ORF-45(Submission)

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad na ginagap ni Kevin ang kamay ko.Oo,natatakot ako.Hindi ko kasi naranasan ang ganito eh.Na mapagalitan ng lolo ko sa harap ng mga magulang ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang kapatid ni Kevin at ang mga parents niya.Tahimik lang mga ito at halatang sanay na sa kanilang lolo.

Samantala,ang ama ni Kevin ay halata lang ang pagtitimpi. "Dad,tama na." Mahinahon lang ang pagkaka-sabi nito ni daddy Greg.

"'Wag kang sumali sa usapan Greg.Dini-disiplina ko lang yung anak mo sa laba-."

"Dad please.Tama na yan.Baka sumpungin kayo." Putol ni mommy Elydia sa sasabihin ng daddy niya.Oo nga pala,may sakit ito sa puso.Kaya hindi nila ito sinasaway kahit masama pa ang ugali.Alam ko na kahit masama ang ugali nito,may kabutihan pa rin ito.

"Pagsabihan niyo itong anak niyo,na wag ako bastusin mismo sa harapan ng asawa niya.Nagpa-pakita lang siya ng hindi magandang pag-uugali niya." Hinihingal na sabi nito at sa akin pa siya naka-tingin.Nakakatakot talaga siya.Kaya madiin kong pinisil ang kamay ni Kevin na nasa ilalim ng mesa.

Alam niyang natatakot na ako,kaya hinapit niya ako sa baywang.

"Dad,hindi naman po kayo binabastos ng anak ko ah.Sinasagot niya lang kayo ng tama." Hindi paawat na sagot ni Daddy kaya lalong nag-tagis ang bagang ng lolo ni Kevin.

"Talaga bang ang lakas na ng loob mo na sagut-sagotin ako Greg?!Kaya lumaki itong anak mo na bastos at walang galang dahil hinayaan niyo na maging ganyan ang ugali.Walang galang!" Ikinumpas pa ang kamay nito sa ere.

"Lo,buntis po ang asawa ko kaya wag po sana kayo tumaas ng boses baka mapaano pa ang mag-ina ko.Kung galit pa po ikaw sa akin hanggang ngayon,kausapin mo ako o pagalitan mo ako pero wag sa harapan ng asawa ko." Mahabang saad ni Kevin habang nakalagay pa rin sa baywang ko ang kanang braso niya.

Di ko inakala na ganito pala talaga ang lolo ni Kevin.Akala ko nung nalaman ko na hindi totoong anak ni mommy Elydia si Kevin,galit lang ang lolo niya dahil dun.Pero hindi pala.Dahil talagang di sila magkaka-sundo at talagang halatang ayaw niya si Kevin.

"Stupido!Kung sinunod mo lang sana ang gusto kong mangyari Kevin,marahil,naging malapit pa ang loob ko sa iyo kahit hindi kita tunay na..."

"Na apo ho?" Dugtong ni Kevin sa sasabihin pa sana ng lolo niya.Nanlaki naman ang mga singkit na mata ng matanda dahil sa narinig niya mula sa kay Kevin.At kahit ako,at mga kapatid ni Kevin,even his parents ay nabigla din.Siguro dahil di nila inaasahan na sasagutin ni Kevin ang matanda ng ganito.

At yung dalawa niyang lalaking mga kapatid ay nakaka-nganga lang sa ibinulgar ni Kevin.Kasi nga,di nila alam na anak lang si Kevin sa labas.

"...lo,noon pa man,nararamdaman ko ng kakaiba ako sa mga kapatid ko.Noon pa man,alam kong magka-iba ang turing mo sa aming magka-kapatid." Pagpapatuloy ni Kevin at saka bumuga ng hangin. Alam kong nahihirapan siyang magsalita.Pero inalalayan ko siya sa pamamagitan ng pagyapos ko rin sa kanya ng mahigpit.Hindi ko kayang makitang naghihinagpis ang kalooban ng asawa ko.Ako ang nasasaktan ng sobra.Kung pwede nga lang na aakuin ko na ang mga nararamdaman niya sa ngayon,sana ginawa ko na.

"At ngayon po,alam ko na ang buong katotohanan.Alam ko na po.At patawarin mo po ako kung di ko natupad ang gusto mong mangyari.Kaya naglayas ako noon dahil ayokong makasal sa babaing ni minsan,hindi tumibok ang puso ko para sa kanya." Mahabang saad niya at punung-puno ng damdamin.Naalala ko nga na lumayas siya noon.Pero ang alam ko ay lumayas siya dahil sa alitan ng daddy niya.Hindi lang pala dahil doon.Marami pa pala akong hindi alam sa napangasawa ko.

At teka lang...bahagya akong napa-isip.Ipapakasal ng lolo niya si Kevin sa ibang babae sana?At ni isa, hindi man lang nabanggit sa akin ng asawa ko yan.

"Dahil yun ang nararapat Kevin.Alam ko kung ano ang makaka-buti sayo.Kaya pasalamat ka na lang na kahit hindi kita tunay na apo,iniisip ko pa rin ang kapakanan mo." Sabat naman ng lolo niya ng mahimasmasan ito sa mga pinakawalan ni Kevin.Bumalik ang mukha nito sa pagiging matapang na parang balewala lang sa kanya na nalaman na ni Kevin ang totoo.

"Pero tulad ng sinabi ko sayo lolo,hindi ko minahal ang babaing iyon.At ang ginawa kong pagsuway sayo dati,yun ang bagay na ginawa ko sa sarili ko na masasabi kong tama dahil..." Nilingon ako muna ni Kevin at saka hinalikan ako sa noo. "....dahil natagpuan ko ang babaing ito. Ang babaing nagmamay-ari ng puso ko.Ang babaing having dahilan kung bakit madali kong napapatawad ang mga taong naka-gawa ng kasalanan sa akin." Pagpapatuloy niya at saka lumingon naman ito sa mga magulang niya.Marahil ang mga parents niya ang sinasabihan niyang madali niyang napatawad. "Masarap magmuhay sa mundong ito lolo kung punung-puno ng pagmamahal ang puso mo." Dugtong pa nito.

Napapangiti ako,may pinaghuhugutan yata itong asawa ko eh.

"Letseng pagmamahal na yan!" Palatak agad ng lolo niya.

Ay si lolo ang bitter oh.

Napa-bulong tuloy ako sa isipan ko.

"Bakit di mo subukang mag-patawad lolo?Bakit hindi mo subukang patawarin ang taong alam mong nag-kasala po sayo?" At ngayon,alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Kevin.

"At sino ang ibig mong sabihin na patawarin ko,aber?!" Galit pa rin ang boses nito. Umangat pa nga ang dulo ng labi nito.

"Si ..."

"Ako dad." Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na siyang pumutol sa sasabihin sana ni Kevin.

"Karina?" Sabay-sabay silang tatlo na napabulalas.Sina lolo,Daddy Greg at mommy Elydia.

-------------------------------------

Please show your support to me through your comments & vote.

Unedited
No reviews

Thanks so much & God bless.

Kayo na po ang bahalang maghusga sa chapter na ito.Lol!

Our Ridiculous Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon