*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Jasmine's POV

"Kainis!" Sa sobrang inis ko ay ibinagsak ko ang pintuan ng apartment ko.Gusto ko kasing magmukmok at umiyak.

Masyado na ba akong madrama?Nasasaktan lang kasi ako eh.Ni hindi nga ako sinundan ng kumag na iyon. "Asa ka pa Jasmine." Bulong ko sa sarili.Sino ba ako para sundan at suyuin ng lalaking iyon?

Sumalampak na lang ako sa sofa at kinapa ang tiyan ko.

"Yung tatay mo. Ang sarap gilitan sa leeg." Kausap ko dito.As if naman na maririnig ako nito. Para lang akong loka-loka nito na kinakausap ang walang kamalay-malay na nasa sinapupunan ko pa.

Kahit galit ako sa ama nito, pero hindi naman sumagi sa isip ko na ipalaglag ito. Siyempre, pinaghirapan naming gawin to no.Kapagod kaya yun. Hihi!

Masakit nga lang isipin na masisira na lahat ng pangarap ko.Ang pangako ko para sa pamilya ko na iaahon ko sila sa kahirapan.Kaso nandito na ito eh.

Maya't-maya pa ay may narinig akong kumakatok sa pintuan.Dali-dali akong tumayo at binuksan ito kaagad sa pag-aakalang sinundan niya ako.Pero ng pagka-bukas ko ng pinto ay nadismaya ako.

Parang wala akong masabi.Nakatingin lang ako sa taong kaharap ko.Kinakabahan ako ng sobra.

"Iha,can we talk?" Nakangiting tanong niya.Ito yung daddy ni Kevin.Paano niya kaya natunton itong apartment ko?

"H-ho?" Parang may bikig sa lalamunan ko.

"Pasensiya ka na kung natunton ko itong tinitirhan mo ha.Sinundan kasi kita kanina eh." Sabi nito at inikot ang mata sa kabuuan ng apartment ko.Bigla tuloy akong nahiya.Mabuti pa ang ama niya,sinundan ako.

Nakatitig pa rin ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na magkamukha sila ni Kevin pero ang pagkakaiba lang ay singkit si Kevin.Ang ama niya naman ay hindi.

"S-sige po.Pasok po kayo." Nahihiyang yakag ko sa kanya. "Maupo po kayo." Dugtong ko pa at itinuro ang sofa. "Ikukuha ko lang po muna kayo ng juice sir ha." Sabi ko at tumalikod na.

"Wag ka ng mag-abala pa iha.Saglit lang naman ako rito." Wika niya.Tsaka ko lang naalala na wala naman pala akong maibibigay na juice.Kung maka-alok naman ako,wagas. Mabuti na lang tumanggi siya. Sana magkaroon pa ako ng problema.

"Ah sige po.Kayo ang bahala." Nakangiting sagot ko.Kapag umayon nga naman ang panahon.

"At isa pa iha, wag mo akong tawaging sir.Dahil soon,magiging daughter in law na kita.Maupo ka nga rito." Sabi niya at saka niyakag ako na umupo.

"Eh?Hindi ko naman po mapipilit ang anak niyo kung talagang ayaw akong panagutan." Sabi ko habang umu-upo.

"No.Yan ang di ko mapapayagan iha. Pakakasalan ka niya sa ayaw niya at sa gusto." May mga pagdidiin ang mga kataga nito. "Kaya iha, pumayag ka ng pakasalan ang anak ko ha.At sana ikaw pa ang dahilan ng pagbabagong-buhay niya.Alam mo naman siguro kung gaano ka-babaero iyon. Pero this time,itatali ko na siya sayo." Mahabang saad nito.

"P-pero hindi po ako mayaman na kagaya niyo para pakasalan ang anak niyo.Mahirap lang po kami. Kaya di ko rin masisi si Kevin kung ayaw niya." Bigla na lang pumasok sa isip ko ang ideyang iyan.Totoo naman kasi di ba?Narinig ko na lang na tumawa ng mahina ang matandang ito.

"Hindi mahalaga ang pera iha. Wala akong pakialam kung saan ka galing na pamilya.Ang importante lang naman sa akin ay mabigyan ng buong pamilya ang una kong apo at ang mga magiging apo ko pa." Itinuro niya pa ang tiyan ko.Di ako maka-imik dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Tulungan mo ako iha ha,please.Tulungan mo ako na baguhin ang anak ko." Seryoso pa siyang tumingin sa akin.

Hindi pa rin ako nakapagsalita.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!