*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Jasmine's POV

"Jasmine?' Napalingon ako ng may tumawag sa akin.Lumapit sa akin ang isang lalaki. "It's me,Kent." Dugtong pa niya.

Si Kent?Si Kent,bumalik na?

"Kent?!" Parang lumakas yata ang pagkakasabi ko.Gusto ko siyang yakapin pero may kung anong bagay ang pumigil sa akin. "Ikaw na ba talaga yan? Ang silaw naman diyan sa kinatatayuan mo. Lumapit ka pa nga sa akin." Hindi ko kasi maaninag ang mukha niya dahil masilaw gawa ng araw na tumatama sa akin.Kinapa ko ang dib-dib ko.Hindi ko alam ang nararamdaman ko.Gusto kong sabihin sa sarili ko na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero hindi eh.Ang lakas pa rin ng kabog ng dib-dib ko.Kaya lumapit ako sa kanya. Gusto ko kasing yakapin siya.Sobrang miss ko na siya. Nang hindi siya nakapag-salita ay nagsalita ako ulit.

"Kent,bumalik ka?Bakit ngayon lang?" Di ko na napigilan ang luha ko na pumatak.

"Oo Jasmine. Di ba sabi ko sayo, babalikan kita kahit anong mangyari.Sabi ko sayo hintayin mo ako.Heto na ako oh.Binalikan ka na." Dumipa pa siya para iparamdam sa akin na narito na siya.

Paano ko ba sasabihin sa kanya na may asawa na ako?Hindi niya ba nakikita na malaki na ang tiyan ko.

"K-kent." Parang di ko pa mabanggit-banggit ang pangalan niya. "Kent,nag-asawa na ako.Kent,may mahal na akong iba." Patuloy pa rin ang pag-iyak ko.Tumahimik siya ng marinig ang sinabi ko.Mahal ko na si Kevin.Pero bakit nasasaktan ako ngayon?Bakit mayroong panghihinayang sa puso ko.Bakit gusto ko na hindi na lang ako nakapag-asawa.Bakit gusto kong sisihin ang sarili ko na sana,hinintay ko siya.Nakokonsensiya ako.

"P-pero di ba? A-ang sabi mo, mahal mo ako Jasmine. Di ba ang sabi mo, hihintayin mo rin ako kahit anong mangyari.Di ba yun ang pinangako mo? Di ba?" Nanginginig ang boses niya habang nagsasalita.Sobrang sakit.Sobrang sakit pala. Mahal ko pa pala siya. Si Kevin,mahal ko rin naman ah.

"K-kent,I-I'm sorry.Sorry kung nasira ko ang pangako ko sayo. Hinintay kita. Kaso, akala ko,di mo na ako babalikan.I'm sorry Kent." Humagulhol na ako.Pakiramdam ko ngayon ay nagtaksil talaga ako.Although mga bata pa kami noon,pero ramdam kong mahal na namin ang isa't-isa.

"Then come with me Jasmine. Iwanan mo na ang asawa mo. Ako ang mahal mo di ba? Ako di ba?" Bakas sa boses niya ang pagiging desperado.

"Kent,I can't.Oo, mahal kita. Pero asawa ko na si Kevin at magkaka-anak na kami.Kaya umalis ka na lang.Wag ka ng umasa.Mahal ko rin si Kevin." Sabi ko.Kahit ako ay nalilito na rin sa damdamin ko.Mahal ko siya. Pero mahal ko rin si Kevin.

"Hindi.Ako ang mahal mo Jasmine. Ako.So please,come with me." Nagmamakaawa ang boses niya.Iniabot pa niya ang kamay niya sa akin pero di ko ibinigay ang kamay ko. "Jasmine please. Babawiin kita sa kanya. Kukunin kita sa kanya!" Sigaw niya na siyang ikinagulat ko.

"No!Hindi ko iiwan si Kevin,Kent.Asawa ko na siya. Patawarin mo ako." Matigas na sagot ko.Nakita kong agad siyang tumakbo papunta sa kalsada.

"Kent!" Sigaw ko sa kanya. Bakit sa kalsada siya pumunta.Nakakatakot baka mabangga siya.

Napapansin ko na habang tumatakbo siya ay nagiging bata siya ulit.Lumingon siya sa akin.At nakita ko na ang totoong mukha ni Kent nung bata pa siya. Siya nga yun. Kanina kasi,ni hindi ko talaga nakita ang mukha niya.

Bakit naging bata ulit ang mukha niya?Bakit naging bata siya ulit habang lumalayo sa akin.

"J.I.!" Sigaw pa niya sa akin na masayang kumakaway.J.I. ang tawag niya kasi sa akin. At ang tawag ko naman sa kanya ay K.S.Stand for Kent Santos.At ito rin ang mga nakalagay na initial sa mga bracelets namin. "Halika ka rito, maglaro tayo!" Dugtong pa niya.Nasa gitna siya ng kalsada.

"Kent,wag ka diyan,mabangga-an ka!" Saway ko sa kanya. Natatakot kasi ako.

Nanlaki ang mga mata ko ng may isang pampasaherong sasakyan ang humaharutot.Para akong natulala habang tinitingnan ko lang si Kent na unti-unti ng matatamaan ng sasakyan.Hanggang sa tumilapon na ito ng duguan.

Pinilit niya pang tumingin sa akin and he mouthed. "Babalikan kita." Then,pumikit na siya.

"Kent no!" Bigla akong nanumbalik sa isipan ko ng ma-realize ko ang nangyari kay Kent.Si Kent,nabangga?Si Kent.No!Hindi maaari.

"No!No!Kent nooo!!!!"

"Sweety,sweety.Wake-up!" Napamulat ako ng mga mata.Si Kevin ang una kong nakita.Yakap-yakap na ako.

Panaginip?Napanaginipan ko si Kent.Bakit?

"Bakit ka sumigaw sweety?Bakit mo sinisigaw ang pangalan ni Kent?" Bakas sa boses niya ang lungkot.

"Si Kent,Kevin.Napaniginipan ko...Si Kent..." Umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Ha?" Rumihistro sa mukha niya ang pagtatanong. "About what?" Emotionless na tanong niya.

"Sabi niya, babawiin niya daw ako sayo.S-sabi niya,..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil nakatitig lang si Kevin sa akin.Galit ba siya.

"Sabi niya ano?" Ulit niya.

"Sabi niya mahal niya pa rin ako.K-kevin,tapos,nabanggaan siya ng sasakyan.Kitang-kita ko ang duguan niyang katawan." Napayakap ako ulit sa kanya habang umiiyak.Humigpit naman ang pagkakayakap niya sa akin.

"It was just a dream Jasmine. Iniisip mo kasi pa rin siya kahit ako na ang asawa mo." May himig ng pagtatampo ang tono niya.

"K-kev —"

"Matulog na tayo ulit Jasmine." Putol niya sa sasabihin ko. "Goodnight and I love you." At mabilis niya akong hinalikan sa labi at saka niyakap.Pumikit na siya agad. Nasaktan ko ba siya?

---------------------------------------

Kevin's POV

Hanggang ngayon pa rin pala ay iniisip niya pa rin ang Kent na iyon.

Nagkunwari na lang ako na nakapikit na dahil baka pag-awayan pa naming dalawa iyon.Nasasaktan ako sa iisipin na ang asawa ko ay may iba pang iniisip na lalaki.Akala ko,ako lang ang iniisip niya.

Jasmine, di ako papayag na babawiin at babalikan ka pa ng Kent na iyon.Ako na ang mahal mo. Ako na.

Di ako makatulog dahil iniisip ko ang mga bagay na iyon.Kapag ba, babalikan siya ng Kent na iyon ay iiwanan niya ako?

Gusto kong tanungin siya kung sino at ano ba talaga ang nangyari sa kanila.Pero pinanghihinaan ako ng loob.Takot akong malaman ang totoo. Baka sinabi lang ni Jasmine sa akin na mahal niya ako para matakpan ang pagmamahal niya kay Kent.

Niyakap ko siya ulit ng mahigpit at hinalikan.

Akin ka lang Jasmine. Mahal mo ako di ba? Ako na ang mahal mo. Ako na.

"I love you sweety." Sabi ko sa kanya. Gusto ko kasing iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya.Alam kong di niya na ako maririnig dahil tulog na siya. Pero laking gulat ko ng dumilat siya.

"I love you too sweety." Nakangiting sagot niya sa akin at isiniksik ang sarili sa akin. "Di ako makatulog." Dugtong pa niya. "Baka kasi galit ka sa akin.Sorry na po." Pagpapatuloy niya at siya na ang kusang naghalik sa akin.

At siyempre, marupok ako.Kaya nauwi pa sa alam niyo na ang ginawa niyang paghalik sa akin.

----------------------------------

No reviewed
Unedited

Thanks!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!