*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Jasmine's POV

Excited akong pumasok sa office ni Kevin without knocking the door.At aasahan niyang di talaga ako kakatok.

Bit-bit ang tray na may lagay na oh so yummy coffee with baking soda.Hahaha!

Ano kaya ang maging reaksiyon niya? I'm sure,lalaki ang mga singkit na mata niya.

"Here's your coffee boss." Naka-ngiting sabi ko habang inaabot ang coffee.Nilambingan ko pa at kinikindatan ko siya.

"Ayoko na pala sa kape.Gusto ko ng gatas. Yung bear brand.Para busog lusog." Isang nakakainis na ngisi ang pinakawalan niya. Ang pisting ito, feeling Coco Martin.

"Coco Martin,ikaw ba yan?" Tinitigan ko pa siya at kunwaring kumurap-kurap.

"Mas gwapo ako dun. Ako ito si Kim Soo Hyun." Natawa din siya sa tinuran niya.Gusto ko ring mapatawa pero pinigilan ko.

"Kim Soo Hyun?Yung sa my love from the star?" Sakay ko rin sa biro niya.Pero sa loob-loob ko lang,excited na akong inumin niya yung coffee na new invention ko.Harhar!
Inumin mo na kasi.

"Ha?Ano yun?" Tukoy niya sa sinabi kong title ng korean teleserye.Kung maka-Kim Soo Hyun wagas. Iyon pala ay di rin alam.

"Ah wala.Alam mo bang kamukha ko raw si Kim Tae Hee?Yung sa forbidden love?" Aliw ko sa kanya.Feeling ko nagtsitsikahan na tuloy kami.Umupo pa ako sa silyang katapat ng table niya.Kaya magka-harap na kami.

"At anong alam ko sa mga Korean?" Bored na tanong nito. Kitamz niyo?Wala naman palang alam sa mga Korean eh.Inumpisahan tapos maiinis din.

Ng maisip-isip ko na baka malilintikan ako kapag natikman niya yung kape ay nagpaalam na ako na lumabas.Kaya napatayo na ako.

"Ah Kevs,labas na ako ha." Feeling close ang boses ko.

"Diyan ka lang.Di ko pa natitikman ang kape.Mamaya baka may lason to." Tiningnan pa ako ng masama.Lason? Di ko naman gagawin yun no?

"Lason? Bakit ko naman lalagyan yan?...Baking soda lang no." Pero di ko na isinatinig ang huli kong sinabi.

"Malay ko ba. Basta diyan ka lang." Itinuro pa niya ang pwesto ko.Kaya heto ako,nakatayo paharap sa kanya.

Dinampot niya na ang tasa na mayroong kape.
Inumin mo na kasi. Utos ko sa isipan ko.

Ayan na unti-unti niya na itong iniinum at----

"Shit!" Sabay pa naming sigaw at pagmumura.

Sino ba ang di mapapamura kung sa mukha ko mismo ibinuga niya yung iniinum niya. Sapul.Letse!

"What the f*ck!Anong nilagay mo sa kape ko?!Damn!" Inis na inis na sigaw niya sa akin.Napatiim bagang pa siya.

"Ako pa ngayon ang tatanungin mo ha?Ikaw nga itong bumuga ng kape sa mukha ko." Nakapamewang pa ako habang pinupunasan ko ang mukha ko na basang-basa ng kape.Naniningkit pa ang mga mata ko.Shit lang.Gusto ko siyang tirisin tuloy.

"Bakit mapait na mapakla ang kape na ito?!" Sigaw niya na nanggigil.Kaya nagkasukatan kami ng tingin.

"Tanga.Kopiko ang brand ng creamer na iyan.Palibhasa di ka nakakatikim ng pang-mahirap na kape!" Galit-galitan pa ang boses sa pagpapalusot ko.Di ko nga alam kung may creamer nga talaga ang kopiko.Aba,ang galing ko kaya sa pagpapalusot.Ako yata ang founder ng website na palusot.com ano?

"What?!Ginagago mo ba ako?!" Tanong niya sa malakas na boses. Napatayo na siya at akmang pupunta sa aking pwesto.Pero mabilis akong nakatakbo papuntang pintuan.Pero bago ako lumabas,nilingon ko pa siya at sinigawan ng...

"Damn you!"

"Bumalik ka rito. May kasala-" Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil nakalabas na ako.

Nakakainis talaga ang Kevin na iyon.

Sa mukha ko ba naman ibinuga ang kape.Bweset talaga.

Sa banyo na ako dumeretso para makapag-hilamos.

Simula ngayon,isusumpa ko na ang kape at ang baking soda na iyan.At kung sino man ang naglagay ng bagay na yun doon,humanda siya sa akin.Grrrr!...

Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako.Nasalubong ko si Nina.Yung kasamahan ko.

"Oh,bakit sandamakol iyang pagmumukha mo?" Takhang tanong niya sa akin.

"Ng dahil sa pisting baking soda na iyon." Nakasimangot na sagot ko.

"Ikaw ba ang gumamit nun?" Nanlalaki ang mga mata niya habang nagtatanong.

"Ako nga. Napagkamalan kong creamer.Kaya nailagay ko sa kape." Siyempre palusot lang yan. So ito pala ang naglagay doon?

"Hahaha!Tanga ka rin girl ano? Paano mo napag-kamalang creamer yun eh ang laki ng pangalan nun?" Tumatawang sagot niya.Oo nga no?Tanga ko talaga.Isip Jasmine.Ikaw kaya ang founder ng palusot.com.Ok!

"Hindi ko binasa eh.Basta ko na lang dinampot." Sagot ko.Ayos ang sagot ko.Kapani-paniwala.

"Shungaers!" At saka tumalikod na siya na iiling-iling.

Wow ha!Ang swerte ko ngayong araw na ito.

Humanda kang Nina ka sa akin.Ipapakain ko sayo lahat ng baking soda na iyon.

Naglakad na ako papunta sa table ko ngunit may biglang humablot ng braso ko.

"Halika nga sa loob ng office ko.Akala mo makakawala ka sa akin.Pagbabayaran mo ang ginawa mo." At hinila na ako ng Kevin na ito papasok sa office niya.

Nakita ko pa ang pagngiti niya ng nakakaloko.
Oh noes!Anong gagawin niya sa akin?

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!