Kevin's POV

Ilang araw na lang ay ganap ng asawa ko na si Jasmine.

Ginawa ko naman ang lahat para masabi niyang importante siya sa akin ah.Pinaramdam ko sa kanya na mahal ko siya. Pero may isang Kent na nagmamay-ari ng puso niya.

Hindi ko alam kung boyfriend niya pa ba ito o ex na lang.

At kung sino man ang Kent na iyon,sana wag niya ng balikan si Jasmine.

Gagawin ko ang lahat para mapasaakin ang puso niya.Gagawin ko ang lahat upang mahalin niya ako.At sa pagbalik ng Kent na iyon,sisiguraduhin kong hindi niya na makukuha si Jasmine sa akin.

Pero paanon ko gagawin iyon eh palagi nga siyang galit sa akin.Alam ko na hanggang ngayon,naiinis pa rin siya sa akin dahil nga nabuntis ko siya. Mahirap bang tanggapin na ako ang ama ng anak namin?

Kaya dahil sa mga ganyang ugali na pinapakita niya sa akin,hindi ko maiwasan ang mainis din.Kaya kung minsan, pride na lang ang basehan ko.Na kapag iniwan niya na ako,masasabi niyang di ako nasaktan.Na ok lang ako.

"Hey pare.Kanina ka pa tulala diyan ah.Nag-away ba kayo ni Jasmine?" Si Zachary yan. Nandito kasi ako ngayon sa kanila.Umiwas ako kay Jasmine kasi mainit na naman ang ulo niya sa akin.Ayaw niya talaga akong makasama.

"Always naman pare.Palagi akong inaaway nun.Umiiwas na lang ako sa bunganga niya." Sagot ko.At ngumiti ng mapakla.

"Naku, wag mo ng patulan yun Kevs.Buntis yun kaya mainit ang ulo." Sabat naman ni Allison.

Kung alam lang nila. Hindi iyon ang dahilan eh.Ayaw lang talaga ni Jasmine na makasal sa akin.

"Siguro nga." Alanganing sagot ko.

"Mahal mo na ba siya? O ibang babae ang nasa isip mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Allison.

Sinabi ko kasi sa kanila noon na hindi ko mahal si Jasmine.Na napipilitan lang ako.At sinabi ko pa na kahit kasal na kami ni Jasmine ay di mawawala na mambabae ako.Pero ang di nila alam, habang sinasabi ko iyon,nasasaktan din ako.Ayoko kasing pagtawanan nila ako na ang isang Kevin na casanova noon ay magpapatali.

Natahimik na lang ako sa tinanong ni Allison.

"Kung wala kang masagot sa tanong ko Kevin,umuwi ka na para hindi ka na tatalakan ng wife to-be mo." Pagtataboy niya sa akin.

Kaya napilitan na lang ako na umuwi.

Iniisip ko minsan na nagseselos si Jasmine kay Xenia,pero malabo yun.Gusto niya lang talaga akong asarin.

-----------------------------

Jasmine's POV

Pagkarating niya,agad ko siyang sinalubong at pinagbabato ng mga flower vase,unan at kung ano-ano pang madampot ko.Kaya ayun,sapol sa biklog niya.Nakahandusay na siya ngayon sa sahig.

Pero siyempre imahinasyon ko lang yan. Yan nga ang gusto kong gawin sa kanya eh.Sino na namang babae kaya ang kalampungan nito?

"Hi baby." Bati niya sa sanggol na nasa tiyan ko.Akmang hahalikan niya na naman ang tiyan ko ngunit hinarang ko ng palad ang mukha niya.Kaasar kasi eh.Ang tiyan ko kaagad ang babatiin.Eh kung maghubad kaya ako pagdating niya,sa tiyan ko pa rin kaya siya unang babati?Haha!Ayan ka na naman Jasmine eh.

"Wag kang hahalik diyan.At bago ka humalik diyan,mag-alcohol ka muna pwede?Baka magka-bacteria si baby.Baka kung saan-saan mo hinawak yang kamay mo at ang lips mo." Sabi ko sa kanya.Naiinis lang kasi talaga ako mag-isip eh.Mamaya kung sino na namang babae ang kasama niya.

"Jasmine naman.Anong palagay mo sa aki—"

"Shut up Kevin!" Inis na putol ko sa sasabihin niya. "Gusto ko ng mangga na walang buto at pinya na walang mata." Dugtong ko pa na siyang ikinalaki ng mata niya.

"Jasmine, alam mo bang walang ganyang prutas?" Sagot niya.Pagdating kasi sa paglilihi ko ay masunurin si Kevin sa akin.Kahit nahirapan siyang maghagilap ay gumagawa siya ng paraan.Pero this time,tingnan ko lang kung may mahahanap siyang ganyan.Actually, di naman talaga yan ang gusto ko eh.Gusto ko lang makaganti sa pag-alis niya kanina.Linggo naman kasi ngayon,tapos lumayas siya.

"Yan nga ang gusto ko." Sagot ko rito na tiningnan ko pa siya ng masama.

"Jas, iba na lang hingiin mo. Oh de kaya ipahiwa ko na lang ang mangga at ipatanggal ang buto.At yung pinya,patanggalan ko na lang ng mga mata." Sagot niya.Naawa tuloy ako sa kanya. Mahal ko talaga ang mokong na ito.

"Eh yun nga ang ibig kong sabihin." Palusot ko.Hihi!

"Oh sige,bibili na lang ako." Kumakamot na sagot niya.

"Uhm...ayoko na pala nun.Iba na lang.Gusto ko na ng saging na malalaki ang buto. Yung senyorita ha."  Utos ko ulit.Nag-e-enjoy lang kasi ako na asarin siya eh.

"Jasmine, ano ba yan? Talaga bang sinsadya mo na pahirapan ako." Reklamo niya.

"Hindi ah.Eh sa yun ang gusto ni baby nat—" Hindi ko na naituloy dahil mabilis niya akong hinapit at hinalikan sa mga labi.

Yun lang pala ang paraan para sa kiss eh.Palagi ko palang gawin yun sa kanya.

Sa ngayon,ay e-enjoy ko muna ang halikan to the max na ito. Harhar!

------------------------------

A/N: Next po ay kasalan na. Wala munang tawanan ha.Sana patuloy niyong i-support ang mga stories ko.Sa mga nag follow sa akin.Maraming salamat po.Magparamdam kayo sa akin ha.Wag mahiya sa akin.He he! Siyanga pala, di na ako nag-e-edit ha.Sana kung may mga wrong typos at grammar, try to understand na lang.

Thanks again guys.
God bless us!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!