Jasmine's POV

Bumalik ako sa table ko pagkalabas ko sa office ng Kevin na iyon.

Akala niya siguro susundin ko yung inu-utos niya.Ay never.Asa.com pa siya. Mabuti sana kung tungkol sa company yun eh.Para naman sa sarili niya.Eh de siya ang kumuha.Di naman disable yun eh.

Napabuntong-hininga na lang ako.

At dahil wala naman akong magawa.Ano pa nga ba ang gagawin ko?Eh de ang humarap sa computer at magtrabaho.Pero siyempre, charot lang yan. Magbabasa ako ng wattpad no.

Pasensiya na adik lang ako diyan.Ang ganda na kaya ng on-going na binabasa ko.Yung Sold to my Ex-husband ni Smykynyze.Kinikilig ako kay Kaz dun. Although kahit StuPat loveteam ako.Hahaha!

At may isa pa akong ina-abangan.Yung My Amazing Alalay ni SeanZie-Watty.Ehhhh...Gustung-gusto ko si Arthur. Grabi kung mag-mahal.Sana katulad niya rin ang destiny ko.

"Kinikilig ako."

"Alam ko.Dahil kahit di mo ako tinitingnan,mamatay ka na sa kilig sa hot kong katawan at gwapo kong mukha." Biglang sagot ng...Napa-angat ako ng ulo.

Waaahhhhh!!!...Oh noes!Nasa harapan ko na pala ang mayabang na lalaking ito. Nai-sambit ko pala ang mga katagang kinikilig ako.Bweset!

"Ay wow!Feel na feel mo? Hanep!Lakas ah." Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan niya.Naka-tayo pala siya sa harap ng mesa ko.

"Alam mo, maraming nababaliw sa pagpapantasya ng kanilang sarili." Ibinulong ko sa kanya.

"Hoy Carmine ala--"

"Jasmine." Pagko-korek ko sa pagkabanggit niya ng pangalan ko.Ang bantot na ito, binababoy ang pangalan ko.

"Ok, Yasmine na kung Yasmine.Kahi--"

"Jasmine nga. Ang kulit ng kukuti mo." Naiinis na pango-ngorek ko ulit.Yan pa naman ang ayaw ko.Yung iba ang pagkaka-sabi sa pangalan ko.

"Ok, Jasmine na kung Jasmine. Aba,pasensiya.Di mo ako kaagad tinuruan eh." Anito na nasa mababa ang boses. Pero halatang naiinis na.Nahihiya rin siguro na marinig ng mga empleyado.

Teka lang,di ba line ko yan?

"Hep!Alam mo, wala kang originality.Line ko yan eh." Ang bruhong to.Makapang-agaw ng line,wagas ah.

"Shit!Whatever!Back to our topic.Alam mo bang kahit di ko yan sasabihin,maraming nagkakanda-haba haba ang leeg sa akin kapag dumaraan,masisilayan lang ako.At alam ko na kahit ikaw ay ganun din." Nakangisi nitong sabi.At talagang sinuri pa ang kabuuan ko.Pakiramdam ko tuloy pinamulahan ako.Pero never na magpapahalata ako no.Kaya mo ang lalaking ito Jasmine.
Fighting!

Tumawa muna ako kunwari bago magsalita. "Alam mo, walang masama sa pagbubuhat ng sariling silya. Basta, sigurado kang totoo yun at kaya mo. Pero wag naman yung, buhat mo na nga ang silya,pati ba naman mesa,dinamay mo pa?Uy masamang palantandaan na iyan.Isang set na yan ha.Bigat niyan.Gets mo?" At umikot-ikot pa ako sa kanya na iiling-iling.

"Damn!Ang dami mong sat sat na babae ka.Alam mo, para kang manok na mangingitlog.Putak ng putak.Alam mo, kung makapagsalita ka,parang may angking kagandahan ka ano?" Napipikong sabi nito.At saka nagkasukatan kami ng tingin.

Ng bandang huli,ako din ang bumawi.

Oo na, inaamin ko,gwapo talaga ang mahangin na ito. Kainis!Pero never kong sasabihin ito sa kanya.Ano siya, sini-swerte?

"Maganda naman talaga ako ah." Sagot ko sa kanya. Para naman kahit pa-paano ay maka-bawi man lang ako. "At ang dami kayang nanliligaw sa akin.At isa na diyan ay si Tonying." Itinuro ko pa ang kinaroroonan ni Tonying. Parang nagulat naman ito dahil biglang umangat ng ulo.Letse! Narinig pala kami.

"Ay, di po ako nanliligaw diyan sir ah." Biglang sagot ni Tonying. Putragis!Ang pangit na ito, nag-deny.Iniwan ako sa ere!Nagulat na lang ako ng biglang tumawa ang Kevin na ito.

"Di naman pala nanliligaw si Ponching sayo ah."

"Tonying po sir." Correction agad ni Tonying.

"Talagang ipinagma-mayabang mo na nanliligaw si Bonjing sayo ano?" Pagbabalewala nito sa sinabi ni Tonying.Gusto kong matawa sa mga pinapangalan niya kay Tonying. Di ko alam kung sadyang mahina lang ang utak nito sa pag-memorize ng mga pangalan o sinasadya niya lang.

"Sir,Tonying po." Singit ulit ni Tonying. "Pero ok na po iyang mukhang bonjing ako.Kaysa naman sa sinasabi ni Jasmine na mukhang bayag daw ako." Dugtong pa nito.

Gusto kong mapa-buga.Kung may kina-kain o iniinum siguro ako,malamang ay naibuga ko na. Ang pisting Tonying na ito. Pinapa-hiya ako.Mamaya ka lang sa akin.

"W-what?!" Nanlalaki pa ang mga mata ni Kevin.Parang gustong humalakhak na ewan. Alam niyo yung pinipigilan ang mapatawa ng malakas.

Umiling-iling na lang ito at saka tumalikod.Nasilayan ko pa ang pag-ngiti nito.Pero bago pa siya maka-pasok sa office niya ay lumingon siya sa akin.

"Ang coffee ko.'Wag mong kalimutan.Gusto ko ng maraming creamer.At bilisan mo." Tsaka tuluyan ng pumasok.

Coffee pa rin?

Akala ko nalimutan niya na yun. Pambihira!

Wala na rin lang akong nagawa kaya sinunod ko na rin siya.

Pumunta na ako sa isang sulok na kung saan dito nakalagay ang water dispenser na mayroong hot and cold.Narito rin ang mga coffee, tea at kung ano pang mga inumin.

Damihan ko kaya ng coffee no? Para mapait.Uhm...ano kaya?Aba, di pwedeng di ako makaganti sa kanya. Naiinis talaga ako sa taong yun.

Nilagyan ko na ng ucc 114 coffee ang mug.Ganitong brand yung narini eh.

Coffee? Check.

Sugar?Check.

Creamer?...maraming creamer daw.

Hala.Wala na palang creamer.Naku, paano ito?

Hanap,hanap.Wala talaga eh.

Napalingon ako sa isang side.
Baking Soda?

Bakit kaya may baking soda rito?

Uhm...Aha!Ang talino ko talaga.

Dahil walang creamer ang coffee niya.May solution na ako.Hahaha!Humanda ka sa akin na Kevin ka.

Salamat sa taong naglagay ng baking soda rito. Papasalamatan talaga kita.

And now......

It's payback time!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!