Kevin's POV
"Kent!" Napabalikwas ako kaagad ng bangon ng marinig ko ang sigaw ni Jasmine sa pangalan ng lalaki na ayokong marinig.Gayunpaman ay tinitiis ko ito.Nanaginip na naman siya sa lalaking iyon.Palagi na lang.
"Sweety." Niyakap ko pa rin siya kahit masama na ang loob ko.Ako ang asawa niya pero ibang lalaki ang napapanaginipan niya.Ang sakit lang.Pero pilit ko pa rin siyang iniintindi.I love my wife.Kaya iintindihin ko na lang siya. Pero parang sobra naman eh.
"Tahan na Jasmine please." Pang-aalo ko sa kanya. Umiiyak kasi siya. At natatakot ako na baka mapaano pa si baby sa halos gabi-gabi niyang panaginip.
"Kevin, napaniginipan ko na naman si Kent.Bakit?" Yumakap din siya ng mahigpit sa akin.
"Wala lang yun. Napapaniginipan mo siya kasi palagi mo siyang iniisip." Sabi ko na may tonong pagtatampo.Isa pa iyan eh.Ako na ang asawa niya pero iba ang nasa isip.
"H-hindi ko naman siya iniisip eh.Talagang napapaniginip -"
"Hindi mo naiisip Jasmine? Mapapaniginipan mo ba siya kung hindi?" Inis na putol ko sa pagpapalusot niya.Sino ba naman kasi ang di maiinis?Magdadahilan pa eh.Inilayo ko siya ng kaunti sa akin.
Nasaktan na ako.Bakit kailangan niya pang i-deny iyon?Sinasabi niya lang ba na mahal niya ako dahil sa ako ang ama ng dinadala niya?Shit!
Sa sobrang inis ko,tumayo na ako.Di na siya nakapagsalita eh.Nabigla siguro sa naging reaksiyon ko.
"Saan ka ba pupunta Kevin?" Tanong niya.
"Mag-a-unwind lang." Sagot ko at mabilis na nagsuot ng jacket.Di ko rin alam kung saan ako pupunta.
"P-pero alas onse na oh." Nag-aalangang sabi niya.
"It's early pa." Sagot ko at saka binuksan ang pinto at malakas na isinara ito.Narinig ko pa ang pagtawag niya ng pangalan ko.Pero di ko na siya nilingon.Wala na. Napuno na ako eh.
Mabilis kong pinaharorot ang kotse ko at pumunta ng bar.
Nakarating ako sa bar kaagad.Gusto ko lang uminum para maibsan ang sakit na naramdaman ko.Kaya ayokong ma-inlove eh.Masakit lang kasi.Pucha!

"Hey man." Napalingon ako sa taong tumapik sa balikat ko.
"Bro, Javier?" Gulat na tanong ko ng mapagtanto kung sino ang nasa gilid ko.May hawak din itong wine glass.
"Yeah.It's been a years,huh." Sabi niya sa akin.Oo, ilang taon na ba kaming di nagkita ng gagong ito?Siya ang pinili ni Miesha kesa sa akin.Si Miesha ang unang minahal ko.
"Oo nga pare.Nandito ka na pala sa Pilipinas?" Tanong ko.Ang alam ko kasi wala siya dito.Nag-migrate ang pamilya niya sa ibang bansa.
"Yup.Matagal na. Naging busy lang."
"Kakahabol kay Miesha?" Mabilis na tanong ko.
"Yes, I've been chasing my ex-mistress for a long time.And still now." Malungkot siyang tumingin sa malayo.
"Gago ka kasi." Sagot ko at mahina ko siyang sinuntok. "Kung di mo siya kasi niloko,di pa kayo nahihirapan ngayon." Sabi ko.Kahit di pa kami ayos ni Javier,di na ako galit sa kanya. Alam ko namang mahal na mahal niya si Miesha eh.At kung ano man ang nangyayari sa kanila,kanila na iyon.May sarili din akong problema sa buhay.Lalo na sa asawa ko.
"Yeah.I admitted it.Gago kasi ako eh." Sagot niya.
"Pareho kayo ni Zacharias. Ang gagago niyo." Ngumisi ako.
"Kaya nga.I heard about the accident.Kawawang Zach.Kawawa din ang pinsan ko." Ang tinutukoy niya ay ang pinsan niya na asawa ni Zachary a di naman niya pala asawa.At kaibigan din ni Jasmine. Si Allison Sandoval.
"Mga baliw kasi kayo kapag nagmahal eh.Wala kayong pinagkaiba ni Zachary.Ayun, peneke ba naman ang kasal kay Allison." Tumungga ako ng alak.
Sumang-ayon naman siya.

"Eh ikaw bro?Dinig ko ay nag-asawa ka na ah." Tanong niya.

"Ah yes.Buntis na nga eh." Pagmamayabang ko.Pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing maiisip na ang asawa ko ay mayroong iniisip na ibang lalaki.

"Oh bakit ka nag-bar?Wag mong sabihin na di ka pa rin nagbabago." Sinuntok din ako ng mahina.Nilaro-laro ko ang wine glass na hawak ko at saka nagsalita. "May problema ba sa asawa?" Tumingin siya sa akin na para bang hinuhulaan niya ang nararamdaman ko.

