ORF-10(Hello Again)

10.7K 299 27
                                    

Jasmine's POV

Inhale, exhale.Inhale,exhale.

Huminga ako ng malalim.

Bakit kaya exhale?Di ba dapat outhale?Inhale kasi eh.Ang weird.Bakit ba kahit yan ay napag-isipan ko pa.Talagang marami akong iniisip ano? Na kahit yan ay naiisip ko pa.Ang genius ko talaga.

Ayoko na rin magbasa ng wattpad.Nauubos ko na yatang basahin lahat ng stories eh.

Sumayaw na lang kaya ako sa ibabaw ng table ko?O de kaya kausapin ko na lang ang sarili ko?

Haisssttttt...Kainis talaga.Wala akong naisip.Patay na yata ang mga cells ko sa brain.

Kamusta na kaya si Kevin?Naaalala niya rin kaya ako?
Baliw ka Jasmine. Nababaliw ka na.

Napanguso ako.Nakaka-praning.

Sa sobrang inip ko,isinubsob ko ang ulo sa mesa.Ngunit ng umangat ako ng mukha ay nakita ko si...
Kevin! Sigaw ng utak ko.Siya ba talaga yan? As in siya na talaga?Si Kevin ba talaga ang tumatakbo papunta sa akin?Hihihi!Joke lang.Di siya tumatakbo.Naglalakad lang siya.

Kumurap-kurap pa ako na para bang sinisigurado ko na siya yan. At siya nga talaga.Napanganga ako.Parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko habang papalapit siya sa akin.Ay di pala sa akin dahil alam kong dadaanan niya lang ang pwesto ko.

Pasimple ko siyang tinitingnan habang papalapit sa pwesto ko.Lalo siyang gumwapo.At parang lalong bumango ang hitsura. Really Jasmine? Pati amoy niya ay nakikita mo sa hitsura niya?

Pero ang mokong na ito ay di man lang ako nililingon.

Tumayo kaya ako at patirin siya ano? Para naman mapansin niya ako.

Naku, para naman akong disperada nito. Di kaya?

Aha!Alam ko na.Total ako naman ang secretary ni Allison,bakit nga ba hindi? Ok. Go Jasmine. Chin up!

"Uhm.Excuse me." Habol ko sa kanya.Akma niya na sanang bubuksan ang pinto. "Di ka ba marunong kumatok?" Inis na sita ko sa kanya. Pero ang totoo niyan ay naiinis ako dahil di niya ako pinansin.

"Bakit nami-miss mo ba ako dahil nagpapansin ka talaga?" Nakangising sagot niya sa akin.Ang hayop na ito. Mind reader.

"Bakit naman kita nami-miss,aber?" Nakapamewang na sagot ko sa kanya.

"Bakit nga ba?" Pabulong lang ang pagsasabi niyang yun. Umangat pa ang gilid ng pang-itaas na labi niya.

Itinulak niya ako ng marahan at isinandal sa dingding.Mabuti naman ay di kami gaanong nakikita ng mga empleyado. "Hindi mo nga ba ako nami-miss?Hindi mo nga ba nami-miss ang mga labi ko?" Pabulong pa rin ang pagkaka-sabi niya.Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin habang tinitingnan ng malisyoso ang mga labi ko.At maya't-maya pa ay hinalikan niya ako sa labi.De joke lang.Harhar!

Nagkasukatan lang kami ng tingin.Hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko sa kanya.

Heto pa rin siya.Nakatitig pa rin sa akin.
Anebeyen Kevin?Wag nemen genyen.Mahahalikan na kita. Hihi!

Pisting isip to.Kung anu-ano ang naiisip.

Ako na ang unang umiwas ng tingin.Agad ko siyang itinulak.

"Wag kang assuming na nami-miss kita. Dahil ang saya ko na walang bweset sa buhay ko ng isang taon." Sabi ko at saka inikot ko pa ang mga mata ko.

"Talaga lang ha?" Parang di makapaniwala na sabi niya.

"Naman!" Mayabang na sagot ko.Pero alam kong di siya nawala sa isip ko ng isang taon. "Baka nga ikaw diyan eh.Nami-miss mo ako." Ngumiti ako ng nakakaloko.

"Sa palagay mo ba, naiisip kita? Never!Kahit once lang ay di kita naisip." Sagot niya at umiwas ng tingin sa akin.Ouch ha!Bakit kaya parang nasaktan ako?

Bigla akong nainis. This time ay totoo na.

"M-mabuti naman." Sagot ko na halos ikabulol ko pa.Ang pisting dila ko,namilipit pa.Pahamak talaga. "Sige,pumasok ka na diyan." Utos ko sa kanya.Naka-kunot noo lang siya na tumingin sa akin at saka kumatok.Maya't-maya pa ay nawala na siya sa paningin ko.Namatay na siya kasi. De joke lang.Wag naman.Pumasok lang siya sa loob ng office ni Allison.

Bumalik ako sa table ko at nangalumbaba.Muling pagkikita pa nga lang namin ay nagbabangayan na kami ulit.

Ilang minuto pa ang nakalipas.Tulala pa rin ako.Parang yun bang nalugi.Ang layo ng paningin ko.Ewan kung bakit di mawala sa isip ko ang sinabi niya na di niya daw ako naiisip kahit minsan lang.Kahit nga hello,di ako binati eh.Kainis talaga siya Kainis!

Ano ba talaga ang ipinaglalaban mo Jasmine? Wag mong sabihin na karapatan dahil wala ka nun.

Basta ah.Grrrrr...naiinis ako sa mukhang kabayo na iyon na nagkatawang tao lang.Hmp!

"Aray!" Medyo napasigaw ako ng mahina dahil may pumitik ng nguso ko. "Ano ba ang problema mo, ha?Bakit ba pinitik mo ang bibig ko?" Asar na tanong ko sa kanya.At sa inis ko ay sinampal ko siya,tinadyakan ko siya at sinaksak ng maraming beses gamit ang mahabang gunting ko rito.At ngayon ay nakahandusay na siya sa sahig.Pero sa isip ko lang yan.Hehehe!Bitter ba ako?

Alam niyo ba kung sino siya? Eh de ang bakulaw na Kevin.

"Nakanguso ka kasi eh.Para kang timang diyan na tumitingin sa kawalan." Nakangisi na naman na sagot niya.Wag mo akong mangisi-ngisihan Kevin dahil naiinis ako sayo.

Nakita kong may dinampot siya sa mesa ko na parang papel at mabilis na lumakad.Ano kaya yun?

Agad akong napatayo at mabilis na hinabol siya.

"Hoy.Bumalik ka rito.Ibalik mo iyang dinampot mo!Magnanakaw ka.Magnanakaw ka ng puso!" Siyempre sa isip ko lang yung huli kong sinabi.Wala na akong pakialam kung maririnig ng iba. Mabilis akong tumakbo.Nakita ko pa na para siyang bata na dinilaan ako habang papasok na ng elevator.

Oh hindi. Di ko na siya maaabutan.Kaya tumigil na lang ako na gigil na gigil sa Kevin na iyon.
May araw ka rin sa akin Kevin!

A/N:Hello.Just let me know if masyado ng corney ha.Pagpasensiyahan niyo na ako dahil baliw kasi ako.
He he!Salamuch sa lahat.Sana may Ilongga akong readers and followers ano?

Our Ridiculous Fate (Completed)Where stories live. Discover now