Jasmine's POV

Dalawang taon na ang nakaraan.Hihi!De joke lang.Parang nalulungkot kasi ako eh.

Isang buwan na ang nakaraan.Nakabalik na rin si Allison sa office niya at wala na rin si Kevin.

Hindi ko mabatid kung ano ang nararamdaman ko.Nalulungkot ba ako o masaya?Baka nababaliw na ako.

Naikwento na ni Allison sa akin ang lahat-lahat na ginawa ni Zach sa kanya. Siya kasi ang ginantihan nito sa pang-iiwan ng best friend niya.Naaawa ako sa kanya.Ganyan pala kapag sa pag-ibig no?Nakakagawa ng kasamaan.Tulad na lang ni Zachary na iyon na pinilit na pakasalan siya ni Allison para makakaganti sa best friend nito.

Kaysa magmukmok ako rito, magbibihis na lang ako at magboboys-hunting na lang sa mall o saan man.Hahaha!

Ang totoo kasi niyan gusto ko malibang.Ewan,pero parang namatayan ako eh.Ito na ba ang broken hearted na tinatawag nila?Broken hearted agad? Kanino?Sa Kevin na iyon?Oh no,no,no!Hindi,hindi ko siya nami-miss.

Hindi nga ba?Haisttt...di ko na alam ang nararamdaman.Di pwedeng pumapag-ibig na ako.Pwede naman yun pero wag lang sa Kevin na iyon.

Mabilis akong nakarating sa mall.At kapag Mina Alas ka nga naman oh.
Shit!Bigla akong napa-mura.Si Kevin talaga ang nakikita kong halos puluputan na ng ulopong na babaing kasama niya ang Kevin na ito.

Bigla akong nainis. Wait,nagseselos ba ako?No hindi ah.

Hayaan na nga sila. Akmang hahakbang na ako pero nilingon ko pa sila. At lalong nainis ako ng nakita kong ngumingiti si Kevin habang naka-akbay pa siya sa babaing higad na iyon.

Saan na kaya sila papunta?Namalayan ko na lang na sumusunod na pala ako sa kanila.Lintik naman.Para na akong stalker nito ah.

Teka lang,parking lot na ito ah.Ang walang hiyang Kevin na ito, kapag ako ang kaharap ay naaasar agad, samantala sa babaing mukhang binalatan na patatas ay ang lambing-lambing niya.Akala mo ha.

Bigla na naman akong may naisip na kalokohan.

Bago pa sila makasakay ng kotse ay mabilis akong nakarating sa kinaroroonan nila.
Ok. Start acting Jasmine. Light,camera action!

"Walang hiya ka Kevin!Niloko mo ako!" At saka kunwaring pinaghahampas ko siya. Umiiyak pa ako.Pero pakiramdam ko ay totoo ang mga sinabi ko kasi damang-dama ko eh.Mangha at pagtataka naman ang rumihistro sa kanilang mga mukha.Hindi rin naka-imik si Kevin.Nakakunot lang ang noo niya.

"At ikaw namang haliparot kang babae ka?!" Binalingan ko si girl at pinanlakihan ng mata. "Alam mo ba kung sino ang nilalandi mo, ha?Alam mo bang ako..." Itinuro ko muna ang sarili ko at tumingin din kay Kevin na naka-nganga pa rin. "....ako lang naman ang asawa niya!At may..." Medyo napahinto pa ako dahil iniisip ko kung ilang anak ba dapat ang sasabihin ko.Nilakasan ko pa kunwari ang iyak ko.Pero pisting mga luha na ito, bakit parang totoo? "...alam mo bang may limang anak na kami?!" Sigaw ko siyempre. Bigla namang nanlaki ang mga mata nila pareho. Pinasadahan in girl ang katawan ko.Di ba halata na lima na ang anak ko?

"What are you talk -" Si Kevin ngunit agad ko itong pinutol ng sampal ko na mahina lang sana pero napalakas pala.

"Wag ka ng magsalita please Kevin." Napahagulhol ako kunwari. "Niloloko mo na nga ako!Sinaktan at dinurog mo na nga ang puso ko!Tapos,may gana ka pang sawayin ako?Anong klasing asawa't anak ka?!ha?! Ako na nga ang nagtatrabaho at nagpapalamon sayo pero ang kapal pa ng mukha mo para lokohin ako?!" At isang sampal ulit.Gusto kong matawa sa reaksiyon nilang pareho pero pinigilan ko.Best acting yata ang ginagawa ko ngayon.

Pero ang ikinagulat ko ay bigla na rin siyang sinampal ng babae. "Hayop ka.May asawa ka na pala tapos di mo sinasabi kanina pa.Isusumbong kita kay tito!" Sigaw ng babae sa kanya at isang sampal ulit bago ito tumalikod.This time ako naman ang nagulat sa ginawa ng girl na iyon.

"Ikaw na babae ka.Halika ka rito." Hinarap niya ako at biglang hinila at pabalyang ipinasok sa kotse niya. Nakita ko pa ang panggigil niya.Galit ba siya.

Kevin's POV

Nagulat ako sa ginawa ni Jasmine na ito. Napanganga pa ako dahil sa pagkabigla ng sabihin niyang asawa ko siya.

Pinigilan kong wag matawa sa acting niya. Alam kong pang-aasar lang niya yun sa akin.Habang nag-aacting siya, ang sarap lang isipin na totoo lahat ang mga sinasabi niya.

Takte!Bakit naiisip ko yun?

Natutuwa ako sa ginawa niyang pagdrama kasi ba naman,mabuti nga eh para tigilan na ako ng babaing ito na niririto ng daddy ko sa akin. Shit!Kailangan ko pa kasing magpanggap na sweet ako sa kanya dahil magsusumbong na naman siya kay daddy.Gusto na kasi ni Daddy na mag-asawa na ako para tumino na raw ako.Kaya ang anak ng kumpare niya ang niririto sa akin. Di ko naman type yun.Ang laki ng lahat ng hinaharap nito. Mabuti pa itong Jasmine.

Oo nga pala, sakay ko siya ngayon sa kotse ko.

"Saan mo ako dadalhin?!" Sigaw niya sa akin. Aba't ang babaing ito, siya pa ang may ganang sumigaw.

"Di ba sabi mo, asawa kita? Eh di magha-honeymoon tayo.Bayad mo yan sa pagsira ng araw ko." Nakangising sabi ko sa kanya. Kahit di naman niya sinira ang araw ko pero gusto ko lang talaga siyang asarin.Dapat nga pasalamatan ko pa siya dahil niligtas niya ako sa babaing yun, sa babaing buhat-buhat ang mt.everest.

Mahilig ako mambabae pero damn!Wag naman sa malaki ang nasa harapan o mas maigi kung tawagin kong boobs.

"Walang hiya ka!" Pinagahahampas niya ako. "Ibaba mo ako,ano ba?!" Sigaw niya.

"Di ba ito naman talaga ang gusto mo? Gusto mo akong tikman?Well,ibibigay ko.May mga anak na nga tayo di ba?." At ngumisi ulit ako.

"Ibaba mo ako sabi eh!" Nagsisigaw na sabi niya.Nakakabibingi talaga ang boses ng babaing ito.

"Gusto mo bang magpakamatay?!Oh sige, tumalon ka diyan sa bintana ng kotse!" Sigaw ko sa kanya. Ibinaba ko ang salamin ng bintana sa kinaroroonan niya.

Pero nanahimik na lang siya.Natakot siguro.

Napangiti na lang ako ng lihim.


A/N:Kung gusto niyo po malaman ang kwento ni Allison at Zach,please read na lang ng "His Way of Revenge" po.
Maraming salamat.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!