"Pare,nakakabakla.Pero mahal ko ang asawa ko eh." At mapait ako na ngumiti. "Di ko akalain na mamahalin ko siya ng ganito." Dugtong ko pa.
"Di nakaka-bakla sa isang lalaki ang magmahal ng totoo bro.Sa mahal mo siya eh.Now tell me, ano ang problema mo sa asawa?" Umayos siya ng upo.

Sinimulan ko ang magkwento.Lahat ng hinanakit ko ay nasabi ko sa kanya. Habang nagke-kwento ako ay tuluy-tuloy din ang pagtungga ko ng alak.Dahilan upang mahihilo ako.Ibig sabihin,malapit na akong malasing.
"Kulang pa ba pare ang binibigay kong pagmamahal sa kanya?Ang gusto ko kasi ay ako lang ang mahalin niya.Akin lang ang buong puso niya." Pinigilan niya ang balak kung pag-inum muli sana.
"Enough na Kevin.Baka di ka na makapag-drive.Malalasing ka na." Saway niya.
"Natatakot ako pare.Paano kung darating ang isang araw na iiwan niya ako dahil sa Kent na iyon?" Yun naman talaga ang ikina-katakot ko eh.
"Gago.Mag-isip ka nga bro.Ikaw pa rin ang asawa nun.At isa pa,sabi mo di ba di mo alam kung ano nga ba ng asawa mo ang Kent na iyon?Oh bakit di mo siya kausapin tungkol doon?" Seryosong sabi niya.May point naman siya. Matagal ko ng gustong kausapin si Jasmine tungkol diyan pero kinakain ako ng takot eh.At isa pa ayoko talagang maging paksa namin ang Kent na iyon.
"Tama ka nga pare.Thanks ha." At nakipag-kamay sa kanya. Ngayon ay malinaw na ayos na kami.Matagal din na panahon ang di kami nakapag-bonding ng lalaking ito.Nagkasira kasi kami dahil pareho kaming nagmahal sa isang babae. Si Zachary na lang ang kulang.
"Welcome bro.Oh paano? Uwi ka na ha.Ako kasi pupunta pa kay Miesha.Di pa rin kami ayos.Although na pinapahiram niya na sa akin ang anak namin, pero gusto kong mabuo ito." Huminga pa siya ng malalim.Oo nga pala. Di pa rin sila nagka-ayos.Masyado na nilang pinapahirapan ang mga sarili.

"Oh sige pare.Good luck sa inyo.At sana maging ok na rin kayo.Don't give up pare.Tanggapin mo na lang ang mga punishments na binibigay ni Miesha sayo.Gago ka kasi." At tumawa pa ako.
"Yeah.I know." Tumawa rin siya pero batid naman ang kalungkutan.

Nakauwi ako ng bahay ng matiwasay kahit nahihilo ako.Ilang oras lang akong nawala pero nami-miss ko na kaagad ang asawa ko.Di ko inasahan na ang isang kagaya kong mapaglaro sa mga babae ay nagawang patinuin ng isang babaing isip bata at wala sa katangian ng mga babaing nai-kama ko.

Dumeretso ako kaagad sa kwarto namin. Bukas na bukas ay kakausapin ko siya.Asawa niya ako kaya dapat alam ko ang nilalaman ng puso ng asawa ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.Nakasindi pa lahat ng ilaw. Nakita ko si Jasmine na nakaupo sa kama patalikod sa akin.Bakit gising pa siya. Hinintay niya kaya ako?Nag-aalala din siya kaya.
Tahimik ang mga hakbang ko na lumapit sa kanya. Agad ko siyang niyakap ng mapansin kong di niya ako naramdaman.
"K-kevin?" Nagulat siya sa ginawa ko.Humarap siya sa akin.Nakita ko sa mga mata niya ang pag-alala. "S-saan ka galing? Galit ka ba sa akin?Akala ko iiwanan mo na ako." Sunud-sunod na sabi niya.Napasubsob siya sa dibdib ko.Umiiyak pa nga. Buntis nga naman.
"Sorry sweety." Yan lang ang tanging nasagot ko.Hinagkan ko siya sa noo. Bigla tuloy akong nakonsensiya.
"Di ka na ba galit sa akin sweety?" Nakalabi na tanong niya.Haist.Parang bata talaga ang asawa ko.

Ipinantay ko ang mga mukha namin at saka ngumiti ako sa kanya. "Hindi na. Hindi kita matitiis sweety eh.Mahal kita.Mahal na mahal.Kaya makaka-asa ka na di kita iiwan.Kayo ni baby.Kaya sorry na." Walang kakurap-kurap na sabi ko sa kanya. Mabilis na hinalikan ko siya sa labi. Alam kong hihingi pa ng matagalang halik ito.

"Promise yan ha." Paninigurado niya.Napangiti tuloy ako sa isipan.Tumango ako.

"Bakit ka pa gising?" Tanong ko. "Makakasama yan sa inyo ni baby." Pagpapatuloy ko pa.
"Hinihintay ka namin ni baby eh.Baka nilayasan na ako ng daddy niya." Parang naiiyak na sabi niya.Ganyan daw kasi kapag buntis eh.Masyadong emosyonal.

"I love you sweety." Nakangiting sabi ko.Parang nawala tuloy ang sakit na naramdaman ko kanina.
"Hmp!I love you ka diyan.Kiss mo ako ulit.Mabilis lang yung kanina eh." Inirapan pa ako.Kaya napatawa na lang ako at inilapat ang mga labi namin.Sabi ko na nga eh.Hihirit pa ng matagalang kiss ito.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!