*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Jasmine's POV

Bigla akong nagising. Si Kevin kaya kamusta sa labas?Iniwan ko lang siya kasi sa labas na tulog sa sofa.

Siraulo kasi eh.Magpakalasing ba naman.Tapos dito pa nakitulog ang hayop niya.Galit pa rin ako sa kanya. Akala niya mau-uto niya ako sa pa-wife-wife to-be niya.Bahala nga siya doon.

Pumikit ako ulit.Pero pumapasok talaga sa isip ko ang lalaking iyon.

Napabuntong-hininga na lang ako.Nag-aalala din kasi ako sa kanya. Hindi ko pa naman in-on ang fan doon. Ang init kaya.Wala naman akong aircon eh.

Sige na nga. Babangon na ako para i-on ang fan doon. I-on ko lang ha.Wala akong balak na iba.

Lumabas na ako.Dahan-dahan ang hakbang na ginawa ko para di siya magising.

Pumunta ako sa sala na kung saan, natutulog siya.
Sige, lapit pa Jasmine.

Binuksan ko muna ang ilaw. At ayan nga siya,tulog na tulog.

Pinasadahan ko siya ng tingin.At bigla akong naawa sa position niya. Nakabaluktot kasi siya.Pinagkasya ba naman ang sarili dito.

Lumapit pa ako sa kanya. Nakita ko pa ang gabutil niyang mga pawis. Init na init siya siguro.

Itinutok ko ang fan sa kanya at in-on ito pero di naman gumagana.Sira pala ito. Hindi ko naalala.

Gumalaw siya ng kaunti.Ni hindi nga dumilat ng mata.Antok na antok pa siguro kaya di gumigising.

"Kevin,Kevin." Natagpuan ko na lang ang sarili ko na ginigising ko na siya. Tinapik-tapik ko pa siya.

"Ha?Bakit may kailangan ka ba?" Bigla siyang napabalikwas at napabangon.Naalimpungatan siguro.

"Ah wala.Pinapawisan ka na kasi eh.Kung gusto mo doon ka na lang sa kwarto ko matulog?Para may fan ka." Yakag ko sa kanya.Galing mo Jasmine. Para-paraan lang.Hihi!
"Ha?" Medyo nagulat pa siya. Pero maya't-maya pa ay ngumiti na siya ng nakakaloko. "Di mo ako natiis no?" Dugtong niya.

"Tigilan mo ako Kevin ha.Pasalamat ka nga kahit papaano ay may concern pa ako sayo." Nakapamewang na ako. "Pero wag na. Nagbago na ang isip ko.Diyan ka na lang matulog." Inis na sabi ko sa kanya. At tinalikuran ko na siya.

"Wait Jasmine. Sorry na. Sige behave na ako.Ang init kaya dito." Hinabol niya pala ako at pinigilan sa braso. Tiningnan ko lang siya ng masama.Grrr...Kainis!Bakit di ko ito matiis?

"Tulog lang ha.Wala ng iba." Sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay.

"Oo naman." At ngumiti siya sa akin.Mas lalo tuloy akong nainis sa kanya. Ni hindi man lang tumawad ng iba pa.Kahit man lang sana kiss.Harhar!

Pumasok na kami sa kwarto at nauna na akong humiga.Bahala siya kung isisiksik niya ang sarili niya dito sa kama ko.Ang liit lang kasi nito eh.

Ipinikit ko ang mga mata ko.Pero di ko siya naramdaman na humiga sa tabi ko.Pasimple kong idinilat ang isang mata ko at nagulat ako sa nakita ko.Shete naman oh.

Naghuhubad siya ng pantalon niya at naka-boxer short na lang ito.Tapos naka-sando na lang siya.Anebeyen?Hihi!

Wala pala siyang pantulog at isa pa,di rin siya nakapag-shower.Pero mabango pa rin siya at mukhang yummy pa rin naman siya.Ang landi ko talaga.

Tumabi na siya sa akin.Eeehhhh...Nemern eh!

Niyakap niya ako.Akala siguro ng mokong na ito ay tulog ako.Alam kong nakatitig siya sa aking mukha.Pero nagkukunwari akong tulog.Parang nangangatog tuloy ako.

Gumalaw siya.Tapos napansin ko na humalik siya sa tiyan ko. "Goodnight baby.Matutulog na si mommy at daddy ha." Halos pabulong lang ang pagkakasabi niya.Kakainggit tuloy. Mabuti pa itong anak niya sa sinapupunan ko ay ginu-goodnight niya kahit dugo pa lang.Pero ako wala.Hmp! Asa ka pa Jasmine!

Pero sa kabila niyan,ay masaya din ako kasi alam kong mahal niya ang batang ito kahit di pa nakalabas.Nakaka-touch tuloy.

Napansin ko na niyakap niya ulit ako at pumantay sa akin.

"Alam kong gising ka pa Jasmine." Sabi niya at napadilat na lang ako.Nagtama agad ang mga mata namin.

"Matulog ka na." Agad na sabi ko sa kanya.

"Ok. Let's sleep." Ngumiti siya sa akin at maya't-maya pa ay nag-kiss siya sa mga labi ko.Pero smack lang yun. Ay yun lang ba?

"Goodnight." Mahina niyang sabi at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at pumikit na. Kaya no choice ako kundi ang matulog na rin.


----------------------------

A/N: Hahaha!Nag-enjoy ako sa pagsulat ng kalandian ni Jasmine. Actually, wala yan sa plano ko.Kaso tulad ng sinabi ko,nae-enjoy ko ang pagsulat ng kanyang kalandian.Hahaha!Sana guys kahit singit lang yan ay na-appreciate niyo pa rin. Thanks!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!