Kevin's POV

Inalalayan ko si Jasmine na bumaba ng kotse.Medyo nahihirapan na siya kasing gumalaw dahil malaki na ang tiyan na.And the next two months, manganganak na siya.Isisilang niya na ang maging panganay namin.Masaya at sobrang excited ako dahil isisilang na niya soon ang bunga ng pagmamahalan namin.

Nandito kami ngayon sa Cebu at papasok na ng bahay namin.Siguro panahon na upang magka-patawaran at maging maayos na kami ng kinilalang mga magulang ko.

Sapat na siguro ang mga panahong dumaan.Sapat na ang ibinigay kong panahon upang makapag-isip.Ayoko naman na magkaroon pa ng hinanakit sa parents ko kapag naisilang na ang anak ko.Ayokong makagisnan niya ang magulong pamilya.

Napag-pasyahan namin kasi ni Jasmine na kami na mismo ang kusang pumunta dito sa Cebu -my hometown.

Mabuti na lang dahil sumabay sa amin ang OB-gyne ni Jasmine pauwi dito ng Cebu.Taga-dito din siya kasi.Kaya di kami nahirapan na sumakay siya ng eroplano.At kapag nagkaayos na kami ng mga parents ko,gusto ko dito sa lugar na kinalakhan ko isisilang ang panganay ko kasama ng mga parents ko.

Although,di ako ipinanganak dito,pero ito na ang lugar na kinilala ko.Ang lugar na itinatak ko sa isip at puso ko.Kung may lugar man siguro ako na gustuhin,yun ay ang Bulacan.Ang lugar na kung saan isinilang ako at ang lugar ng unang pag-ibig ko.

Mula sa garahe ay nagtuloy na kaming pumasok sa bahay ng mga magulang ko.Nagpasundo kasi kami sa driver sa airport kanina.

"Iho,iha?" Mabilis na sumalubong sa amin ang magulang ko.Alam naman kasi nila na uuwi kami dito ni Jasmine.

Hindi naman kasi nawala ang pagiging close nila ng asawa ko.Ako lang ang lumayo sa kanila.Ang hindi pumansin sa kanila ng ilang buwan.

"Ang laki na ng tiyan mo iha." Puna ni mommy kay Jasmine ng matapos niya itong yakapin.Ako naman ay tahimik lamang na tumitingin sa kanila.Hindi ko alam kung ano ang unang gawin ko upang makausap sila -ang mga parents ko.Nahihiya ako sa kanila dahil sa pinakita kong pag-uugali.Naisip ko kasi na dapat pala sa halip na magalit ako sa kanila,magpasalamat na lang sana ako dahil niligtas niligtas nila ang buhay ko.Nag-sakripisyo silang lahat para sa kaligtasan ko.Kahit pa di nila sinabi sa akin ang totoo, pero di sapat yun upang kamuhian ko sila.

Sana lang,maibalik ang dating masayang pamilya namin kahit pa napaka-strikto ni lolo sa akin.Ang tinutukoy kong lolo ay yung parents ni mommy na hanggang ngayon,hindi pa rin ako natatanggap.Siguro nga dahil noon pa,ang alam nila ay anak ako ni daddy sa ibang babae.Kaya pala ganun na lang ang trato ni lolo sa akin.Kaya pala kailangan kong patunayan sa kanila na karapat-dapat ako sa pamilya.

Ang hindi nila alam,apo pa rin nila ako dahil anak akong totoo ng ampon nila.Paano kaya kapag nalaman ni polo yun?Alam kong hanggang ngayon,galit pa rin siya sa totoo kong mommy.

At ako ang gagawa ng paraan upang maging maayos ang lahat.Magiging masayang pamilya kami.Masayang pamilya ang makagisnan ng anak ko.Nang mga anak pa namin ni Jasmine.

"Iho,halika nga." Bumalik ako sa realidad ng tapikin ako ni daddy.Lumapit din sa akin si mommy at agad na yumakap sa akin.

"Iho,Kevin.Salamat dahil umuwi kayo dito." Naiiyak na saad ni mommy sa akin.Para namang hinaplos ang puso ko sa tinuran ng ina ko.Paano ko nagawang nagalit sa kanila gayung ang hindi ko tunay na ina ay minahal at tinuring ako na totoong anak.

"Kevin,a-anak.Patawarin mo kami." Anito ng maghiwalay sa pagkaka-yakap sa akin.Tiningnan pa ako sa mga mata ng walang kakurap-kurap kahit pa naglalandas ang mga luha niya.

Siya pa rin ang ina ko.Ang itnuring kong ina na kapag may nagawa akong kalokohan noon sa school,ay umiiyak siya.Umiiyak siya dahil nasasaktan siya na may nagawa akong kasalanan.Ayaw niya noon na lumaki akong suwail at hindi magiging mabuti ang buhay.Kaya palagi niya akong pinagtatakpan noon kay daddy.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!