*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Jasmine's POV

Dahil nainip ako ng bahay,pumunta na lang ako dito sa office ni Kevin.

Haist.Hirap pala ng maybahay ano? Boring.Lalo na ngayon kasi umuwi din si mama sa Bulacan.Nakakalungkot.Si Allison di ko rin makaka-usap ngayon kasi nasa hospital si Zachary. Ang kanyang asawa na na-aksidente sa kaka-habol sa kanya.

"Excuse me po ma'am.Sino po ang sadya nila?" Harang sa akin ng babaing mukhang espasol.Ang kapal ng foundation sa mukha.

"Si Kevin Sacramento sana." Nakangiti kong sabi ngunit nagngingit-ngit ang kalooban ko.Everytime na lang ba na kapag dumalaw ako sa opisina ng asawa ko ay sinisita ako?At sino ang babaing ito? Don't tell me na bagong secretary na naman niya ito. Isa pa ito sa kina-iinisan ko sa kanya eh.Pa-iba-iba ang secretary. Nakakapag-init ng ulo.Ano kaya ang gusto niya?Bakit paiba-iba ang secretary niya? Nakakapag-selos ha.Humanda to mamaya sa akin.

"May bisita po siya kasi ma'am.Kaya di pwedeng maistorbo." Sabi nito. Tiningnan ko siya ng masama.Pero siyempre, di porket asawa ako ng boss nila ay magyayabang na ako?Hindi ah.Magtataray lang ako.

"Ah ganun ba?Pwede ba malaman kung sino ang bisita niya?" Nakataas ang kilay na tanong ko.Ang sarap na talagang baliktarin ng sikmura nito.

"Si ma'am Xenia Labrador po ma'am." Sagot niya.Pakiramdam ko biglang nanlaki ang butas ng ilong ko.

Xenia na naman?

"Ah ganun ba? Eh ikaw, ano ka dito?" Nakangising tanong ko.

"Secretary po ma'am.Kaya kung pwede po ma'am kung di lang naman importante yang pinunta mo dito kay sir,umalis na lang po kayo." Malanding sabi nito. Aba't sinusubukan talaga ako nito.

"At anong karapatan mo na paalisin ako,aber?" Nakapamewang na tanong ko.Pinapainit ang ulo ko nito ah.May gusto ba ito sa asawa ko?Grrrr...Ang lalaking iyon,puro babae na lang ang nakapaligid.Ganito ba talaga kapag buntis?Halos lahat pagseselosan.Gusto ko ako lang ang tinitingnan ng asawa ko no.Gusto ko ako lang ang may karapatan sa kanya. Ako lang.

Kaya sa inis ko ay tinalikuran ko na lang ito.Narinig ko pa ang pagtawag nito pero di ko na pinansin.

Agad kong pinihit ang door knob.At yun nga, nakita ko si Xenia na malanding nakangiti sa asawa ko.

"Hi sweety." Bati ko kaagad sa kanya na siya namang sabay na ikinalingon nila. Nagrampa ako kaagad papunta kay Kevin.

"Hi too sweety." Tumayo siya at sinalubong ako ng halik sabay hapit sa akin.

"Oh,may BISITA ka pala sweety?" Diniinan ko pa ang salitang bisita. Nilingon ko pa kunwari si Xenia. Landi!

"Hi Xenia." Bati ko kunwari sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at kumaway din.Mas plastik.

"Bakit ka napadalaw sweety?" Tanong ni Kevin.Ba, ang bruhong ito, dumalaw lang ang malanding Xenia na ito ay tinanong na ako.

"Bakit sweety,nakakaistorbo ba ako?" Malambing ang pagkakasabi ko pero ang mga ngipin ko ay nagtatagis.Pinaupo niya ako katabi ng upuan niya. "Busy ka ba masyado sweety?O busy sa babae?" Di ko na isinatinig ang huling tanong ko.Basta, naiinis kasi talaga ako.

"Ah hindi naman sweety." Nakangiting sagot niya at ngumiti ng pilyo.Yun bang parang may naglalaro na kalokohan sa isipan niya.Kaya dumadagdag ang inis ko.Mamaya ka lang sa akin.Outside the kulambo ka talaga mamaya sa bahay.Kaso wala naman pala kaming kulambo kaya magtatabi pa rin kami.Hihi!
Wag mo akong mangitian Kevin.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!