sala, napatigil ako.

"Anak..."

Napasimangot ako sa bati ni Nana, "Ano pong nangyari?"

Nahihirapan siya magsalita kaya kinuha ni Ate Beauty ang atensyon ko para ituloy ang sinasabi ni Nana, "Gusto makipagkita ng mga magulang mo sa'yo."

Kung may subtitles ang buhay ko, puros question mark na ang lalabas sa itaas ng aking ulo. "Paano niyo... nag uusap kayo?"

Tumango si Nana. "Minsan."

Nahulog ang panga ko at hindi ko na napigilang sumabog. "Lumaki po akong nagtatanong sa inyo kung sino sila? san sila? Hindi niyo masagot, tapos ngayon malalaman ko na text mates kayo?"

"Hindi namin alam, Pula. Ngayon lang uli sila nakipag usap." Pag-explain ni ate.

"Bakit? Para kilalanin ako? Hinayaan nila tayo maghirap!" Hinayaan nila ang sarili nilang anak na maghirap.

"Scarlet, hindi naman ganon..." Kinagat ko ang labi at kinalma ang sarili nang makitang umiiyak si Nana. Hindi 'to maganda sa puso niya. "Gusto ka nila makilala. Hindi mo ba gustong makilala sila?"

Gusto, pero umiling agad ako. "Tinapon nila ako. Ba't ba gusto nila tayong guluhin uli?"

"Anak, hindi ka nila tinapon, sila ang mga magulang mo. Totoong magulang mo."

Namuo ang luha ko sa tono ni Nana, onti nalang ay lumuhod siya at itulak ako sa kanila. "Pagod ka na po ba sakin Na? Ipapamigay mo rin ba ako katulad nila?"

Napahilamos ako sa pagkalito.

"Ang sakit naman nito Na. Bakit naman kayo ganto sakin?"

Nahirapan siyang tumayo at napailling ako habang umaatras. Kailangan ko nang umalis, hindi ko kayang makitang ginagamit niya ang natitira niyang lakas para lang kausapin ako sa bagay na ayaw ko.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin